Dieciocho

63 7 1
                                    

Dalawang daang patak ng luha,
Dalawang daang hakbang ng diwata,
Dalawang daang salita para sa kaniya,
Dalawang daang araw, makakamtan na.

Ibong kay layang lumipad sa himpapawid,
Magpapatuloy kahit na siya'y mapatid.
Boses niyang kalma't payapa ang hatid,
Sa tainga ko'y hindi ko maalis-alis.

Mapagod man ang martinez na laya,
Ngunit kanta niyang mahiwaga,
Kailan man ay hindi mawawala
Sapagkat handog nito'y pagkasaya.

Agilang lumilipad sa itaas ng mga ulap,
Matapang na kahit bagyo'y 'di siya maawat.
Pambansang ibon nitong mahal na bansa,
Tama lang dahil sundalo siya ng hiwaga.

Adarna kong irog, lahat sa 'yo'y napayuko,
Diwatang sa iyo ay nagtatago,
Maaari mo bang ilabas nang ako'y mapasaiyo?
Lupit mong tinatago, aba'y natakot lahat sa 'yo.

Tulad ng ibon sa itaas ng kaulapan,
Tulad ng may pakpak kahit hindi lumilipad,
Tulad ng mga nilalang na kay hiwaga,
Maganda ka kahit ano ka pa.

Katulad ng martinez, huwag titigil sa kanta,
'Pagkat may nakikinig sa iyong binubuka,
Katulad ng agila, kahit may unos ay lumaban ka,
'Tulad ng adarna, may itinatago kang himala.

Kahit anong uri ka, kahit walang kalasag,
Manalig ka, ikaw ay may ilalabas na liwanag.
Natatago lang sa iyong loob,
Ngunit darating ito sa tamang panahon.

Dalawang daang linggo man maghintay,
Hindi ka bibiguin ng Nagbigay sa 'yo ng buhay.
Dalawang daang luha man ang ipatak,
Sa dulo ikaw ay makakaaho't magkakapakpak.

—ysaqueens02182022
Happy 200 reads, Tiaras!

Tiaras [Poetries]Where stories live. Discover now