"Me!" Boses 'yon ni Violet. "I respectfully nominate Hiraya Añasco as president."

My eyes widened. The fuck?!

Hindi pa nalilista ang pangalan ko sa board nang may nagtaas ng kamay.

"Ha? Bakit sya? 'Di ba babae si Añasco? Mag-vote naman kayo ng maayos!" Lester complained. Classmate namin siya last year at gusto ko na lang magdabog nang mapansin ko siya rito kanina.

"Sino naman nagsabi na kailangan lalaki ang maging pres?" I heard Vi's voice. She's obviously challenging Lester.

"Ako!" Proud pa siya. "Bakit kasi babae ninominate mo, Marquez? 'Di porket babae ka, babae rin ibototo mo."

"Why? Do you have a problem with women leading?"

Nagulat ako nang magsalita si Alvarez sa tabi ko. He said that while his attention was on the paper. Mukha lang siyang may sinusulat na kung ano pero nakikinig pala siya.

"Women can't lead. Walang magagawang maayos 'yan si Añasco kapag siya naging president natin."

Doon nag-init ang dugo ko. The nerve?

"Really? Wala akong magagawa? Baka nakakalimutan mong pumasa ka ng Research sub last year kasi ako ang leader mo? Binuhat kita, Santos. Hindi ka nga makakapasa kung hindi dahil sa babae."

I sat down after the atmosphere was covered in deafening silence. I don't want to brag but he's getting on my nerves.

"May gender ba ang pagiging presidente?" Rebut ni Alvarez.

"Wala! Pero syempre mas magaling maging presidente ang lalaki!"

"Says who? Paano ka nakasisiguro na kapag lalaki ang presidente, magaling na agad? So, iboboto mo kahit may bad records, walang experience, and walang credentials just because lalaki sila? Do you know how clown you sound right now?"

Natahimik siya dahil alam kong natamaan siya sa sinabi ni Alvarez. He's right. Hindi porket babae, mahina na agad.

Bumaling ako kay Belmonte at sinabihan siyang burahin ang name ko sa board. I object to the nomination.

Naging maayos na ang nomination, not until narinig ko na naman ang apelyido ko na na-nominate. Babae pa rin naman ang na-nominate na president.

Nang muse na ang position ay ako na naman ang napag diskitahan nila.

"Si Añasco na lang! Bagay siya maging muse kasi maganda na tapos matalino pa," suhestiyon ng isang kaklase ko.

I massaged my forehead. Bahala sila, naiistress ako.

I wasn't paying attention at hindi ko naman alam na ako nga ang mananalong muse. The hell?!

"The nomination for escort is now open. Any nominees?"

Someone raised their hand. "Si Santos! I respectfully nominate Lester Santos for escort."

Pagsulat sa kanya ay nakarinig agad ako ng, "I move the nomination to be closed."

Huh? Pwede ba 'yon? Wala siyang kalaban?

"Hindi 'yon pwede! Kailangan niya ng kalaban right?" Natataranta kong tanong. I don't want that misogynist Lester to be the escort!

"Wala nang gustong mag nominate e. May gusto ka ba?"

Out of nervousness, I glanced at the person beside me. "Si Alvarez."

Mukhang nagulat din siya dahil nabitawan niya ang lapis na hawak niya. He looked up at me before saying, "the fuck?!"

Nakita kong naiirita ang mukha niya kaya hindi maiwasang lumabas ang demonyong ngiti sa labi ko. Hah! Serves him right for pissing me off earlier.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now