Chapter 12 - Noche Buena

Start from the beginning
                                    

"Jane! Paki message nga si Janella na pumunta muna dito para sa Noche Buena!" Sigaw ni mama mula sa baba.

Narinig kong bumukas ang pinto sa kabilang kwarto. "Nako tita wag mo nang asahan na magsasabi 'yan si Jane ng ganyan kay Janella! Ako na tita, don't worry!" Rinig kong boses ni Alex.

Tumayo ako agad at pumunta sa may pintuan para buksan at sumagot sa pang-aasar sa'kin ni Alex.

"Gago huy wag!" Tumakbo ako papunta sa kwarto nya pero nauntog lang ang ilong ko.

"Mama si Alex oh!" Sigaw ko pa dahil sa nasaktan nga ako at nauntog.

Narinig ko lang na tinawanan ako ni mama sa baba.

"Alex! Tangina wag ka nang lalabas dito kapag minessage mo si Jea ha!" Sigaw ko sakanya mula sa pinto pagkatayo ko, habang kinakatok ko sya sa pintuan nya.

"Hoy! Bakla ka hindi ako nakikipag-biruan ah!" Nilakasan ko pa 'yung katok sa pintuan nya.

"Isa!" Bilang ko. "Dalawa!" Pag ako talaga nakaabot ng tat---

Binuksan nya bigla 'yung pintuan, habang kinakatok ko sya, kaya sya ang natamaan ng kamay ko at nasapak sya.

"Ay hala gago! Sorry! Hindi sadya!" Nakita kong dumudugo 'yung ilong nya habang naka-pikit sya, kaya tumakbo ako pabalik sa kwarto ko para kumuha ng tissue tapos bumalik ako sakanya at pinunas ko sa ilong nya.

"Ikaw na nga tinutulungan ko, mananapak ka pa." Kalmado nyang sabi pero nararamdaman ko 'yung inis nya. "Ikaw kasi! Sabi ko naman kasi sa'yo wag eh!" Sa'kin nya pa isisisi, sya lang naman 'tong makulit.

"Wala na, wala ka nang magagawa, na-send ko na. On the way na raw sya." Diniinan ko 'yung pagpunas ko sa ilong nya dahil sa gigil at inis.

Di talaga marunong makinig! Nakakaasar!

"Titaaaa!!! Si Jane pooooo!!!" Sigaw nya sa sakit na pagdiin ko sa ilong nya.

Hinagis ko sakanya 'yung tissue tapos pumasok na ako sa loob ng kwarto.

Nakakaasar! Ano na nyan, what do i wear?

Should i wear make-up?

Should i tie my hair?

Holy shit, i'm panicking so much right now.

Parang tuloy hindi kami nagkita for a year.

Ilang minuto pa nga lang kaming magkalayo.

I'm sure half way pa lang sya papunta sa bahay nila, and i'm sure malapit na sya dumating dito.

Alas syete pa lang naman kasi ng gabi oh, bakit ang aga kasi magpatawag ni mama, mamaya pa naman ang noche buena?

"Jane! Bumaba ka na dyan! Dinner na!" Sigaw ni mama.

Narinig kong may papaakyat sa hagdan. Kinakabahan ako kung sino, baka si Jea na.

Kalma Jane, kalma.

Tinawag ko kasi si Jea ng caca, baka sobrang galit 'yung babaeng 'yun at baka kung ano pang magawa sa'kin.

Kayo na pong bahala sa buhay ko.

The moment of truth, may kumatok na.

"Y-yes?" Mahina kong utal na tanong sa may kumakatok. "Ja-neh, dinner na raw sabi ni ma'am." Si ate Karen lang pala. Shit, kinabahan ako dun ah.

"Susunod na po." Narinig ko 'yung footsteps ni ate Karen, and narinig ko rin na kumatok sya sa kabila, which is kay Alex. Nagsarado siguro ng pinto si Alex at hindi bumaba kanina.

Nagtatampo kaya sya sa ginawa ko?

I hope not. Biro lang naman kasi 'yun, and alam ko naman na hindi mabilis ma-offend si Alex.

Two GhostsWhere stories live. Discover now