Chapter 22: The Real Score

197 4 0
                                    

---

Candice’s POV

Nung isang araw ko pa iniisip. Pamilyar kasi talaga ang mukha ni Ivan sa akin. Hindi ko maalala kung san ko siya nakita. Nagpunta daw sila sa school namin dati. Siguro nga nakita ko siya dun pero kasi si Erik lang naman ang tinitignan ko nung time na yun. Ewan ko.

“Hi Candice!” Bati sa akin ni Erik habang papalapit sa akin na nakaupo sa isang bench na may table.

“Hi!” Nginitian ko siya.

“Nasan barkada mo?” Tanong nito.

“Wala pa. May klase pa. Hinihintay ko nga.” Sagot ko sa kanya.

“Ah… Cge, samahan na kita.” Sabi nito.

“Sure ka? Ok lang naman ako e.” Sabi ko.

“Hinihintay ko din naman sina Ivan e.” Sabi nito.

“Ah, ok.” Yun lang ang sinagot ko at umusog ako para makaupo siya.

Ganito kami simula nung naging magkaibigan kami ulit. Mukhang naging parte na nga sila ng barkada namin e. Hindi din naman umangal yung mga kaibigan ko. Minsan nga lang tinatanong nila kung ok lang ako. Ok lang naman talaga ako. Hindi na ako affected at Masaya ako dahil magkaibigan kami ni Erik.

My Complicated HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant