"Hoy ano ba! Ang tagal niyo naman! Kanina pa kami naghihintay dito oh!" Si Yumi yun. Actually, siya yung nagyaya na sa bundok naman kami pumunta, sa probinsya ng mga tumulong sa mama niya dati-- ayon sa kwento niya. Tinanong namin si Tito SooMan and pumayag naman siya. Kaya gora lang kami. Nung una, aarte arte pa si Chen may pa yak yak at iw iw pa nga siyang nalalaman eh sasama rin naman.

Naging kaibigan namin si Yumi sa loob ng dalawang linggo ang kaso hindi sila nagpapansinan ni Chen, mga kaartehan nilang dalawa. Si Chen naman ayaw niya manuyo. Psh pabebe. Kalalaking tao, napaka. Kahit naman ganun si Yumi, sigurado naman ako, yun lang yung gusto niya.

Alam niyo ba, sa dalawang linggo namin dun sa 'secret place' eh mas lalong magiging close si Yimka kay Suho. May bago na ngang cellphone yun eh, pero trip pa rin si Suho. Gwapong-gwapo siya kay Kuya Suho niya.

Tapos si Yumi naging close sa aming lahat. LT kaya siya kasama. Isama pa si Hyoyeon at yung beagles. Pero di talaga sila nagpapansinan ni Chen. Kahit tanguan, wala! Nakakalungkot lang.

Si Kyla naman, napalapit sa blackpearl parents 'kuno' niya. Nasabi nila na silang tatlo lang yung umuwi ng probinsiya, partida naka barko lang sila. Fearless kiddos/

Kami ni Kris? Hindi pa ulit kami nag-usap. I don't know kung siya lang yung nakakapansin nung mga nakikita ko, pero kasi medyo umiiwas ako sakanya. Para di mapahamak yung iba, I have this strong feeling na hindi lang para sa amin ni Kris yung nakikita namin. Sino siya at bakit siya sunod ng sunod?

"Ano na! Kadugay dugay sa inyo bayaan karon namon kamo!" Ayan na naman siya kabibisaya niya. Asar na yan pagka nagganyan na siya.

(Ano na! Ang tagal tagal niyo naman! Iiwan namin kayo diyan mamaya!)

"Ara na! Daw indi gid kahulat!" sigaw namin. Yes marunong kami pero yan lang alam namin na sentence kasi yan lang lagi namin sinasabi kay Yumi at sa mga kasama niya. Paano lagi na lang kami ang hinihintay kaya ayan sinabi na saamin ni Yumi kung paano sasagot sakanya pag badtrip siya. Marunong rin naman kami magsalita niyan, pero by words lang. Hindi kami yung ganun karurunong no!

(Ayan na! Parang hindi kayo marunong maghintay ah!)

"Gaina pa gani kami gahulat. Dasigan niyo na da!" Sigaw pa niya kaya nagmadali na kami. Matapos pa ang ilang sandali-- mga labinglimang minuto ay saka lang kami nakalabas-slash-lumabas.

(Kanina pa nga kami naghihintay. Bilisan niyo na diyan!)

Yung mukha ni Yumi, Yimka, at Kyla (anak-anakan nina Yul at Kai) di na maipinta. I think, they waited for us almost forty-five minutes.

"Sana di na lang kayo lumabas" masungit na sabi ni Yimka sabay pulupot kay Suho. Nakita ko naman si Tiff na susugod na. Hinila na lang siya ni Taeng pabalik.

Sumakay na kami sa coaster. Nagpadala ng bagong sasakyan si tito para samin, nalaman niyang marami na kami at isama pa yung mga gamit namin, buti at hindi nila naisipan na punain yung sexy naming suot, kasi kung oo sandamukal na irap yung makukuha nila. Lahat tahimik, which is parang hindi totoo kasi laging maingay. Kaya naman pala tahimik, eh kasi si Chen at Yumi nag-aaway. Wow naman! Minsan lang mag-usap nag-aaway pa? Sakit sa heart. Ngayon na nga lang nag-usap, nag away pa.

"Eh kasalanan ko bang kaylangan ako ng grupo ko kaya hindi ako sumama sa iyo at hindi ko na napuntahan yang anniversaryng sinasabi mo?!" Rinig naming biglang sigaw ni Chen kay Yumi.

"Mga palusot mo! Edi sana nagsabi ka! Hindi yung aalis ka ng walang paalam! Ginagawa mo yata akong tanga eh! At anong anniversaryng sinasabi ko?! Totoo yun. Bobo ka ba o nagloloko ka lang talaga?! Anniversary natin yun! And yet, I look like saying ridiculous things here! Umamin ka nga Kim Jong Dae na kilala bilang Chen, niloloko mo ba ako? Maniniwala na ba ako sa sinabi ni Yimka sa barko?"

The Girls' Rules [UNDER CONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon