Tumayo na ito kaya sumunod ako sa kan'ya. Lumabas kami ng office n'ya at dumiretso sa isang puting pinto. Kasama namin ang nurse na nagbigay sa'kin ng fill up form kanina. Pumasok kami roon. Tumambad sakin ang isang higaan at monitor. Nandoon din ng sonography na gagamitin para sa ultrasound.

“Please lay down on the bed, Ms. Valmorida.”

Sumunod ako sa sinabi n'ya. May mga ginawa muna s'ya katulong ang nurse n'ya bago bumalik sa'kin. Hinayaan ko s'ya na gawin ang mga dapat gawin.

Itinaas n'ya ang damit ko hanggang chest part at bahagyang ibinaba ang pantalon na suot ko para ilantad ang puson ko. May nilagay s'yang gel sa tiyan ko hanggang puson. Humarap muna s'ya sa'kin at ngumiti.

“Relax first.” tumango lang ako. “Now, are you ready?”

Putspa naman, pinarelax ako tas tatanungin kung ready na ako. Hello, mas lalo akong kinabahan!’

Tumango nalang ako bilang sagot.

“Okay. If you want to, you can look at the monitor.” nakangiting saad nito. Kusa kong itinapon ang mata ko sa monitor.

Hindi ko na naialis ang paningin doon kahit pa naramdaman ko ang bagay na idinikit ni Doc sa tiyan ko. Gumalaw ang bagay sa monitor. Dinaga ng dibdib ko sa kaba habang inaabangan ang bagay lumantad doon. Nakailang lunok ako at humigpit ang kapit ko sa damit ko.

“I found him.”

Biglang may naging visible na imahe sa monitor. Kumunot ang noo ko dahil hindi masyadong klaro iyon. Kulay black and white kaya kailangan ko pang titigan nang mabuti ang monitor.

“There he is.”

Naging klaro ang isang maliit na bagay sa gitna. Maliit pa s'ya at mukhang natutulog lang. Sobrang liit n'ya at mukhang bago pa lang.

“Do you want to listen to his heartbeat?” napatingin ako kay Doc na nakangiti pa rin. Kusang tumango ang ulo ko bago ko ibinalik ang tingin sa monitor.

Maya maya ay may narinig akong tibok. Mahina palang 'yon pero parang musika na sa tenga ko. Para akong niyakap sa tunog na 'yon. Kumibot ang labi ko at umulap sa luha ang mata ko. Umiiyak akong napangiti habang nakatingin sa maliit na bagay sa bahay bata ko habang nakikinig sa tibok ng puso nito.

“Ang baby ko..” mahinang anas ko.

Kakatuwang wala na akong maramdamang pagdududa na hindi na ako magiging masamang ina sa kan'ya. Dahil nang marinig ko ang tunog ng tibok ng puso nito ay ipinangako ko na sa sarili kong bubuhayin at aalagaan ko s'ya.

‘Sobrang mamahalin ka ni Mama, baby ko.’

Natapos ang ultrasound ay bumalik na kami sa office n'ya para bigyan ako ng mga gamot na iinumin ko. Bumalik kami sa dating pwesto namin. Nagsusulat s'ya ng reseta.

“You are 6 weeks pregnant that's why you need to extra take care of yourself because you are carrying another life.” inabot n'ya sa'kin ang reseta na isinulat n'ya. “Here's the vitamins that you need to take. Bibigyan din kita ng pampakapit because you're still on your first trimester. Med'yo mahina pa si Baby n'yan.”

“Thank you.”

“You need to go back here for your check ups, okay? You can eat your cravings but eat moderately only para healthy pa rin.” mahinahong saad nito.

Tumango tango lang ako bilang sagot habang matiim na nakikinig sa kan'ya. Nagpaliwanag pa ito ng mga bagay na pwede at bawal sa'kin at sa baby. 

“Mm you can go now.”

Moon And Our Hearts Donde viven las historias. Descúbrelo ahora