Magtitipa sana ako ng reply kay Cindy na may tao sa harapan ko kaya napatigil ako at unti unti akong tumango. Nanlaki ang mata ko na napagtantong si Isabelle ang nasa harapan ko ngayon.

"Isabelle.."

"It's all your fault bitch!"nagulat na lang ako na bigla niya ako isinugod at sinampal niya ako ng malakas na kinatulala ko ng sandali ,"Ikaw ang puno't dulo kung bakit nalaman ng lahat ang tungkol samin ni Chevy! Ikaw ang sisisihin ko sa lahat lalo na't sinugod ako ni Kerlsey sa cafeteria!"

Unti unti ako tumingin sa kanya. So kasalanan ko pa pala nahuli sila?

"It's not my fault Isabelle!"I reasoned ,"Di ko alam! bat ako sinisisi mo sa kasalanan mo?"

"Ikaw ang nagplano nito para malaman ng nasa campus ang patagong relasyon namin ni Chevy! Ikaw ang tanging alam kong may galit sa akin kaya wag ka na diyan magkunwari na wala kang alam well in fact ,may kinasabwat kang tao para videohan kami!"pambibintang niya na kinalaglag ng panga ko.

What the hell?

"Wala akong kinalaman dyan! At kahit kailan wala sa isip kong siraan ka!"hindi ko alam kung bakit niya ako sinisisi kung bakit nalaman ni Kersley yon ,"Hindi ganon ka-kitid ang utak ko para masira ka! Wala akong panahon para pakialaman ko kayo dahil ayokong mainvolve ako!"

Di ko alam kung sino ang nasa likod ng lahat ng kaganapan ngayon pero sinisugurado ko na wala akong kasalanan! Di ako mismo nagpakalat ng video yon at mas lalong di ko pinagkalat kung ano man ang nalalaman ko tungkol sa kanila dahil wala ako sa posisyon para pakialaman sila sa ginagawa nila!

"I don't believe you!"sigaw niya saka niya ako sinugod. Sinabunutan niya ang buhok ko kaya di ako nakabwelo dahil sinimulan na niya ako sabunutan. Pilit ko siyang tinutulak pero sobrang malakas siya ,"Wala kang kwentang tao! Wala kang kwentang kaibigan! Ang sama sama mo!"

"Let me go!"sigaw ko kahit namimilipit na sa sakit ang buhok ko ay pinipilit ko siyang itulak.

Wala ako panahon para patulan siya!

"Di kita bibitawan ,papatayin kitang hayop ka!"

Di na ako makapagsalita dahil sa sakit na ginagawa niyan. Pinipilit kong alisin ang kamay niya sa ulo ko pero sadyang matigas. Ayoko siyang patulan dahil puro galit ang nasa isip niya.

Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko ,nahihilo na rin ako dahil sa pananabunot sa akin ni Isabelle. At wala man ang katao-tao dito para pigilan man lang kami sa away na 'to.

"Gago ,pre may away dito. Tawagan natin ang SSG!"yun lang ang narinig ko kaya pinilit ko siyang itulak at nagawa ko naman yon.

Natumba siya at ako naman ay napaupo. Pero kalaunan ay pinilit kong tumayo at kinuha ko agad ang cellphone ko na nahulog sa sahig. Tatakas sana ako na biglang hawakan ni Isabelle ang kaliwa kong paa.

"You can't run away from me! You will die before you do that!"she screamed out.

"Let me go!!"sigaw ko at pinipilit kong inaalis ang kamay niya sa paa ko pero masyado siyang malakas. Pinilit niyang tumayo at nagulat na lang ako na malakas na naman niya ako sinampal.

Fuck! Gusto kong makatakas!

Napatulala ako dahil sa lakas ng sampal niya. Muntik pa ako nawalan ng balanse dahil sa natamo kong sampal pero agad niyang hinawakan ang buhok ko kaya napatayo ako ng tuwid. Unti unti ng lumalandas ang luha ko sa pisngi ko hindi dahil sa nangyari kundi dahil sa pamimilipit ko sa sakit na natamo ko.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now