Si Chanyeol 4

Magsimula sa umpisa
                                    


SiㅡKyungsoo at Chanyeol.


Umiwas na lang ako ng tingin. Sabi koㅡsusuportahan ko sila. Sabi koㅡhahayaan ko na lang sila. Sabi koㅡmasaya na ako para sakanila. Pero bakit ganito?


Sobrang sakit pa rin talaga.



LUHAN'S POV



Iniwan ko na muna ang kambal kong nage-emote do'n.


Sinabi ko na kasi na tama na ang pantasya dahil wala na talaga siyang pag-asa sa higanteng 'yon.


Ang sa'kin langㅡayokong nakikitang nasasaktan 'yang kambal ko. Kasi kung titignan mo yung dalawaㅡnasa gitna ng crowd at kung hindi ba naman tanga nag-slow dance habang ang kantaㅡpang rock.


Jusqㅡna-stress bigla ang hello kitty na shirt ko.


"Kuya, iced tea nga." Sabi ko do'n sa bartender. Biruin moㅡyaman nga talaga ni Kyungsoo. Meron silang mini bar dito sa loob at meron pa talagang bartender.


"Kuya, bigyan mo nga ako ng wine. Kahit anong klase, ha?"


Napalingon naman ako sa kanan ko. Nagulat ako dahil ito yung isa pang higanteng humarang sa'kin sa hallway kaya muntik na akong ma-late.


"Hello, Miss." Miss daw? Samantalang lalaki naman ako. Pero okay langㅡmaganda naman kasi talaga ako.


Pero hindi ko siya pinansinㅡalam ko naman na magpe-playtime lang 'to. Hindi ako yung klase na dyosa na madali niyang mauto.


"You know what.." Halos manginig ang buong katawan ko nang makita kong lumapit siya sa'kin at nararamdaman ko na ang hininga niya sa leeg ko. "I really like you.."


Nanlaki naman ang mata ko sa bigla niyang sinabi. Ano daw? Gusto niya ako?!

Tinulak ko naman siya saka ko siya hinarapan. "Hoy lalaking may matulis na baba na katulad ni Krisㅡ'wag mo 'kong maloko-loko diyan, ha?! Kilala ko mga katulad mo!" Tinarayan ko siya tapos naglakad ako palayo sakanya.


And I just flipped my imaginary long hair.



BAEKHYUN'S POV



Nag-CR ako at pagkabalik koㅡmerong isang grey na paper sa table namin. Nakatapat talaga ito sa upuan ko.


Kinuha ko naman at muli kong binasa.



Ganda mo talaga, Baekhyun. Sarap mong titigan nang titigan. Anyways, enjoy the night. I love you again.

Love, Asdfghjkl.

Si Park Chanyeol (Chanbaek Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon