Chapter 18

1 0 0
                                    

"Sa wakas! Tapos na ang Filipino!" masayang sigaw ni Dani.

"Sunod mo na English."

Napalingon siya sa akin na tila nagtataka. "Ano?! Magsasagot pa tayo? Tanghali na oh," sabi niya sabay turo sa orasan naming nakasabit sa wall katabi ng ilang litrato. Tama nga siya, tanghali na.

"Depende kung nais mo. Ako kasi, patapos na sa English."

"What?! Ang bilis mo naman. How to be you?"

"Paano naman kasing hindi ka matatapos ha? Kanina ka pa nood nang nood sa Tiktok."

"E... Oo na! Nakakatamad kasi. Kahit pinaliwanag mo na iyong instructions sa akin, hindi pa rin nag-process agad sa utak ko."

Napatawa ako nang mahina. "Ayos lang 'yan, Bes."

"Saka chat kasi nang chat ang bf ko."

"I-mute mo muna messenger mo."

"Bakit? Ikaw ba, naka-mute messenger mo?"

Tumango lang ako.

"Sure?" tila hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo nga."

"Wow!" manghang-manghang sabi niya. "Paano kapag nag-chat ang Kurt mo?"

"Ano naman?"

"Baka magtampo."

Natawa na lang ako. Baka nga pero sinabi ko naman noong umaga na may modyuls na ako at kailangan kong mag-focus dito. Sinabihan pa nga ako ng good luck. Nag-thank you naman ako. He replied welcome and I just reacted heart to his message.

"Tatahimik ka na lang after mong tumawa? Wala bang kaunting kwento after?"

Natawa na naman ako. "Sorry. Ano ba dapat kong sabihin?"

"Kung sinabi mo man lang sa kaniya na kailangan mong i-mute ang messenger mo."

"Hindi niya alam."

Nanlaki naman ang mga mata ni Dani. "Seryoso?! Manunuyo ka niyan!"

"Okay lang."

"Anong okay lang?! Ewan ko sa iyo! Gutom na ako. Punta na akong kusina. Kanina pa tayo sinabihang kumain muna e."

Natawa na lang ako. Tumayo naman na siya sa pagkakaupo at nagtungo na sa kusina. Ako naman ay tinuon na ulit ang pansin sa modyul ko.

Mayamaya pa ay may nagsalita mula sa aking likuran.

"Pagpahingain mo muna 'yang utak mo."

"Mamaya Kuya, malapit na rin naman matapos 'to. Isang activity na lang," sabi ko habang tinutuloy ang pagsusulat sa papel.

"Ako na ang tumapos."

"Kaya ko 'to."

"Kumain ka muna."

"Busog pa ako."

"Kailangan mong kumain sa tamang oras."

Nakaramdam ako ng inis. "Mamaya na nga sabi e!"

"Cinth, 'yang--" hindi na tinuloy ni kuya ang sasabihin sana niya. Panigurado nagpigil ng galit. Naramdaman ko na lang ang yapak ng kaniyang mga paa na paalis.

I took a deep sigh. Gusto ko nga kasi tapusin agad itong sinasagutan ko e.

"Bes, ka--"

"Mamaya nga!" inis na bulyaw ko.

"S-Sorry," sambit niya saka mukhang bumalik na lang sa kusina dala-dala ang pagkaing dinala niya rito sa table namin.

Nagpatuloy na lang ako sa pagsagot hanggang sa matapos na ako.

Mission: Know His Identity Where stories live. Discover now