"Which is also true. Ano iyon babaguhin niya ang sarili niya para lang magka-boyfriend?" curious na tanong ni Jeremiah.


"Yep, she just asked me to teach her how to be exciting."


Tila nagulat ang mga kaibigan niya dahil napatigil ang mga ito sa pagsubo ng kani-kanilang pagkain.


"Pumayag ka?" tanong naman ni Mico.


Tumango siya bilang sagot sa tanong nito.


"Ay, condolences, Dylan!" biro sa kanya ni Jeremiah.


"Gago! Asikasuhin mo na lang si Colyn, o. Ayun o," sabay turo niya kay Colyn.


Si Colyn lang ang nakakasagot ng pabalang kay Jeremiah at nakakapagbugbog dito, kaya inis rito si Jeremiah.


"Tsk. Hayaan mo siya," pandededma ni Jeremiah.


Buong gabi lang sila nagkwentuhan. His friends also suggested ways para ma-improve si Mitch, dahil isang malaking challenge talaga para sa kanya na mapabago si Ms. Perfect. Good luck to him.


Kinabukasan maagang pumasok si Dylan sa trabaho—not that he had another quickie. Sinabi niya sa sarili niya na medyo maghihinay muna siya sa sex life niya, pero nagulat siya dahil nandoon na si Mitch na may inaasikaso sa desk niya.


Pinagmasdan niya ito at nakitang nagbago na ang mga suot nito. Hindi na ito mukhang principal sa mga suot. Her hair is still tied in a high bun, but at least her outfit improved.


Pumasok na siya kaya napatuwid ng tayo si Mitch.


"S-Sir!"


"Ang aga mo yata, Ms. Toledo. It's only 5:30 in the morning," sabi niya.


"Ah, Sir. May itatanong lang po kasi ako."


"Okay, halika." He opened his door to his office. Naramdaman naman niya na sumunod sa kanya si Mitch. Umupo na siya sa swivel chair niya habang nakatayo naman si Mitch sa harapan niya.


"Umupo ka muna," aya niya.


Pero nakatayo lang si Mitch sa harap niya. Mukhang may sasabihin ito pero parang nagdadalawang isip.


"May sasabihin ka 'di ba? Shoot."


"How's this?"


Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito. At tila alam din ni Mitch na hindi niya naintindihan ang sinabi nito, kaya umikot pa siya para makita ang kabuuan nito.


"Okay ba ang itsura ko?"


Sinipat niya ito ng tingin, pagkatapos tumayo siya mula sa pagkakaupo at umikot sa harapan ng desk niya at sumandal dito.


"I see you changed the way you dress. Pero..."


"Pero ano?"


"You still have that strict aura that men hate. Seriously, you have to stop sporting that Ms. Tapia look."


"Anong dapat kong gawin?"


"First, we have to go get you a new wardrobe. Mamayang out mo, hintayin mo 'ko, magsho-shopping tayo."


"Okay."


Then she went out to his office. What was he going to do to this woman? Bakit ba siya nito napapayag? Maybe it was because he was bored—and somehow, naaawa siya kay Mitch.


Imbis na mag-isip, humarap na lang siya sacomputer niya at nagtipa na lang ng mga reports na ipapasa niya sa board.

My Seductive Boss [Fin]Where stories live. Discover now