Veintisiete

53 6 0
                                    

Minsan akin ngang naitatanong
Ano nga ba ang dahilan?

Narito na naman at bumubuo ng mga salita
Mabilis ang tibok ng puso't nag-uunahan
Hindi ko pa rin magawang ipaliwanag
Kung bakit nga ba ang ngiti'y nagliliwanag

Marinig lang ang kaniyang pangalan
Maalala at mabasa, ngiti ay abot tainga
Ano nga ba ang dahilan nitong pagsinta?
Talagang naapektuhan buong sistema

Nahihibang na lamang sa isang tabi
Natutuwa at hindi alam kung saan itatabi
Gustong itago ang mga ngiti sa labi
Ngunit talagang hindi maitatanggi

Napagtanto ko na ang tunay na dahilan
Hindi ko na kailangan pang ipagtanungan
Ang laman ng bawat ngiting pinangangalandakan
Ay ikaw at ang aking pagmamahal


12.20.2022

note: naging reply ko ito sa tulang ginawa niya noong bata pa siya. kilig na kilig pa ako rito, pero ngayon, i cannot feeling anything na. :< 04/24/24

Tiaras [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon