🌸PROLOGUE🌸

25 4 0
                                    

Saturday Dress
by thatwallflowerwrites
All Rights Reserved© 2022

PROLOGUE

(🎨YUMI🎨)

"Ngek! Hindi ganyan," ani ko sabay tawa. "Bakit ka ganyan humawak ng brush? Parang sandok 'yang hawak mo." Inayos ko ang pwesto ng mga daliri niya sa brush.

He's also chuckling while attempting to paint for the first time. "Sorry. Nasanay lang. Mahirap din pala 'to."

Kinuha ko ang kamay niya para i-guide ito sa canvas. "Dahan-dahan lang kasi para hindi lumagpas 'yung mga strokes mo."

Nakatitig lang siya sa kamay ko tapos inilipat ang tingin niya sa mukha ko. "Uhuh."

"Nakikinig ka ba?" taas kilay kong tanong, sabay baba ng mga kamay ko. "Parang hindi naman eh!"

Kinuha niya ang kamay ko pabalik at ipinatong ulit sa kamay niya. "Nakikinig nga. Dali na."

I rolled my eyes before I continued teaching him. "Bakit kasi bigla kang nagyaya magpaint? Anong nakain mo?"

"Wala naman," aniya. "Namiss lang kita."

"Che! Baka na-bobore ka lang sabihin mo," ani ko, serious pa rin nakatingin sa canvas sa harapan ko at gina-guide ang kamay niya.

Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig pala siya sa mukha ko. There's seriousness in his expression.

"Bakit?" mahina kong tanong. "May pintura ba ako sa mukha?"

Umiling siya. "I'm just thinking."

I smiled teasingly. "Nagiisip ka din pala."

In-expect kong maiinis siya at gaganti din ng asar pero hindi nagbago ang expression niya. "Yumi..."

"Bakit?"

"Kung ikaw na lang kaya..." Tiningnan niya ako sa mga mata kaya napatigil din ako. Dahan-dahan ding bumaba ang mga tingin niya papunta sa mga labi ko.

Parang lahat ng dugo ko napunta sa mukha ko. Lumakas din ang kabog ng dibdib ko. Ano ba kasing sinasabi nitong lalaking 'to? Ano bang ibig niyang sabihin?

"...Would it be the same? Or would it be a different kind of love?"
.
.
.
.
.

Saturday DressWhere stories live. Discover now