Prologue

24 2 2
                                    

"Hyacinth!"

"Po?"

"Anak, lumabas ka na sa kwarto mo. Magkukulong ka na lang ba lagi? Hindi ka pa kumakain."

Napabuntong-hininga na lang ako. "Busog pa ako. May mga pagkain ako rito."

"Anak naman. Halika na."

"Ma! Ayaw ko nga. H'wag mo na akong pilitin!"

"Sige, Anak."

Simula noong lockdown, hindi na ako lumabas ng bahay. Kahit utusan pa akong bumili sa tindahan ay hindi ako pumapayag. Laging nandito lang ako sa kwarto ko. Naging libangan ko ulit ang pagsusulat. Lagi na rin akong nasa Tiktok.

Isang araw, naisipan kong magpakamatay. I overdosed myself, cut my wrist and tried hanging myself. I don't know what gotten in my mind. I just couldn't stop myself doing it. I feel quitting.

My family worried so much. They were asking same question, "Why did you do that? Alam mo namang mali ang ginawa mo, 'di ba?" Napagdesisyunan nilang ipatingin ako sa doctor. Since then, I started taking medicines.

A week later, I keep hitting my head on the wall and I cut my wrist again. I was rushed to the hospital. Tahimik lang ako at hindi sinasagot ang mga tanong sa akin. Pagkatapos ng nangyaring iyon, inilagay nila ako sa Psych ward. Ang ate ko ang nagbantay sa akin. Limang araw lang akong nanatili roon dahil gusto kong umuwi. Nagwala pa ako sa loob no'ng ayaw nila akong payagan. Nakipagkasundo ako sa doktor ko at nangako akong iinumin ko sa tamang oras ang mga gamot ko at susubukan kong hindi na magbalak magpakamatay ulit.

Pag-uwi sa bahay ay sa kwarto na naman ako lagi. Mahigit dalawang linggo kong hindi binubuksan ang mga social media accounts ko. Nang buksan ko ulit ay may iilang mensahe sa akin. Hindi na ako nag-abalang basahin pa at tugunan ang mga mensaheng iyon. Sa Tiktok naman ako tumuon ng atensiyon. Mayamaya, may video na nakapukaw sa akin ng atensiyon. Tungkol sa RPW ang video at dahil sa napanood ko ay naisipan kong gumawa ng account. Naisip ko rin na pwedeng dito ako mag-post ng mga naisulat ko rin bukod sa Wattpad.

Nakagawa na ako ng account at random adding ang ginawa ko. Nahirapan pa ako sa kung anong gagamiting pangalan. Ang ginamit ko na lang ay Kitty Heather. Unang araw ko pa lang dito sa RPW, marami na akong mensaheng natanggap pero I didn't reply. Puro hi at hello lang din naman at isa pa, hindi ko na alam kung paano makipag-usap kahit sa chat lang. Nanginginig ang mga kamay ko. Few days later, may post akong nakita na nagsasabi kong gusto ba raw sumali sa GC. I commented and say, "Pwede pasali. Thanks." Mayamaya, may notification at ayon nasa group chat na ako. Puro welcome ang bumungad na mensahe sa akin. "Thanks po," sagot ko naman. Puro seen lang ako sa GC, saka lang lalapag kung may papansin sa akin. Writerhood na pala ang sinalihan ko, hindi lang siya normal group chat. Ayos na rin kasi nagsusulat naman ako.

Three months later, naging medyo comfortable na akong makipag-usap. Puro in relationship ang mga friends ko sa Facebook pero sa GC na kinabibilangan ko, puro wala raw silang jowa. No to incest din sa hood na iyon. Mayamaya, habang masaya kaming nagchichikahan ay may bagong add. Siya si Kurt Zhiro Havier, isang tahimik din. Minsanan siyang lumapag at ako lagi ang naaabutan niya. Puro kami kumustahan hanggang sa naisipan kong padalhan na lang siya ng pribadong mensahe.

Sa konting oras lang na magkausap kami ni Kurt ay ang gaan ng loob ko sa kaniya. Nakakaramdam ako ng saya tuwing kausap ko siya. Sa GC naman ay puro kami biruhan kasama ng iba pa. Naging mas active na rin siya sa group chat pero pansin ko na ako ang mas kinakausap niya. Ayaw ko namang mag-assume. Gabi na naman kaya marami kaming active. Mayamaya ay nag-chat iyong foundress namin.

Foundress: May napapansin ako. Kurt at Kitty, may namamagitan ba sa inyo?

Ako: Po? Wala naman po.

Kurt: Magkaibigan lang kami.

Foundress: Hmm. Sabi n'yo yan ah. Pero kung sakaling maging kayo, ipinagbabawal iyan dito. Ang isa sa inyo ay dapat na lisanin ang grupong ito. Ok?

Kurt: Okay

Ako: Ah eh? Malabo po naman yatang mangyari iyan. Hahaha

Bigla na lang nanukso ang mga kasamahan namin sa GC. Mayamaya, biglang nag-chat sa akin si Kurt.

Kurt: Kitty...

Ako: Hmm?

Kurt: Gusto kita...

Nagulat ako sa nabasa ko. Totoo ba ito? 'Yong puso ko, ang bilis ng tibok!

Ako: H-Ha?

Kurt: Haylabyo.

Napangiti na lang ako bigla pero hindi ko alam kung anong dapat kong i-reply.

Kurt: Kitty, nandiyan ka pa?

Ako: Ah oo naman.

Kurt: Pwede ba kitang ligawan?

Ako: Ah eh Kurt. Alam mo namang bawal sa Ravein na ano...

Kurt: Aalis ako roon kapag sinagot mo na ako.

Napapangiti na lang ako at hindi alam ang sasabihin. Bahala siya, seen muna kita. Sa GC naman ako nagbasa ng mensahe.

Foundress: Walang true love sa rpw. Puro trauma ang nandito.

Co-founder: Hindi trauma aabutin mo kung sa akin ang bagsak mo.

Co-head: Yieee. Sana all. Walang forever!

Lead: Puro tayo bitter.

Co-founder: Inggit lang kayo, walang bumabanat ng ganiyan sa inyo!

Lead: Pake namin? No to incest pa rin naman dito.

Foundress: Handa naman akong labagin ang rule na iyan kung magiging kami ni Mr. Editor.

Co-founder: Ang sakit naman pawn. Bakit si Mr. Editor pa kung pwede namang ako?

Editor: Huwag n'yo ko idamay diyan. Mag-edit lang ang alam ko.

Mayamaya, may mensahe na naman galing kay Kurt.

Kurt: Kitty... Hindi mo na ba ako papansinin? :(

Natawa ako.

Ako: Hahahaha. Hindi 'no! Sorry na. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong i-reply. Pero sige, pinapayagan kita.

Kurt: Yes! I love you!

I just reacted heart sa message niya.

Mission: Know His Identity Où les histoires vivent. Découvrez maintenant