Extra #2: The Deal

Start from the beginning
                                    

Thank you Rye.

Chloe

"Mang Perry sa bahay po ni Chloe." He said with no expression written on his face pero sa loob-loob niya ay parang nasisira na sa bagyong hindi niya alam kung paano nag-eexist. He's barely hanging pakiramdam niya bawat segundong sinasayang niya ay hindi na niya makikita pa si Chloe. Mas nakakatakot ang nararamdaman niya ngayon, it feels like he'll not be able to see her again.

Pagdating niya sa bahay ni Chloe ay agad niyang nakita ang mga magulang ng mga ito, isasara na nga sana ang malaking gate at papasok na nga sana ang dalawang iyon.

"Ma'am, Sir," he called in a rush. "I'm Tryker Altamirano p-pwede ko bang makita si Chloe?" how he wished they will tell him na nasa condo lang si Chloe o kaya naman ay nasa loob ng bahay. Ang lakas na ng tibok ng puso niya.

"She isn't here." Ang malamig na sagot ng ama ni Chloe na nakatingin sa kanya na para bang gusto na siya nitong patayin. "Umalis ka na."

"Please Sir I am begging you I want to see your daughter." For the first time nagawa niyang magmakaawa sa ibang tao but the hell, Chloe's father isn't other people ama ito ng babaeng mahal niya.

"Ikaw!" turo ni Rajeev Santillan sa kanya. "Akala mo ba wala akong alam sa pinagagawa ng anak ko? You are messing with my only daughter Altamirano, ng makita kong sabay kayong umalis sa party hindi ako nagsalita dahil iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ng ganoon kasaya ang anak ko. Hindi ko siya pwedeng pigilan lalo pa at isa ako sa mga taong naging dahilan kung bakit siya nalulungkot. I know I can't give my daughter the happiness when she is with you but tonight when she bids us good bye even if she's smiling I can feel her pain. As her father you wouldn't know how it feels when you see your only daughter trying to keep her pain dahil ayaw niyang malaman namin iyon. She's good in hiding her emotion and as her father I can feel the pain."

"Raj tama na iyan." Pigil ng asawa nito. "Hindi mo na makikita si Chloe, Tryker. She's gone."

"No!" he blurted. "She can't be gone." And the last string of confidence he had is almost on its limit too. He did what he thinks is right, he lowered his head and kneel infront of Chloe's parents. "Please, I beg you. I wouldn't stop begging you until you'll tell her where she is. I love your daughter so much."

"If you love her bakit hindi mo nararamdaman na nasasaktan na siya? Bakit hindi mo nalaman iyon bakit kinailangan pa niyang umalis bakit kailangan pa niyang lumayo?" Mrs. Santillan asked with obvious condemn on her voice.

Mahal niya si Chloe wala siyang duda doon, hindi niya ito hahabulin ng ganoon kung hindi. Matagal na niyang alam kung gaano niya kagusto si Chloe naging masyado lang siyang kampante na hindi siya nito iiwanan, hindi pa ba sapat ang ipinapakita niyang pagmamahal dito? Marahil hindi pa sapat may pagkukulang siya he haven't secured her by telling her how he loves her.

"She remembered everything." Rajeev said. "She may not tell us or anyone but I guess she already remembered everything, ganyan namin kakilala ang anak namin Altamirano. Naging bulag kami at masyado ng huli para bumawi because when we decided to do it you are already there trying to fill out the things we forgot to give her." Tumingin siya sa mga ito. "Kaya ng makita namin kung gaano siya nasaktan kanina hindi ko na muling ipaparanas sa anak ko ang bagay na iyon even if it means ridding the source. At ikaw ang source na iyon and I don't want you near my daughter."

Hindi siya natinag kahit na ng tumalikod ang mga ito sa kanya. "I love your daughter Mr. Santillan, I love her with all my heart and I am giving up everything to have her. At kung nasasaktan ang anak niyo dahil sa akin hindi ba ninyo naisip na kaya siya nasasaktan dahil mahal niya ako? At patuloy niyo siyang masasaktan kung hindi ko siya mahahanap at hindi ko siya makakausap? Kung mahahanap ko agad siya ngayon at makakausap ko siya kahit bukas na bukas ay pakakasalan ko siya. I want to make her happy, I want to give what she gives to me, kaya nakikiusap po ako kung mahal niyo talaga ang anak niyo hahayaan niyo siyang maging masaya." Gusto na niyang mawalan ng pag-asa ng pumasok na ang dalawa sa bahay.

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now