Chapter 1: Pagpapakilala sa mga Tauhan

82 8 8
                                    


Sa isang panig ng Pilipinas ay mayroong isang mag-asawang nakatira sa isang napakalaking mansion. Ang lalaki na nagngangalang Don Clementine ay naglalaro ang edad sa 40-45 anyos, maikli ang gupit ng buhok na animo'y isang militar, ang kanyang pangangatawan ay medyo mabilog at malaki din ang tiyan, ang mukha niya ay puro pekas na hindi nahuhuli sa pagmumukha ng artistang si Jose Manalo. Ang babae naman ay maikli at palaging wavy ang buhok na tipong mahangin sa labas. Maliit siya at palapad ang mukha. Buo ang kaniyang paniniwala na isa siya sa pinakamagandang nilala sa buong kalawakan.

Malawak ang kanilang lupain na mahihiya ang Intramuros Golf course sa kanilang hardin. Bago ka makasapit sa punong pintuan ng kanilang mansyon ay sasalubungin ka ng dalawang malaking monumento na may mukha ng mag-asawa. Mahihiya ang mga monumento ng bayani sa Luneta sa pagkadetalyado ng kanilang monumento. Pati ang pekas sa mukha na animoy tinukang mga ibon ay kitang-kita. Ang mga gamit nila sa loob ng bahay ay materyales fuertes. Ang seradura ng kanilang pintuan ay tinubog sa ginto.

Pinagpala ng materyal na yaman ang dalawang mag-asawa, 'yun nga lang hindi sila nabiyayaan ng anak. 'Yun siguro ang dahilan kung bakit madalas silang mag-away na mag-asawa. Sa totoo lamang ay wala naman talagang saysay ang palagi nilang pinag-aawayan. Magsisimula iyon sa isang normal na pag-uusap at mauuwi sa isang matinding pagtatalo.

Gaya na lamang ng isang pagkakataong nanonood sila ng telebisyon at hindi sinasadyang madaanan nila ang palabas na Dora the Explorer

"Ay tingnan mo ito oh, Ito ang magandang pinapanood ng mga bata, marami silang matutunan," wika ni Inocencia na siyang may hawak ng remote.

"Ano namang matutunan ng mga bata d'yan? Ang makipag-usap sa unggoy at gumala nang gumala nang hindi nagpapaalam sa magulang?" kontra naman ni Don Clementine.

"Wala ka bang pandinig, nagtuturo sila ng Espanol! Sosyal," pilit ni Inocencia

"Ano namang sosyal sa Espanol? Ola punyeta Inocencia Bruja dela Impakta"

"Palibhasa hindi mo napapanood 'yan o ang Peppa pig. Napansin mo ang mga bata ngayon? May british accent sila, Momey Dadey," segunda pa ni Inocencia. Ikaw kasi Tom and Jerry at Mr. Bean ang palabas noong bata ka,"

"Ikaw  Bugs Bunny kaya ýang ngipin mo sa unahan p'wedeng gawing sangkalan,"

Matapos sabihin iyon ni Don Clementine ay isa-isa nang nagliliparan ang mga gamit nila sa bahay. Hindi basta-bastang bagay lamang ang binabasag nila, pinipili nila ang mamahaling muwebles lalo na ang mga antique na porcelain vase na nagmula pa noong Ming Dynasty.

Ang mukha ng mga kasambahay nila ay higit na nakaka-angat sa kanila pero parang may sarili silang mundo ay kakaiba ang tingin nila sa mga itsura nito. Gaya na lamang noong isang beses na nagseselos si Inocencia sa kasambahay ng kapitbahay na may 3 pulgadang haba ng baba, yung tipong bawal yumuko dahil matutusok ang dibdib niya.

"Wala akong babae, hindi ako kahit kailan nagkaroon ng babae. Dapat masanay ka na. Gwapo ang asawa mo at habulin ng chicks, hindi ka na dapat nagseselos," galit na sabi ni Don Clementine

Habang nagtatalo sila ay inabutan sila ng juice ng isang katulong na mestisa na nahahawig kay Marian Rivera. (Hindi ko alam kung bakit kailangan silang abutan ng kasambahay ng juice habang nag-aaway, h'wag na kayong magtanong)

"O siguro pati ang babaeng ito pinatulan mo na!" galit na sabi ni Inocencia habang dinuduro ang kasambahay na kamukha ni Marian Rivera.

"Mandiri ka naman sa sinasabi mo? Iyan, eh ang pangit niyan! May taste naman ako," ani Don Clementine

"Oo nga ang pangit niya," parang nakumbinsi si Inocencia na hindi nga iyon magagawa ni Don Clementine. Mayamaya pa ay biglang pumasok ang kanilang drayber na kamukha naman ni Coco Martin.

Peyk NewsWhere stories live. Discover now