Kabanata 3

8 1 0
                                    



Cianna P.O.V

"Hoy Azriel nandito na ba si Raven?" Tanong ko dito dahil wala pa ito.

"Huh? Hindi naman po nagpunta dito si kuya Raven eh" Nakakunot noo nitong saad sa'kin.

"Ah gano'n ba? Siguro maya-maya pa pupunta 'yun" Sabi ko dito.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagtapos ay binuksan ko ang laptop ko.

Balikong Raven // 🫄🏻

Me: Hoy gagita ba't wala ka pa d2? Akala ko ba pupunta ka?! Pinapaasa mo q! 🙄

Chat ko dito. Ilang minuto lang ay nagreply ito sa'kin.

Raven: wait lang gaga, maliligo lang ako! Nadulas ako sa ihi ng pusa :|

Me: Oh my! Deserve HAHAHAHA! Sige na bilisan mo na, maghahanda akong miryenda natin.

Pagkatapos ko ito i-chat ay pinatay ko na ang laptop ko at bumaba na.

"Uhm.. Manang pwede po ba magpatimpla po ng juice?" Tanong ko sa isang kasambahay nila lola.

"Osige iha" Sagot nito sa'kin. Nagpasalamat naman ako dito at pumunta na sa pantry para kumuha ng mga pagkain.

Shet oo nga pala at meron ditong drinks, nag-utos pa ako kay manang. Hay nako.

Kumuha na akong chips at iba pang pagkain,
um-order na rin ako ng pizza para naman hindi lang puro chips ang kakain namin. Duh!

Pagtapos ay lumabas na ako sa pantry at kumuha ng tray. Inilagay ko na ang mga pagkain na kinuha ko dito at yung juice na ipinatimpla ko kay manang, pagtapos ay pumunta sa sala at nanood sa tv.

Habang nanonood ako ay may biglang kumatok sa pinto, baka ito na ang maldita kong pinsan.

"O TO THE M TO THE G, OMG! CIANNA! I MISS YOU GIRL!" Hiyaw nito at tsaka niyakap ako.

"What the fvck Raven kaharap mo lang ako 'no, kung makasigaw naman" Sabi ko dito sabay irap.

Nagpeace sign naman ito at tinanggal na ang yakap sa'kin. Doon ko lang napansin ang kasama niya.

"Oh by the way girl, this is Dave. Siya yung friend ko na tinutukoy ko sa chat" Pagpapakilala niya sa kaibigan niya.

Shuta, totoo ba 'to? Napakagwapo, halatang 'di mapapasakin.

"Uhm hi?" Bati nito sa'kin. Tumingin naman ako dito. "Oh wait, you look familiar" Sabi nito na nagpakunot ng noo ko.

"Oh I get it, ikaw yung babaeng tinulungan ko malapit sa parking lot" Aniya na nagpamula ng pisngi ko.

"Oh so you're the guy na tumulong sa'kin, thank you nga pala sa pagtulong sa'kin. Uhm by the way, I'm Cianna.. Raven's cousin" Sabi ko dito sabay alok ng handshake. Tinanggap naman nito ang kamay ko.

Wala ni-isa saming dalawa ang sinubukang bawiin ang kamay sa isa't isa.

"Hoy ano ba itigil niyo muna 'yang handshake na 'yan. Nangangawit na ako!" Reklamo ng pinsan ko. Inirapan ko naman siya at niyaya na sila sa sala.

Remembering Our PastWhere stories live. Discover now