Extra #2: The Deal

Start from the beginning
                                    

Ngumiti siya. "Why wouldn't it be? I am happy to finally see how happy you are right now."

"I love you Rye, I love you bilang kaibigan at bilang kapatid."

"I love you too Becca, you are a sister I never have. Gumaan ang loob ko ng makita uli kita that's all I need before I can finally chase the woman I truly love."

Hindi nila namalayan na umabot na pala ng gabi ang usapan nila, they need to catch up though. Naabutan din sila ng lalaking tinutukoy ni Becca na muntik na siyang hamunin ng suntukan sa pag-aakalang kukunin niya si Becca. No, he isn't going to do that masaya na siya na makitang masaya ang kaibigan.

Pagbalik niya sa kotse ay wala na doon si Chloe mukhang umuwi na ito, napasimangot pa nga siya ng hindi ito magpaalam sa kanya. He felt so tired all of a sudden kaya siguro pagkaupo niya sa back seat ng sasakyan ay mabilis siyang nakatulog. He will call Chloe once he got home, he needs to explain some things to her.

It's already past twelve when he woke up the next day, pakiramdam niya ay lumilipad ang utak niya. Tiningnan niya ang buong bahay niya it feels so empty all of a sudden Chloe's presence isn't everywhere. Bakit pakiramdam niya ay may kakaiba, parang hindi tama. Iyong dibdib niya ay malakas ang kabog na para bang may humihila sa puso niya palayo sa katawan niya.

Mabilis niyang nahanap ang cellphone niya para tawagan si Chloe pero low battery na pala iyon. Pagkatapos macharge ang cellphone ay tinawagan niya si Chloe pero walang sumasagot sa cellphone nito. Tumawag din siya sa boutique pero sinabi ng assistant nito na hindi daw pumasok si Chloe sa opisina.

Mas lalong lumakas ang kaba niya habang iniisip si Chloe, hindi niya alam kung ano ang iisipin. Baka napahamak na ito, ilang beses na rin niyang namura ang sarili. Inaalala niya ang mga sinabi ni Chloe bago ito nawala sa isip niya dahil masyado siyang naoverwhelmed sa pagkikita nila ni Becca.

Inaalala niya ang ekspresyon ng mukha ni Chloe habang nasa sasakyan sila kahapon, her eyes were slightly downcast eyes, her small smile, her trembling lips, her tight hold on his hand, para bang malungkot ito na pilit nitong tinatago, na para bang gusto na nitong umiyak pero hindi pwede, para bang gusto siya nitong hawakan ng mahigpit at hindi pakawalan pero wala na itong choice- and the way she said 'I want to see you happy... I want to witness it with my two own eyes'

Upon remembering her words ay mabilis siyang napatayo, alam niyang may mali. She misunderstood something and the way she pushed him closer to Becca. She really misunderstood it!

Mabilis ang kanyang naging mga kilos at agad na napatayo sa kanyang kinauupuan, lumabas siya ng kanyang bahay. Agad niyang nadatnan si Mang Perry ang kanyang driver sa tabi ng kanyang sasakyan. "Mang Perry puntahan po natin si Chloe." Pumasok siya sa kotse pero hindi kumilos ang driver niya kaya mas nainis siya. "Mang Perry-."

"Sir, may ipinabibigay po pala si Maam sa inyo noong umalis po siya."

"What?" ipinakita nito sa kanya ang isang maliit na papel. "Bakit ngayon mo lang ibinigay sa akin ito?"

"Sabi po kasi ni Ma'am, ibigay ko po sa inyo kapag naalala na po ninyo siya. At nakatulog po agad kayo kagabi kaya hindi ko naibigay."

Kinuha niya ang papel at binuklat niya iyon.


Rye,

Thank you for making me happy now it's my turn to make you happy too. I may not be the one who can give you that one hundred percent happiness but I guess bridging the gap between you and that person is a fulfillment for me. Probably, ito iyong dahilan kung bakit ako dumating sa buhay mo. Thank you for coming into my life too you brought me something I thought was gone.

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Where stories live. Discover now