Chapter 15 - Lies

Start from the beginning
                                    



Demanding? Kailangan ba every messages nya sa'kin naka-reply agad ako? Ano naman ir-reply ko dun sa unang text nya?

Kailangan ba i-comfort ko sya dahil nasa traffic sya? Kailangan ba ilipad ko sya sa airport?

Siraulo.

Hindi na ulit sya nag text after that. Siguro umusad na 'yung traffic.

Pero syempre kahit sinusungitan ko sya ngayon, i'm worried sa safety nya. Sa flight nya.

I hope na i-text nya ako once na nakalapag na sya ng America, or di kaya kapag papalipad na sila papunta dun.

Pero paano nya naman ako it-text, eh ini-snob ko nga lang text nya.

Should i reply?

No Jane, hayaan mo sya.

It's already morning when i woke up. Wala naman akong ginawa kagabi, nag binge watch lang ako ng kdrama. Natapos ko rin 'yun agad, buong araw ba naman akong babad eh.

"Jane? Breakfast na." Kumatok si Alex sa'kin tapos sinabi 'yun. "Sunod ako." Wala akong apetite na kumain.

Hindi pa kasi nagt-text si Jea. Ako na kaya ang mag first move?

No Jane, hindi. Kung gusto mong mag-reply at mag-first move, sana kagabi mo pa ginawa.

Pero mas inuna mo pride mo.

Tama, kasalanan ko.

Bumaba na ako para kumain, pero habang naglalakad ako, nagt-type na ako ng ic-chat kay Jea.



"Chatting with caca."



"Patay ka na ba?"

Delivered.



Almost one day na 'yung flight nya, alam kong hindi magandang biro 'yun pero kung buhay nga sya, edi nakakatawa 'yun for me.

Alam ko kasi na maaasar 'yun sa'kin.

"Jane, why do you keep on looking at your phone? Kumain ka muna." Tanong ni mama. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hinihintay ko 'yung message ni Jea sa'kin.

Ah! Alam ko na.

"Hinihintay ko po message ni Zoe. Ir-reveal nya na po kasi mga casts samin." Agad namang ngumiti si mama.

"Kami dapat makaalam muna ha!"

"Confidential 'yun ma." Saad ko. "Kahit na, syempre exciting 'yan."

"Teka, ano nga palang type ng series ang gagawin nyo?" Singit na tanong ni papa.

Shit.

Sasagot na sana ako, pero biglang nagsalita si Alex.

"Confidential rin daw po 'yun tito, pero genre po is romantic-comedy." My life saver!

I mouthed Alex "thank you." I owe him one.

He nodded.

"Ganon ba? Well, siguro nga talaga at maganda 'yang upcoming series nyo ni Jea. Anong role nyo?" Bakit ba tanong nang tanong 'tong mga magulang ko about sa series namin?

"Ah tito---"

"I'm not asking you Alex, i'm asking Ja-neh." Nag zip lock sign si Alex at mukhang mas kinakabahan sya kesa sa'kin.

Two GhostsWhere stories live. Discover now