Simula

26 1 0
                                    

Hi everyone I'm Cianna Fhae Chavez you can call me Fhae for short, but a lot of my friends and my family calls me 'Yanna' dahil mas bagay daw sa'kin.

2nd year collage na ako, thank God at malapit na rin makatapos!


*Alarms ring*

"Good morning everyone" Bati ko bago tamayo sa aking higaan.

I opened the curtain first and the sun's rays shone on my face.

Napasibangot ako dahil nakita ko ang mga sasakyan na nasa kalsada. "Hayst, another day another traffic, baka ma-late pa ako sa first day ko" Sabi ko bago pa mag madali pumunta sa bathroom.

I turned on the lights before going to the sink then I did my morning routine. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na agad ako ng uniform ko. Maganda yung uniform namin, unique and aesthetic siya.

Tumingin ako sa salamin. Ampangit ng buhok ko!
Inayos ko 'to at hinanda na ang mga gamit ko

~ Fast Forward ~

Finally, natapos ko na rin ayusin ang gamit ko.

Bumaba na ako at nakita ko si chloe, she's our dog. Binuhat ko siya at inilagay na sa kulungan niya. Pagkatapos ay pumunta na ako sa dining area.

"Goodmorning po ate Isabel, are you done preparing our breakfast?" Tanong ko kay ate Isabel.

She answered me immediately "Malapit na, umupo ka muna d'yan bunso" Tumango naman ako dito at ngumiti. Umupo na ako at naghintay,

"Oh, ito na ang pagkain mo. Pinapasabi pala nila ma'am Hannah at sir Xean na maaga ka raw umuwi mamaya dahil may pupuntahan daw kayo" Napakunot ang noo ko.

"Sa'n daw po kami pupunta?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam bunso e basta ayan lang ang sabi ni sir at ma'am" Tumango nalang ako at tinapos na ang pagkain.

Pagkatapos ko kumain ay kinuha kona ang mga gamit ko at hinintay ang driver namin na si kuya Mike.


"Tara na po ma'am" Sabi sa'kin ni kuya Mike sabay kuha ng mga gamit ko.

Tinignan ko ang orasan at 6:30 a.m. na. Hay nako sana 'wag ako malate, medyo may kalayuan kasi ang school sa bahay.

~ Fast Forward ~

"Ma'am Fhae, gising na po, andito na po tayo sa paaralan mo" Napamulat naman ako ng mata. Tinignan ko ang time. 7:26 a.m. na pala? Buti nalang at 7:41 ang late ngayon.

Lumabas naman ako ng kotse at nagpasalamat kay kuya Mike.

Kuminang naman ang mata ko ng makita ang paaralan.

Wow. So this is my school? Ang ganda!

Bagong school bagong journey nanaman, sana puro magaganda mabuo kong memories dito.

Nag-lakad na ako papunta sa teacher's office para ipakita sa kanila ang card ko sa dati ko'ng school, ayaw ko na do'n puro gulo at disgrasya lang ang inabot ko, kaya mas minabuti na nila nanay at tatay na ilipat na ako.

"Magaganda ang grades mo iha, anyways na register na kita at ngayon na ang first day mo, kaya naman ito na ang ID mo welcome to NSLU university"

Napangiti naman ako dahil ng makita ko ang ID ko kay maayos naman ang itsura ko, medyo nairita lang ako sa buhok ko dahil medyo gusot ito.

"Tara na dadalhin na kita sa bago mong classroom, sigurado akong matutuwa ang mga bago mong kaklase" Sabi ni sir Lerillo na mas nagpangiti pa sa akin.

Pagpasok namin sa room ay bumungad sa'kin ang
mga bago kong classmate, makikita mo sa itsura nila na mukhang matatalino sila at may mga itsura. Parang naligaw ata ako ng classroom, char.

"Good morning everyone, please say hello to your new classmate, Miss Cianna Fhae Chavez" Nagulat ako ng bigla nalang nag palakpakan ang mga kaklase ko, famous na ata ako.

"Miss chavez please introduce yourself"

"Hello everyone I'm Cianna Fhae Chavez, but you can call me Yanna for short" Nahihiyang sambit ko bago ngumiti. I feel like they're judging me, ugh, it feels so awkward.


Pagkatapos namin mag klase ay nagpunta na agad ako sa cafeteria dahil sabi ni Lazirus sabay na raw kami kumain. Si Lazirus nga pala ay kaibigan ko simula grade 6, ang malas nga dahil hindi kami classmates.

"Hoy! Kamusta first day?" Sabi ni Lazirus

"Ano sa tingin mo? Syempre awkward!" Sagot ko naman sakanya.

"Wag ka na ma-sad libre nalang kita shake" Naka-ngiting sabi sa'kin ni Lazirus na nagpa smile sa'kin.

"Sige, libre mo ah"

Nandito na kami sa cafeteria at nag simula na mag order si Lazirus ng drinks at pagkain namin.

Pagkatapos ay umupo na si Lazirus sa tabi ko.

"Kainis yung nasa likod ko, sumingit ba naman" Reklamo nito sabay pout.

"Hayaan mo na, at least mukhang fresh ka pa rin 'diba? Fresh na palaka" Aniko sabay tawa. Napasimangot naman ito at inirapan ako. Maldito!

"Oh, ito na yung shake mo" Aniya sabay abot ng strawberry shake. "'Wag ka mag-alala, nilagyan ko yan ng lason" Napatingin naman ako sa kanya.

Seryoso ang mukha niya, oh em ji. "Seryoso ka d'yan? Baka gayuma nilagay mo dito" Lumingon naman ito sa'kin

"As if naman na gagayumahin kita, h'wag kang mag-alala kasi may girlfriend ako. Loyal ako 'no"

"Assumerong palaka. Sino ba 'yang imaginary girlfriend mo?" Ngumiti naman siya at humarap sa'kin. Mukhang totoo nga.

"Si Jisoo" Napamura naman ako at binatukan siya.

"Nasapian ka ba o inatake ka lang ng kabaliwan mo? As far as I know, dumi ka lang sa kuko ni Jisoo" Sinamaan naman niya ako ng tingin.

Pagkatapos namin maunos ang pagkain namin ay itinapon at nilinis na namin ang pinagkainan namin.

"Oh pa'no ba 'yan? Kita-kits nalang us mamaya sa parking ah? Sabay ako sayo umuwi para libre sakay" Tumango naman ako dito at umirap.











pscx.stories>>>>ROP>>continuation>>>

Remembering Our PastWhere stories live. Discover now