Chapter 11

2 0 0
                                    

Head: Nandito ang nawawalang nanay mo @Kitty Heather Nanay mo ba talaga? Baka maging kaagaw mo kay Kurt. HAHAHAHAHA Biro lang, may jowa na si @Catty Wrights

Ako: Hmm?

Lead: Ayan na, may reply na.

Ako: Ano meron?

Catty: Hi anak @Kitty Heather , kumain ka na?

Ako: Oo.

Co-lead: Kumain na 'yan panigurado. May nagbibigay gana na sa kanya eh

Co-founder: Pansin ko tila wala si @Kurt Zhiro Havier ah

Co-head: Anyari sa kanya Kitty?

Ako: Abala lang iyon. May ginagawa eh.

Catty: baka ghinost ka na. HAHAHAHA. Ghoster kasi ang mga K

Cert. Giver: Hindi naman lahat. Nabiktima ka lang kasi ng isang K

Catty: Sshhh. Tahimik HAHAHAHAHA

Lead: Ayan, jowa pa. Truama nga kasi meron dito sa rpw.

Co-founder: oo. Tama ka trauma meron dito

Head: Lalo na kung sayo

Co-founder: ah ba, bat sakin?

Ako: Kasi hindi sa amin. Hahahahaha

Head: True

Co-lead: Kaya nga

Co-head: (2)

Catty: (3)

Ako: Bye muna. May gagawin lang. Hahahahaha

Head: Kahit wag ka na bumalik. Charr HAHAHAHA

Ako: Ay sige hahahaha

Head: Biro lang. Tyt

Hindi na ako nag-reply pa. Sinubukan ko na lang matulog kahit masyadong maaga pa.

* * *

Nagising ako nang marinig ang sunod-sunod na pag-ring ng phone ko. Na-excite ako. Umaasa ako na may mensahe galing kay Kurt. Agad ko namang dinampot ang cellphone ko na nakalagay sa table kanina at tinignan kung may message siya. Mayroon nga! Napangiti naman ako.

Kurt: Kuting
Kurt: Hello
Kurt: Good evening!
Kurt: Gising ka pa?

Tinignan ko ang oras at 10:30 PM na pala.

Kurt: I miss you
Kurt: Kumusta ka na? Nakakain ka na ba?
Kurt: Sorry ngayon lang... Huwag ka magtampo ah?
Kurt: May pinuntahan kasi kami ng fam ko. Wala palang signal dun
Kurt: Hindi na ako nakapagpaalam sayo na aalis kami, nirarush na kasi ako. Nakatulog din kasi ako sa van
Kurt: Mukhang tulog ka na nga.
Kurt: I love you */kissed your forehead

Ako: Bayani

Agad niyang nabasa ang mensahe ko.

Kurt: Gising ka pa pala. Kumusta?

Ako: Actually, nagising lang ako pero okay lang. :)

Kurt: Sorry

Ako: Ano ka ba okay lang 'no. Naiintindihan ko naman☺

Kurt: Sorry ah ngayon lang ako. Hindi ko kasi alam na walang signal sa pinuntahan namin.

Ako: */smiles; Okay lang. Nag-aalala lang kasi ako, bigla ka naman kasing walang paramdam. Baka kung napano ka na.

Kurt: Sshhh. I'm fine, okay? Nandito na ako.

Mission: Know His Identity Where stories live. Discover now