"Nasa likod nilipat ko lang." sabi nito. "Hep! Teka nga lang bakit may dala kang bulaklak? Undas na ba?" sabi pa nito na may halong pang aasar sa boses. Ayan nanaman po siya.

"Kanino galing 'yan?" dagdag pa nito habang pinanlalakihan ako ng mata at nakapamewang pa.

"Sa manliligaw ko po." pamimilosopo ko.

"Ay meron ka non bhie?" she fights back.

"Oo naman, Ma. Ikaw lang ang wala," i said, sticking my tongue out.

"Ay, hindi ka sure," tumatawang sabi nito pabalik ng kusina.

Nang matapos ako sa pag aayos ng flower vase. Dumiretsyo na ako sa kwarto para makapaglinis ng sarili. Nang makapag palit na ako ng damit ay agad na akong humiga sa kama at nag scroll na lang sa Instagram. Nakita ko ang mga story ng ilang kaklase ko kaya kahit papaano ay nae-entertain ako. Pero hindi na ako ganun ka naiinggit na magkakasama sila.

I bit my lower lip when there's a lot of replies on the photo i've posted. Madaming nag react pero itong dalawa talaga ang pinaka namutawi sa paningin ko.

_inkredd (ingrid)
ay sis na-wrong pin ata ng address para saakin talaga 'yan.

do.when? (dwayne)
how much po?

Walang hiya, trip talaga ako nitong dalawang 'to. May iilan pa akong coursemates na nag react sa pinost ko pero tinawanan ko lang 'to.

I pouted. Gusto ko lang naman talaga ipost' yon as an appreciation post.

✿ ✿ ✿

Sumunod na araw, mas maaga akong umalis ng bahay dahil may kailangan pa akong ipasang mga papel. Nagkataon kasing kasabay ng internship ko ang thesis ko. Mahirap, Oo. Pero mas humirap dahil attitude at walang sense na ka-partner si Iris.

"Good morning, Mang Pards." bati ko sa guwardya.

"Magandang umaga rin, Inez," bati rin nito. "Ay, sandali may sulat ka,"

"Po?" kunot noong tanong ko. Dahil ito ang unang beses na makatanggap ako dito sa campus.

"May dumating kang sulat." pag uulit nito.

Mayroon na nanaman? Hindi ito basta bastang sulat alam kong may kasama itong pera. Ang hindi ko maintindihan ay simula ng mamatay ang tatay ay siya ring simula ng pag dating ng mga enveloped na ganito. Pare parehas na may pulang marka.

Recipient : Solea Finez Selencio

"Oo. Kaninang umaga pa." sabi pa nito. "Eh, Bakit hindi mo nalang sa bahay niyo i-address para hindi mo na kailangang puntahan pa rito?"

"Ah... Para rin po kasi sa privacy. Alam niyo na po minsan may mga hindi inaasahang pangyayari. Nag iinggat lang po talaga kami, Mang Pards." I said.

"Sabagay," patango tangong pagsang ayon pa ng matanda. "Maigi na rin ang nag iingat,"

"Sige po, Mang Pards. Ipapasa ko po muna ito. Salamat po," sabi ko bago tuluyan ng pumasok.

Nakakailang hakbang palang ako nang marinig kong may tumawag sa akin galing sa kung saan.

"Inzzy!!"

Checkmate, Mr. Great!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu