"Jenny, kung ayaw niya akong kasama na bumalik ng Manila, sana sinabi niya diba. Sana ginising niya manlang ako para aware ako na pauwi na siya. Eh late na nga ako natulog , paggising ko pa, wala na sa kama niya yung binabantayan ko lang kagabi—- ano bang malay ko na baka isinugod siya sa Hospital dahil mas lalong tumaas ang lagnat niya or something—- konsensya ko iyon Jenny! Nakaka disappoint lang na lagi siyang ganyan. Parang walang pakialam sa mararamdaman ko. Tao parin naman ako Jenny."



I saw her smile. Nagtaka ako. Binato ko ng balat ng kalabasa si Jenny kasi ayaw tumigil sa pagngiti.


"Ano yan? Bakit parang nakaka offend yung ngiti mo?"




"Wala. I never thought na ang bilis mong ma attached sa alaga mo."



"Attached?? Siraulo ka ba?"



"Oo! Galit ka na naman! I-review mo yung nararamdaman mo. Valid ba ang galit na nararamdaman mo? nagiging concern ka na sa kanya. Hindi ka naman ganyan dati!"



"Kahit sino namang may sakit na kasama ko Jenny , kaya kong alagaan. Wag mong bigyan ng ibang meaning iyon. Kasi He's not even my type. Eeew."



"Oh! Ayan! Wala pa akong sinasabi hah! Ikaw na nag-isip niyan. Ayan agad pumasok sa isip mo! Aysus!"



"Jenny!!! I DON'T TRUST HIM. AT ALL."



"Fine! Oo na! Hindi na! Ayaw mo na sa kanya. Hindi mo siya type. Kaaway mo siya. Pero ibulong mo na lang diyan sa puso mo na lumiko ng direction—— nakikita ko kasing on the way kay Sir Arman——- aray!! Yung damit ko Giaaaaaaaa———" winisikan ko lang naman ng tubig yung damit ni Jenny dahil biubwisit na naman niya ako. Pumunta nga ako dito para maglabas ng sama ng loob kasi kanina pa ako parang sasabog sa inis at galit pagkauwi ko.













9pm , nagpasya na akong matulog ng maaga ng tumawag si Jenny sa akin.




"Ano na naman!"

"Hahahahah wag kana magalit! Ireremind lang kita!"


"Saan?"



"Maaga tayo bukas sa St. Claire hah! Sana di mo nakalimutan! Baka kasi occupied na ni Sir Arman ang utak mo——— to toot-to toot—"



I ended the call kasi sinusubukan na naman niya akong inisin.




Napatingin ako sa suit ni Arman na nakasabit sa labas ng cabinet ko. Na-dry clean ko na ito kanina kasabay ng ilang damit ko. Hindi ko ito dito nilabhan sa bahay dahil baka makita ni Mama kaya pumunta pa ako ng laundry shop. Hindi ko alam kung kailan ko ito maibabalik kay Arman. Suot ko parin pala ito ng magising ako kaya hindi ko naibalik sa kanya.


Speaking of Arman, wala man lang text para itanong kung nakauwi na ba ako ng buhay sa Manila? Well, ano pa bang ineexpect ko?


















—-

"Oli, tara na!" hinawakan ko ang kamay ni Oli para lumabas na kami ng bahay. Kakatapos ko lang kasing magbihis at ang mag-ina ay kanina pa naghihintay sa bahay. Papunta kasi kami ngayon sa St. Claire Monastery sa may Katipunan. Every month talaga kami dumadaan doon at nagpapasalamat. Iyon din ang lugar kung saan ako lihim na umiiyak at nagbabawas ng bigat sa dibdib. Ewan ko ba, iba ang saya ng puso ko kapag kaharap ko si Santa Clara—— na para bang sinasabi niya sa akin na tumahan na ako kasi siya ng bahala sa lahat ng worries ko.




I'm wearing a black knitted dress na lagpas kaunti sa knees ko. Mabuti na lang at natuyo din agad ang white sneakers ko. Kinuha ko ang brown shoulder bag ko at chineck kung kumpleto na ba ang dala ko. Humarap ako sa salamin para itali ang buhok ko. Nagliptint lang ako —- pwede na yan. Sinuot ko ang salamin ko —— and go! I'm ready!




WANDA For YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant