Habang nagluluto siya, maya't mayang ginugulo ng mga salita ni Adamas ang isipan niya. Hindi mapigilang mamula ng magkabila niyang pisngi. Hindi na naman bago sa kaniya na may manukso sa kanila pero pagdating kay Adamas, nakakaramdam siya ng kakaiba. Para kasing may alam itong hindi niya alam at may nakikitang hindi niya kayang makita. Para bang mas kilala pa siya ni Adamas kaysa sa sarili niya.

Nagkibit-balikat na lang siya. Pagkatapos niyang magluto, bumalik na siya sa kuwarto ng kaibigan.

Naabutan niya itong kagigising lang at tinatanggal ang towel sa noo.

"Huwag ka munang bumangon," pigil niya. Umupo siya sa tabi nito.

Napatingin naman ito sa kaniya. Matamlay ang mga mata nitong paborito niyang iguhit. "Did I pass out?"

She nodded. "Si Adamas ang nakakita sa 'yo. Nako, Lolo. Matatawa ka sa mukha niya kanina. Akala mo nakakita ng multo."

"Really? Kinakabahan din pala ang mga villain?" Mahina itong natawa. Pinikit nito ang mga mata.

"Nalilito na nga rin ako, e. Adamas knows how to treat people, but at the same time, he can really be so devious." Sumagi sa kaniya ang nobelang Odds of Tribes. "I guess ganoon lang talaga siya. His role is to protect the Gem of Treaty. He only kills people who will go against him. Other than that, he is actually very human."

"'Di lang marunong mag-lock ng pinto." Bumuntonghininga si Logan kaya napatawa siya.

Kinuha niya ulit ang towel at nilabhan.

"Nga pala, Gon."

"Hmm?"

"I already submitted the synopsis for the contest yesterday."

"Nice!" Binitiwan niya ang towel at nag-thumbs up. "Pasok na kaagad tayo n'yan."

"Can you at least have some doubts? Kinakabahan tuloy ako sa 'yo." Inabot nito si Nana na nasa gilid lang ng unan at niyakap.

"Sus! Kapag ikaw na gumawa, for sure, pasok na pasok na tayo. Ang galing mo, e." Aabutin niya na sana ang towel na nasa basin nang biglang mag-ring ang phone ni Logan na nasa study table.

Inabot niya iyon. Sinilip muna niya kung sino ang nag-text bago binigay kay Logan.

Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya ito kilala. "Sino si Samara?"

"My co-instructor. She's a newly hired teacher at kagaya ko nag-pa-part time lang din siya. We somehow get along because of that," sabi nito habang nagtitipa sa phone.

"Ah. Ganoon ba." Kinuha na niya ulit ang towel. Hindi na siya nagtanong pa ulit at pinokus na lang ang atensyon sa basin. Sa lakas ng pagkakapiga niya tumalsik ang iilang butil ng tubig sa mukha ni Logan.

"Ay, sorry." Kaagad niyang pinahiran ang pisngi nito.

Tumango lang ito bilang sagot habang ang mga tingin ay nasa phone pa rin. Hindi pa rin ito tapos na magtipa.

Gaano ba kahaba ang reply nito at bakit ang tagal?

Bigla siyang nainis kaya napalakas ang paglagay niya ng towel sa noo nito. Nagulat si Logan at ganoon din siya.

"Ay, sorry ulit," paumanhin niya.

"Iyong totoo, Gon, may galit ka ba sa akin?" natatawa nitong sabi. Tiningnan siya nito at mapang-asar na ngumiti.

'Does he smile like that too with Samara?' she thought and she didn't know where did her curiosity come from. Napaiwas na lang siya ng tingin dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

Tinuon niya ang atensyon sa niluto niyang lugaw. Iaabot niya na sana iyon kay Logan nang bigla na namang nag-ring ang phone nito. Akala niya si Samara ang tumawag pero ang ina pala nito.

Author's Note (The Villain Series 1)Where stories live. Discover now