Kabanata 2

6 1 0
                                    





Cianna P.O.V

Pagka-pasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong ako agad ni ate Isabel.

"Ma'am kanina pa po kayo hinahanap ni sir Azriel aalis na daw po kayo" Sabi nito sa'kin.

Nagtungo ako sa kwarto ni Azriel para pababain na siya dahil malapit na ang driver nila lolo at lola na susundo sa'min.

"Azriel! Baba na at parating na ang driver nila lolo at lola" Sigaw ko kay Azriel na hanggang ngayon hindi pa tapos maligo.

"Eto na!" Huling narinig ko kay Azriel bago umalis ng kwarto niya, pumasok ako sa kwarto ko para kuhanin ang mga make-up at mga pang-kulot ko syempre dapat maganda tayo do'n.

Nag-impake na ako ng mga iba pang gamit dahil sabi nila mommy ay pinadala na nila ang mga gamit namin kaya hindi na namin need pa mag dala ng mga damit.

Habang nag aayos ako ng mga dadalin ay bigla nalang sumigaw si Azriel.

"Ate! Andito na si kuya" Sigaw ni Azriel kaya naman minadali ko ang pag-aayos ng mga gamit ko na dadalin.

Bumaba na ako at nakita ko ang iritadong mukha ni Azriel.

"Ikaw pa inintay namin!" Inis na saad nito

"Sorry naman! Dinala kopa kasi mga make-up ko" pagpapalusot ko dito.

~ Fast forward ~

Nasa harap na kami ng bahay nila lolo at lola hindi naman ito masyadong malaki pero ang design ay medyo luma na pero maganda.

Pag-pasok namin ay sinalubong kami agad ng mga kasambahay nila lolo at lola, "Welcome Ma'am Yanna and Sir Azriel" Sabay-sabay na bati ng mga kasambahay sa'min.

"Samalat po" bati namin ni Azriel, nakita naman namin na pababa na sila lolo at lola.

"Welcome home mga apo" bati sa'amin ni lola tsaka kami niyakap.

"Miss na miss kona kayo.. minsan lang kasi kayo dumalaw dito, buti na lang at pumayag kayo na dito muna tumira" Sabi naman ni lola sa'min.

Si Azriel naman ay nag mano kay lolo "Kalaki nyo na natatandaan ko pa yung huling punta n'yo dito ay mga 10 years old palang kayo no'n" Naka ngiting sabi ni lolo halatang excited kaming makita.

"Mamaya na tayu makipag kwentuhan sa kanila mahal, ipakita muna natin sakanila ang magiging kwarto nila" Pag-putol ni lola kay lolo.

Umakyat na kami at pinakita nila ang mga kwarto namin ni Azriel. Okay naman ito, malaki at malinis. Pagkatapos namin makita ang kwarto ay bumaba na kami para kumain ng hapunan.

"Ang dami nyo naman po atang hinanda lola parang fiesta po" Sabi ni Azriel habang tumatawa na halatang gutom na gutom na.

"Nako! Konti pa nga 'yan dahil sa tagal nyong hindi dumalaw dito ay excited kami ng lolo niyo na makita kayo kaya kumain na kayo" Naka ngiting sabi ni lola sa'min.

Kumuha na ako ng kare-kare at salad, "Matanong ko lang.. kayo ba ay may mga boyfriend at girlfriend na?" Tanong sa'min ni lolo na nag pa kaba sa'kin.

Uhm, ba't naman ako kakabahan e wala naman ako nun? Hayst.

"Naku wala pa po lolo, wala pa po sa isip namin 'yan" Sabi ni Azriel, nagtaka ako dahil mukhang may nililigawan na ito.

"Mabuti 'yon at mag-aral muna kayo ng mabuti" Sabi ni lolo.

"Naku! Wag nyo nalang pansinin ang lolo niyo pwede naman na kayo magkaroon ng ganoon basta wag lang pabayaan ang pag-aaral niyo" Pagputol ni lola kay lolo.

"Bilisan nyo nang kumain para makapag-pahinga na kayo at may pasok pa kayo bukas" Sabi ni lola, bigla naman tumunog ang cellphone ko.

From: Our cooking ina  💗 (Cianna's mom)

Mom: Nandiyaan na ba kayo kila mama?

Me: Opo ma.

Mom: Sige, mag-ingat kayo d'yan.

Me: Kayo rin po mom <3. Ingat po kayo diyaan ni dad, miss you both!

Pinatay kona ang cellphone ko at nag patuloy na sa pagkain. Tuloy naman sa pag-uusap sila Azriel at lolo, si lola naman ay nakatingin sakanila habang tumatawa.

~ Fast forward ~

After I entered my room ay pumasok na ako sa bathroom para mag-hilamos ng mukha.

Pagka-labas ko ng bathroom ay naglagay naman ako ng mask para fresh paggising, para mag mukha akong new born pag pumasok sa school.

Habang nakahiga ay nag babasa lang ako ng libro at nag checheck ng mga social media, nang makaramdam na ako ng antok ay umayos na agad ako para makatulog na.

~ Fast forward ~

Nasa school na ako at papunta na ng room nang mag-text sa'kin si Lazirus.

From: Pash-pash na bulok 💗 (Lazirus)

Lazi: Punta ka muna sa cafeteria may ibibigay ako sa'yo.

Me: Okay 🙄

Nasa cafeteria na ako at papunta na sa table ni Lazi.

"Asaan na ibibigay mo?" Tanong ko dito

"Ay! Hindi ka mag mamadali" inabot niya sa'kin ang isang box na halatang jewelry ang laman.

"Saan mo to ninakaw ah?" Pag-bibiro ko dito.

"Grabe ka naman! 'Thank you-gift' ko 'yan sayo dahil nagustuhan ni mommy yung bag tsaka sapatos" Saad nito habang nakangiti.

Binuksan ko ang box at nagulat ako sa laman nito, Isang kwintas na hugis shell at may partner pang hikaw.

"Sobra naman ata ito Lazi, dapat nag thank ka nalang" Sabi ko kay Lazirus dahil nakakahiya, mukhang mahal pa naman. Pero echos-echos lang syempre!

"It's fine sabi naman ni mommy dapat daw may regalo ako sayo dahil lagi mo akong tinutulungan" sabi ni Lazirus, nilagay ko muna ito sa bag ko dahil ayoko muna suotin, gusto ko kasi pag may mahalagang okasyon ko lang ito masusuot.

~ Fast forward ~

Tapos na ang klase ko at pa-uwi na ako, syempre hinatid ako ni Lazirus dahil sayang daw yung gas ng driver namin, like ang daming palusot pwede naman sabihin na ihahatid nya nalang ako.

Nakatulala lang ako sa bintana nang biglang tumunog ang cellphone ko, si Raven pinsan ko. Halos magkatabi na ang bahay nila Raven at nila lola.

Balikong Raven // 🫄🏻

Raven: Hoy! Di ka nag-sabi na doon muna pala kayo kala lolo at lola titira sana sinabi mo hmpt! Anyways, punta ako d'yan kasama ko friend ko, single to, charr!

Yanna: Ito naman kalog na kalog. Wala pong may pake sa friend mo ems, sige pero hintayin mo ako pauwi palang ako kasama yung kaibigan ko, andiyan naman si Azriel siya muna kausapin mo.

Pag-katapos ko makipag text kay Raven ay pinatay kona ang phone ko at tumingin nalang ulit sa bintana.

Nasa harap na kami ng bahay ni Lazirus.

"Mauna na ako Yanns may kailangan pa kasi akong gawin" Pag-papaalam ni Lazirus sa akin.

"Osige, mag-iingat ka ha? Huwag mabilis magpatakbo, babush" Ani ko rito sabay flying kiss.

Pumasok na ako ng bahay pagkatapos umalis ni Lazi.




pscx.stories>>>>ROTC>>continuation>>

Remembering Our PastWhere stories live. Discover now