Chapter 84

847 56 8
                                    

Maagang umalis si Greggy kaya naman pag gising ko eh wala na sya sa tabi ko. Samantalang si Gracie naman eh nag lalaro sa sahig.

"Babyy?" Tawag ko kay Gracie

"Mim?" Sambit ni Gracie

"San ka?" Tanong ko

"Peekaboo mommy" sambit ni Gracie

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.


"Peekaboo mommy" sambit ni Gracie

"Good morning my sunshine, come here hug mommy" sambit ko

"Mowning mimi thooo" sambit ni Gracie sabay halik sa labi ko

Mas napalapit sya saken ngayon kesa sa Daddy nya. May times na hinahanap nya ako kesa kay Greggy. Pero may times din naman na si Alfonso ang hinahanap nya at hindi kami.

"Maam Irene?" Pag katok ni Nanay Merly sa pinto

"Yes? Pasok" sambit ko

"Maam, nasa baba po si Aimee" sambit ni Nanay.

"Tata? Aimee?" Tanong ni Gracie

"Opo... Sabi ko kasi samahan nya tayo mag enroll sa school mo" sambit ko

Nag madali akong bumangon at bumaba dahil nasa baba si Aimee

"Hi ate" sambit ni Aimee habang pababa kami ng hagdan ni Gracie

"Hi ading... Mabuti naman at wala kang ginagawa ngayon" sambit ko

"Basta para kay Gracie i can make way" sambit ni Aimee

"Hi tata Aimeeeee" sigaw ni Gracie

"Gracieee, our baby" sambit ni Aimee bago kunin si Gracie sa pag kakabuhat ko

"Nanay pakiprepare na ng breakfast please" sambit ko

Nag kwentuhan lang kami nina Aimee habang si Gracie naman ay Busy sa pag lalaro.

"Nasan nga pala si Alfonso?" Tanong ni Aimee

"Maagang pumapasok yun sa trabaho... Baka kasabay na ni Greggy kanina" sambit ko

"Naiiwan pala kayo no Gracie dito?" Tanong ni Aimee

"Ahhh oo,  kaya nga naiinip kami eh, so pinag usapan namin ni Greggy na papasukin na ng daycare si Gracie para makabalik na din ako sa office" sambit ko

"Ang bilis, dati parang himala pa lang na mag bubuntis ka tas ngayon... May daycare kana" sambit ni Aimee

"Oo nga eh... Ikaw? Kelan mo aaminin yan..." Sambit ko sabay turo sa tyan ni Aimee

"Ha-halata mo?" Tanong ni Aimee

"Jusko Amelia... Saken ka lumake, halos ako na ang nanay mo... Nung nakita kita kanina at kung pano ka kumilos eh alam ko na... Habang nag luluto si Nanay, nung nag cr ka, alam kong bahong baho ka sa tuyo kaya di ko na pinahain...." Sambit ko

"Ate..." Sambit ni Aimee

"Okay lang... Matanda kana din naman eh, basta aminin mo na yan kay na mama... Umuwe kana din don sa Ilocos at wag kanang mag tago sa laguna" sambif ko

"Alam mo din yun?" Tanong ni Aimee

"Wala akong hindi nalalaman amelia..." Sambit ko

"Kelan ang kasal?" Tanong ko

"Wala pa ate..." Sambit ni Aimee

"Pag usapan nyong mabuti ni ced yan ha" sambit ko

Natapos na kami kumain at nag pahinga lang ako saglit bago umakyat at naligo.

Niliguan ko na din si Gracie at pinag timpla ng dede bago bumaba at inihanda ang sasakyan.

"Kelangan mo nang tumigil sa pag dede anak... Papasok kana sa school" sambit ko

"No.. i want dede" sambit ni gracie

"Anak? Okay... Sa school no dede sa night na lang" sambit ko

"Othaay" sambit ni Gracie sabay supsup sa dedehan

"After neto, idadaan kita sa clinic ha.. para makapag pa check up ka din... Lumipat kana dito ihahanap kita ng magaling na OB" sambit ko

"Thank you ate" sambit ni Aimee

"Hoyy wag ka mag wala dyan" sambit ni aimee

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.


"Hoyy wag ka mag wala dyan" sambit ni aimee

"Hayaan mo na, ngayon lang lumabas yan eh" sambit ko

"Mabutit naisipan nyong dito mag aral si Gracie sa Pilipinas" sambit ni Aimee

"Plano talaga ng kuya mo na sa California siya mag aral, like mag stay kami dun for good, pero sabi ko mas mabuti kung mamulat sya sa kultura ng pilipinas" sambit ko

"Kamuka ni Kuya" sambit ni Aimee

"Kaugali ni Manang" sambit ko

"Halika na anak.... Sasamahan pa natin si Tita Aimee sa OB" sambit ko

(Nag dalawang isip pa ako mag ud😭 hehe, sana di kayo malasing ngayong newyear)

Love That Will LastМесто, где живут истории. Откройте их для себя