Chapter Seven (spg)

114K 2.3K 111
                                    

PRE-A/N: Sa mga bata, paalala lang ang mga susunod na mababasa niyo ay hindi pwede sa inyo. Feeling ko ito na ang pinakachurvang ESPEEEGEEE na naisulat ko, kayo ba naman ang magbasa ng isang dosenang Harlequin novels hindi ba kayo mabiyayaan ng mga ka-churvahan sa utak. Pinagpawisan ako nito... super. Sige basa na.

<<3 <<3 <<3


Chapter Seven




            NAIINIS na sinagot niya ang kanyang cellphone kanina pa iyon ring ng ring pero hindi niya iyon pinansin dahil abala siya sa kanyang ginagawa. She can't do it right! Lahat nalang ng idrawing niya ay hindi niya gusto, mali lahat at hindi na niya alam ang gagawin niya. She actually wants to cry in frustration right now, hindi kasi siya pwedeng walang maisip na gawin dahil malapit na ang susunod na fashion gala niya. She is really pressured right now.




            "Hello?" kung sinuman ang nasa kabilang linya marahil ay narinig ang pagka-crack ng boses niya. She cleared her throat. "Yes, hello?"




            Tumikhim din ang nasa kabilang linya. "Gusto mo ba talaga akong galitin ng husto Chloe?" para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang boses ni Rye sa kabilang linya. Napa-shit na lang siyang bigla dahil sa kaba.




            "Rye, sorry hindi ko agad nasagot ang phone ko. I am really sorry-."




            "Ms. Chloe kakain na po ba kayo?" mabilis niyang tinakpan ang cellphone niya dahil baka marinig ni Rye ang biglaang pagsasalita ni Loida.



            "Hindi na ako kakain Loida, umuwi ka na gabi na pala."



            "Okay lang po kayo na iwanan ko kayo dito?"



            "I'm alright, umuwi ka na hinihintay ka na doon ng mag-ama mo." Aniya sa kanyang assistant.




            "Sige, see you tomorrow." Ngumiti siya dito at saka ibinalik ang pansin sa kausap niya.




            "I'm sorry again Rye, sorry talaga." Tumayo siya at aksidente niyang nasagi ang vase sa tabi niya kaya bigla iyong nahulog at nabasag sa tabi niya. "Sorry about that, may kailangan ka ba sa akin?"




            "What was that noise all about?" matigas na tanong nito iyon bang sinasabi na hindi ka pwedeng magsinungaling or else mamamatay ka.

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon