Chapter 13 - Wish You Were Sober

Start from the beginning
                                    

"Oh, Jea you should apologize too." Tinaasan ako ng kilay ni Jea pagtingin nya sa'kin tapos she chuckled sarcastically.

"Me? Apologize? Never." She pointed to herself.

"May kasalanan ka rin, you know that to yourself."

"Hayaan mo na Jane, hindi mo mapapa-sorry 'tong babaeng 'to, like, ever." Sus, dati nga nung kami pa halos di na makakain 'yan kapag di ko tinatanggap sorry nya.

Jusmiyo marimar, di mo lang talaga alam, Zoe.

Hanggang sa natunaw nalang 'yung ice na pinapahid sa mukha nya, wala pa rin kaming naririnig na sorry sakanya.

Kahit letter S wala eh.

Antahimik lang rin namin buong moment na 'yun sa kitchen.

Tambak na rin ang hugasan dahil nga pumunta dito sina mama kanina, dito nilagay 'yung mga niligpit nila, para mahugasan.

"Jane, usap tayo sa office ng papa mo." Tawag sa'kin ni mama.

Holy shit, alam na ba nila na ang unica iha nila ay bading? Hoping not.

Please please, ngayon lang naman siguro ako hihiling ng totoo sainyo, pero sana hindi po.

Magsisimba na po ako every sunday kung hindi. Ito lang po hinihiling ko, please.

Pagkarating ko sa office ni papa, nakaupo na si papa sa chair nya, tapos si mama naman nakaupo sa may harapan ng table nya, sa may gilid.

So umupo ako sa kabilang gilid nito, which is katapat ako ni mama.

"Jane Florence, do you want to tell us something?" Holy shit, ito na ata ang matagal ko nang ikinakatakot.

"A-ang ano po pa?" Kunware muna hindi ko alam, baka mamaya magsabi ako ng something tapos 'di naman pala 'yun 'yung tinutukoy nila.

"Magtatanungan pa ba tayo dito?" Malamang pa, hindi ko nga alam diba? Kunware

Papa let out a sigh. "What happened earlier? Bakit nagkaganon 'yung dalawa?" Si mama na 'yung sumagot sa tanong ko.

Oh diba, kung sinabi ko kaagad 'yung doubt ko, edi nabuko ako na bading ang unica iha nila.

Thank you po, magsisimba na po ako this sunday.

"To be honest, i really don't know either po. Kaya nga kinausap ko 'yung dalawa at pinagbati." Actually, alam ko. Nag-confess sa'kin 'yung dalawa, remember?

Nagseselos si Jea kay Zoe, tapos si Zoe hindi lang napigilan sarili nya sa pagiging pakialamera ni Jea. Which is nakakapikon naman talaga. Kung ako si Zoe gaganunin ko rin si Jea eh.

Muntik ko na nga sya patulan eh, like konting-konti nalang. Buti nalang at mahaba ang pasensya ko sakanya.

"Oh, anong sabi nung dalawa?" Interrogation ba 'to ma? Bakit andami mong tanong?

Anyways, wala akong magagawa kasi kailangan kong sagutin.

Nanay ko 'tong nagtatanong eh. Buti kung ibang tao.

Grabe sama ng ugali ko sa part na 'yun.

"Zoe's upset ma, dahil dun sa sinabi nya 'yung secret ni Zoe na lagi nyang dinadalaw ang parents nya sa grave nila every noche buena." Who knows kung pati Buena Noche, birthdays or any other event, eh pinupuntahan ni Zoe 'yun? Sobrang private na rin kasi for Zoe.

Baka ayun, na-trigger lang sya kaya nya nagawa 'yun, hindi dahil sa she likes me.

Anlayo rin naman kasi. Pero sabagay, inagawan kasi sya ni Jea ng spot kanina sa karaoke.

Two GhostsWhere stories live. Discover now