MAOH51: Begging

530 17 1
                                    

CHAPTER 51: BEGGING

Zahra's POV

Tatlong beses akong bumuga nang malakas na hangin para kalmahin ang sarili. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang PT. Huminga ulit ako nang malalim bago inayos ang sarili at lumabas ng cr.

Nakangiting tumingin sa'kin si Doc. “How is it?”

Hindi ako sumagot sa kan'ya at inabot nalang ang PT. Naupo lang ulit ako sa harap ng desk n'ya. Hindi nawala ang ngiti n'ya nang makita ang resulta. Ibinaba n'ya ang PT at tiningnan ako.

“What did you feel after seeing the result here?” tanong nito. Parang may bumara bigla sa lalamunan ko dahil sa tanong n'ya.

‘Kailangan bang sagutin 'yon?’

Lumunok ako. “I'm still not ready.”

Hindi pa rin natinag ang ngiti n'ya. Tumango ito sa'kin. “That's normal. What you felt is normal and valid, okay?”

“Alam ko naman ho 'yon, Doc.” natawa ito sa'kin. Ilang sandali pa ay sumeryoso na ito.

“Whatever your decision is, I respect that. That's your body, you have your decision for that. But you know..” sandali itong natigilan at napangiti. “Motherhood is the best feeling in the world. The euphoria when you saw your baby for the first time after hours of struggling delivering them. And them, sleeping peacefully on your arms. It's always been the best feeling.”

Natigilan ako habang nakatitig sa kan'ya. Nakangiti s'ya at nagniningning ang mata na parang galing mismo sa karanasan n'ya ang mga tinuran. May kung anong kirot ang tumusok sa puso ko.

Ang tungkol sa pagiging ina ay maiintindihan ko pa. Nandyan ang kambal na ipinaramdam sa'kin ang pagiging ina ay napakasarap na bagay. Kahit hindi sila nanggaling sa'kin mismo, kahit hindi ko dugo ang nananalaytay sa kanila ay minahal ko sila na parang akin.

Pero nang makita ang ningning sa mata n'ya nang sinabi n'ya ang pagluwal sa bata ay biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay na lihim kong hinihiling noon pa man.

‘Sana nga sa akin nalang galing ang kambal.’

“You know, to us, women, motherhood were like a natural job for us. It's like a savvy the moment we gave birth to our child. Alam na agad natin kung paano sila aalagaan even though we thought we are not ready of having a baby.” nakangiti n'ya akong tiningnan ulit. “You may think that you are still not ready for it, but I'm telling you, once you got a glimpse of your baby, you fill fight the world for him, and protect him.”

Tumatak sa isip ko sa sinabi n'ya. Totoo lahat ng iyon. Noon pa man ay iniisip ko na kapag nagkaanak ako ay poprotektahan ko talaga s'ya. Ibibigay ko lahat ng kailangan at gusto n'ya, mamahalin ko s'ya nang higit sa buhay ko.

“I suggest that try to take a responsibility of it. You're already in your thirty. I know you're financially and unconsciously emotionally and mentally stable to have kids. Kahit na walang tatay, kids are already enough to fill the whole in our hearts. Mostly, mothers consider their kids their greatest love.”

Hindi ako nakasagot sa haba ng litanya n'ya. Lahat ng salita n'ya ay nagbigay linaw sa isip ko. May humaplos sa puso dahil sa mga narinig.

Wala akong balak magpaabort. Sigurado ako roon. Kahit na agree ako sa bagay na 'yon ay desisyon ko namang hindi gawin sa'kin 'yon.

“But still, pregnancy test results wasn't a confirmation that you're pregnant. It can give you false positive too, so you made a great decision on letting the professionals giving you the answer if you're pregnant or not.” nakangiti nitong saad. “We need to use sonography to see and check if you are really pregnant. So let's go.”

Moon And Our Hearts Where stories live. Discover now