"Siya ang unang kumausap sa akin! Nakakahiya naman kung hindi ako sumagot diba? Lalo na't sabit lang ako sa guest list dito!"




"Sana iniwasan mo na lang Gia."




"Paano ko iiwasan hah? Eh nilapitan nga ako! Tsaka ikaw tong nang-iwan sa akin doon!"



"Eh mas lalong hindi ka pwede sa table ng choir members ko!"



"Kasi nakakahiya ako?"




"My God Gia! We're not friends! Bakit kita isasama sa table namin. Tsaka kung di mo kaya ang mag-isa sana naman umakyat ka na lang sa room diba??"


"Teka nga, sinong nagsabi sayo na di ko kaya ang mag-isa?"



"Hindi mo kilala yung lalaking lumapit sayo! Sana lumayo ka na lang! Tsaka bakit kasi ganyan pa ang suot mo!"



"Bakit? Anong masama sa suot ko?"



"Muntik ka ng bastusin!"




"I can wear whatever dress I want to wear! Hindi ko kailangan ng validation mo o ng kahit na sino!"


"Ah, so gusto mong binabastos ka ???"




"Ofcourse not! Sinong matinong babae ang gustos mabastos??? Tsaka hindi ko kailangan ng tulong mo! Kasi kaya ko ang sarili ko! Kaya kong protektahan ang sarili ko! Eto yung mahirap sa Pilipinas eh, ang kikitid ng mga utak ng mga lalaki. Kapag nagsuot ng maiksi, bastusin agad. Wala naman sa babae ang problema eh. Nasa utak niyong mga lalaki!"



"At bakit naman nageneralize ang kalalakihan? Ikaw na ngang pinrotektahan parang ikaw pa ang galit!"


"Okay! Fine! Thank you! Pero hindi ko ito utang na loob sayo!" inis na sabi ko dito.





"Pang-ilan mo na yan?" kalmadong tanong ni Arman sabay turo sa hawak kong glass ng champagne.



"Champagne to. Hindi ako malalasing dito." inis na sabi ko. Nagulat ako ng hablutin ni Arman ang hawak kong glass tsaka niya inamoy iyon.


"Sangria to. Pang ilang glass mo na to?"



"Akin na yung glass! Arman!" inaagaw ko sa kamay niya yung glass ng mapansin kong mainit ang mga kamay ni Arman. Nahinto ako sa pag-agaw tsaka ako napatingin sa mukha niyang namumula.



"What?" nagtatakang tanong nito ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.



"Bakit ang init mo—- Arman? Ang init ng noo mo!" sabi ko dito tsaka ko ulit hinawakan ang leeg niya. Ang init niya!



"Hey! Lumayo ka nga! Doon ka!"



"Arman nilalagnat ka!! Ang init-init mo oh!!"



"Wala to!"



"Anong wala to??? Tara umakyat na tayo sa room!"



"Babalik ako doon——" hinatak ko si Arman paakyat ng room. Akala ko ay papalag pa ito pero sumunod naman na siya.









Pagpasok namin sa room ay pinaupo ko muna siya sa sofa tsaka ako nagtanggal ng heels at hinanap ang tsinelas sa loob.





Pag-upo ni Arman sa sofa ay agad siyang napasandal doon na tila ba gusto na niyang matulog.



"Arman, kanina ka pa ba nilalagnat? Bakit hindi ka nagsasabi??" pinapagalitan ko siya. Nakatayo ako sa harap niya habang nakapamewang. Napakamot ako sa ulo ko ng hindi niya ako sinagot. Lumuhod ako para tanggalan siya ng sapatos at medyas.




WANDA For Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें