"Oo ,laki nga ng ngiti mo parang walang bukas. Ganyan ka ba kapag inlove?"sabi niya sa akin at maya't maya ay natawa siya ,"Sus ,Gallianna wag mo na i-deny huling huli ka na."

Natawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Magsisinungaling pa ba ako e halatang halata na sa kilos ko.

"Anyway anak ,bakit pala di mo kasabay umuwi si Bryle? At sabi sa akin ni Mang Jose ay nagtext pa si Bryle para sunduin ka sa MSU."napatingin ako kay Mommy na magsimula siya magtanong.

"Oo nga hija ,yun nga sana itatanong ko sayo kanina kaso nga lang nakalimutan ko kung ano itatanong ko."sabi pa ni Tita Helen.

I looked at my mother ,"Busy po masyado si Bryle ngayon sa SSG office kaya di na po niya ako kasabay umuwi. Alam niyo naman po vice president po si Bryle ng SSG council."

"Uh ganon ba?"she asked then I nodded ,"Tinanong ko lang dahil nasasanay na ako sa batang yon na siya palagi hatid sundo mo."

Tipid na lang ako ngumiti kay Mommy. Nanliligaw pa lang si Bryle sa akin noon ,anak na talaga ang turing niya kay Bryle. Kapag di kami nagkikita buong araw ay tinatanong niya sa akin ang dahilan bakit di pumupunta ng bahay si Bryle. Napapairap na lang ako minsan dahil ako ang anak pero unang hinahanap niya si Bryle.

"Anak niyo na nga turing niyo doon e ,malamang masasanay po kayo at palagi niyo pang hinahanap sa akin.."sabi ko at pasimple akong napairap. Narinig ko ang tawanan nilang dalawa kaya malalim akong napabuntong hininga.

"Don't be jealous anak ,ikaw pa rin naman ang favorite ko..."my mother giggled then I sighed again.

NANG sumunod na araw ay lalo naging abala si Bryle kaya sabi ko sa kanya wag na niya muna siya pumunta sa bahay if busy talaga siya sa responsibilidad niya sa school—muntik pa kami mag away dahil talagang pinagpipilitan niya ang sarili niya na pumunta dito sa bahay para sabay kami pumasok sa MSU.

Pagkarating ko pa lang ng MSU ay nakita ko sina Bryle at Patricia na sabay pumasok sa SSG office na may mga dalang dalang gamit na di ko alam kung ano yun. Ilang minuto ako nakatanaw doon bago ako napagpasyahang umiwas ng tingin.

Maglalakad na sana ako na biglang may nagsalita sa likod ko.

"Di mo ba sila lalapitan man lang?"napatigil ako at di ko mapigilan na lumingon sa likod ko. Nakita ko si Isabelle na nakatingin sa akin na may ngisi sa mga labi ,"Balita ko...masyadong abala ang SSG officer ngayong buwan dahil sa paparating na event next year. And....pansin ko rin di mo madalas kasabay kumain ang boyfriend mo—tanging si Cindy lang ang palagi mong kasabay. Aww ,kawawa ka naman di ka mabigyan ng oras ni Bryle para makasama ka lang kahit sandali."

Sa dami ng sinabi niya ay para sa akin ay walang kwenta. Ano na naman ang problema niya at pinapakialaman niya ang relasyon namin ni Bryle?

"Di naman ako possesive ng girlfriend kung yan ang iniisip mo ,"I calmly said ,"You know ,kung sa tingin mo ay susugurin ko si Patricia dahil magkasama  sila ngayon—doon ka nagkakamali. May tiwala ako kay Bryle kaya wala ako dapat ipag alala."

I trust him so much. That's why it's fine with me if Patricia was with him most of the time the other day and not me. And besides, Patricia and I talked deeply and she even told me that SSG will be busy this month because she knows that I am Bryle's girlfriend.

Napagtanto ko na kahit nararamdaman kong may gusto si Patricia kay Bryle ay di ako natatakot at kinakabahan dahil nakikita ko sa ugali ni Patricia na di naman siya katulad ng ibang babae na desperado.

Patricia respects my relationship with Bryle because she is the one who walks away from my boyfriend when she knows that they are not talking about the SSG meeting.

Calming The Wild Heart  ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum