"No, it's me!"

"It's me!"

"Me! The main character is always more loved."

"That's an old folk trend. My reddy readsy are more diverse now. They now see the other characters."

"It still doesn't change the fact I was the most loved." Tinuro nito ang sarili. "Look at me. I am brighter and more noticeable than you."

"Well, at least, I'm hotter than you."

"Noa took more time to design me."

"I am my Noa's favorite!"

Papalit-palit ang tingin ni Logan sa dalawa habang patuloy itong nagtatalo. Nalilito siya kung eeksena ba siya o mananatili na lang tahimik dahil baka madamay pa siya. Ang lakas pa naman ng nangyaring labanan ng dalawa sa nobela kaya baka bigla siyang tumilapon kapag nakialam siya.

"Argh! This was such a bad choice! I shouldn't have come here!" Binaling nito ang tingin sa kaniya. "When will this surprise party start so that I can leave and not see the face of this annoying villain?"

"Mamayang seve--" Hindi niya natapos ang sasabihin nang umeksena si Adamas.

"As if I want you to be here too. Be patient and wait for my reddy readsy to come."

"'My?'" Lumingon na naman ito ulit kay Adamas. "Excuse me, she is mine. I am her favorite!"

"She cheated on you after seeing me!" Humalakhak si Adamas. "Unlucky you, I could easily pull your readers with this face."

Nagsimula na namang magtalo ang dalawa kaya napabuntonghininga na lang siya. Today was supposed to be his confession day, but here he was, stuck with the two characters arguing about who Gon belongs.

Nagtungo na lang siya sa kusina para ipasok sa refrigerator ang dalang yogurt. Kinuha niya ang mga ingredients na binili niya kahapon para sa lulutuin niya ngayon.

"Time check. Four in the afternoon." He glanced at his watch. Bumaba ang tingin niya sa kaniyang pulso nang makita ang mga peklat doon. Hindi niya iyon pinansin at tinaas ang sleeve ng kaniyang polo para hugasan ang mga gulay at karne.

Nakatanggap siya ng notification sa kaniyang phone kaya kinuha niya muna iyon sa kaniyang bulsa. It was a message from Anais.

Anais Murikawa Laurien:
I'll be late for 30 minutes. I caught myself in the traffic kaya late din akong makakatulong sa 'yo sa pagluluto.

Logan Murikawa Ramirez:
It's okay po.

Nagsimula na siyang magluto. Apat na putahi ang balak niyang ihanda ngayon: Adobo, Chicken Curry, Vegetable Soup, at Lumpia. As for the desserts, he'd make a Leche Plan and Macaroons.

Hindi niya pinansin ang ingay na nagmumula sa salas at nagpokus sa gawain. Isang oras ang lumipas saka pa dumating si Anais.

"Hi! Sorry, sobrang traffic talaga."

"Okay lang po."

Kaagad siya nitong tulungang mag-wrap ng Lumpia. Tahimik lang silang dalawa nang bigla itong magtanong sa kaniya.

"I want to ask this for some time now, Logan."

"Ano po 'yon?"

"Is your mother's name Aila Murikawa?"

Napatango siya.

"Oh, so you really are my cousin. Your mom and my mom are sisters." Ngumiti ito sa kaniya.

"Ah, yes," nahihiya niyang sabi. Hindi niya ito binanggit no'ng una silang magkita at wala rin siyang planong banggitin ito. Ngunit dahil ito na mismo ang nag-open up, hindi na rin niya ito itinanggi.

Author's Note (The Villain Series 1)Where stories live. Discover now