Patricia Pascual:

Hi Gallianna! Gusto ko lang alamin kung buo na ba ang pasya mo na wag na ituloy ang reklamo tungkol kay Isabelle?

Nang mabasa ko ang message na yun ay agad akong nagtipa ng reply.

Gallianna Navarro:

Oo ,buo na ang desisyon ko. Kapag nakalabas na ako ng ospital ,susubukan ko siyang kausapin tungkol sa nangyari.

Sinabi sa akin ni Bryle na pinag bigay alam niya kay Patricia kung sino ang tumulak sa akin. Nagulat si Patricia na mismong kaibigan ko pa ang nagpahamak sa buhay ko. Kahit gustuhin man ni Patricia i-report ang nangyari sa akin ay si Bryle na mismo ang pumigil.

Kaya siguro nagchat sa akin si Patricia para kumpirmahin ang buo kong desisyon.

Kalaunan ay bumalik na rin si Tita Helen na may dala dalang pagkain. Agad siyang lumapit sa akin ay pinaghanda niya ako ng makakain. Kahit wala akong ganang kumain ngayon ay pinakain ako para bumalik ang sigla ng katawan ko.

Sumang ayon na rin ako dahil gusto ko na rin makaalis sa ospital na 'to. Nauumay na ako sa amoy ng ospital na anytime ay pwede na ako magsuka.

"Magpagaling ka anak ,ako'y naaawa sayo."sabi ni Tita Helen sa akin habang nakatingin siya sa banda ko ,"Ilang araw na kaming walang maayos na tulog ng mommy mo dahil sa kababantay sayo."

"Sorry tita ,"I chuckled softly ,"Sinusubukan ko naman pong magpagaling. Ayoko na rin po kasi ditong magtagal dahil baka ito pa ang dahilan ng pagkamatay ko diba?"

Natawa na lang ng mahina si Tita Helen ,"Ikaw talagang bata ka! Naospital ka na't lahat lahat nagawa mo pang makipag biruan dyan!"

I smiled softly. Ayoko na rin maging pabigat kay Mommy. Kahit hindi man niya sabihin sa akin ng harap-harapan ,alam na alam ko na sobrang pagod na siya kababantay sa akin dito sa ospital.

AFTER FOUR DAYS ,I have been discharged from the hospital because I feel better. When Dr. Villanueva told me ,my ear almost clapped because I finally leave the hospital.

Pero siyempre di muna ako pinayagan ni Mommy na pumasok din agad kinabukasan ,dahil kailangan ko muna ipahinga ang katawan ko sa loob ng bahay para makasiguro siya na magaling na ako.

Kaya nang makarating kami sa bahay ay halos mga nagtatrabaho samin ay may hinanda pala silang surpresa para sa pagbalik ko. May hawak si Mang Nestor na tarpaulin na may nakasulat na 'Welcome Back ,Gallianna!'

"Nag-abala pa po kayo..."komento ko habang pinagmamasdan ko sila.

"Nako mam ,ayos lang po! Talagang pinagdadasal naming tatlo maging maayos ang kalagayan niyo."ngiti ni Mang Nestor sa akin.

Two weeks din ako namalagi sa ospital kaya talagang  di ko rin sila masisisi kung paghahandaan man nila ang pagbabalik ko. Pagkatapos ng pangyayari yon ay nagpaalam muna ako na magpapahinga na ako sa kwarto dahil nakakaramdam ako ng antok ngayon.

Hinatid pa ako ni Manang Josephine sa kwarto ko. Bago siya umalis ay nagbilin siya na tawagin ko na lang siya kapag nagugutom na ako.

Ngayong araw ay parang pagod na pagod ako pero nung makita ko ang ngiti sa mga labi ng tatlong nagtatrabaho samin ay parang napawi sandali ang lahat.

KAGIGISING ko lang at halos mapatingin ako sa labas. Napagtantong kong gabi na dahil sa dilim na nakikikita ko. Anim na oras ang naging tulog ko!

Agad kong hinanap ang cellphone na nagbabakasakaling may message sa akin si Bryle pero wala siya naging message. Di na niya kasi ako nasamahan sa pagdischarge ko sa ospital dahil ayaw naman niyang umabsent sa klase nila. And beside ,may quiz sila sa specialized subject niya kaya talagang malabo na niya ako masasamahan.

Calming The Wild Heart  ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin