Chapter 61

801 41 0
                                    

"birthday na ni Greggy, birthday na ni Greggy" pag kanta ni Alfonso at ni luis,

"O my goodness, please lang guys HAHAHHAHAHAHHAHA" malakas na tawa ni Greggy

"Look mom, pati si Gracie nakikisaya oh" Sambit ni alfonso habang hawak hawak ang cake na binili nila

"Happy birthday daddy, itong cake na to muna ang iblow mo, kasi dapat kagabi to, kaso maiistorbo pa si Gracie kaya ngayon na lang umaga" sambit ni Luis

"Yes kasi we usually do salubong diba? Sabi ko sa kanila wag na munang gawin"

"Kasi pagod ka kahapon tas may Gracie tayong hindi pwedeng maiistorbo, kaya sabi ko sa umaga na lang" tugon ko

"Thank you guys" sambit ni Greggy

"Good morning little chanak" sambit ni Alfonso, kumuha sya ng lampin at sinapin sa damit bago binuhat si Gracie

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

"Good morning little chanak" sambit ni Alfonso, kumuha sya ng lampin at sinapin sa damit bago binuhat si Gracie.

"Natuto kana ah" sambit ni Luis

"Ikaw dapat matuto kana, mamaya buntis na yang si Xandra di mo pa alam kung pano mag alaga" tugon ni Alfonso

"Mom papaarawan ba to?" Tanong ni Fons

"Oo anak, mag pahelp ka kay nanay Merly" tugon ko

Bumaba naman sila at naiwan kami ni Greggy sa kwarto. Inayos ko na ang higaan namin at binuksan ang mga bintana. Nilinis ko ang water bottles na ginagamit ni Gracie sa gabi.

Nag pump na din ako at nilagay sa fridge dito sa kwarto bago bumaba.

Sinasayaw sayaw ni Alfonso si Gracie habang nag papaaraw. Sina Aimee at Luis naman ay ang hahanda ng mga table para mamaya sa lunch at dinner.

"Honey?" Tawag ko kay Greggy

"Yes?" Tugon nya

"Anong gusto mong breakfast? Ako ang mag luluto dahil busy pa yung chanak sa kuya nyang kapre" tanong ko kay Greggy

"Syempre ang walang katapusang fried rice at daing na bangus" tugon ni Greggy

Nag simula na akong mag prepare ng lulutuin at hindi namab nya ako hinayaang mag isa. Tinulungan nya padin ako kahit pinipigilan ko sya.

"Honey ako na" sambit ko

"I wilk help you" tugon nya

Nasa likod ko lang sya kaya nung napaharap ako ay bigla ko syang nahalikan sa labi.

"Ikaw ha, para paraan ka" sambit nya

"Hoy Mr. Araneta, ikaw ang nasa likod ko, umalis ka dyan, ikaw ang para paraan eh" tugon ko

"I love you" he whispered that tickled my ears

"Wag ngayon" sambit ko

"Ikaw malisyosa ka, nag i love you lang ako eh" tugon nya

"Alam ko na kasunod non mr. Araneta, kung tatanggi ako dadaanin mo ko sa deal deal, its a no!" Sambit ko at nag patuloy sa pag luluto

Natapos na ako mag luto at pumasok na din sina Alfonso at si Gracie dahil medyo sumasakit na sa balat ang init.

Napansin ko na nakatulog na si Gracie sa pag sayaw ni Alfonso kaya naman pinahila ko na yung crib at don inihiga si Gracie.

Kumain na kami at nag prepare ng para sa lunch. Dadating kasi ang ilang business partner ni Greggy dito sa Ilocos, sabi ko yayain nya na lang mag lunch dito sa bahay tutal birthday din naman nya.

Mamayang dinner namana ng buing pamilya dahil ang ilan sa kanila ay may pasok at may mga trabaho pa.

Binilhan ko si Greggy ng relo bilang regalo. Mamayang gabi ko na lang ibibigay bago mag dinner.

Umakyat na kami ni Gracie sa taas at nag handa para sa lunch dahil dadating na ang kabuisness partner ni Greggy.

~~~~

Nainhanda na nina Aimee ang mga pag kain para ngayong dinner.

"Honey?" Tawag ko kay Greggy

"Yes?" Tanong nya

"Happy birthday" sambit ko sabay abot ng box. Agad naman nyang binuksan at nung nakita nya ay hinalikan nya ako sa noo.

"Thank you hon" sambit nya

"Alam mo ba kung bakit relo?" Tanong ko

"Bakit?" Tanong nya

"Diba tinanong kita? Tapos ang sagot mo saken eh"

"Sapat na oras at panahon lang para sainyo ng mga anak natin sapat ng regalo saken yon, wala nang kapalit yon"

"Hindi ko naman alam kung san bibilhin yon, kaya naisip ko na bigyan ka ng relo, para lagi mong maalala na mag laan ng oras para samen ng mga anak mo"paliwanag ko

"Thank you so much my love, alam mo sapat ng regalo saken si Gracie, pero thank you pa din dito" sambit ni Greggy

Hinalikan ko lang sya at niyakap. Bumaba na kaming tatlo dahil kanina pang nakahanda ang dinner.

Love That Will LastHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin