Chapter 18

23 2 13
                                    

Ysmael's POV

Tumingin muna ako sa salamin at huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng banyo.

It took me time to process what I'm thinking, pero di ko pa rin siya matanggal sa isip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Maxene.

Sa bawat araw na dumadating saakin, ang una kong iniisip ay magtrabaho para sa mga kaso na hinaharap ng mga defendant ko. Pero nung dumating na si Maxene sa buhay ko, biglang bumaliktad ang mundo ko.

Mula nung nakita ko siya na naghahanap ng trabaho bilang journalist, ngumingiti na lang ako ng biglaan kahit wala naman akong dahilan para ngumiti.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga naisip ko at uminom na lang ako.

Bumalik na ulit yung Monday, at ganun pa rin si Maxene saakin kada trabaho.

She just gives me reports of the story she's written. She just gives me a straight face and she acts professional whenever she's with me.

Pero when it comes to Yumi na katrabaho niya, nakakausap niya ng maayos.

"Hi Maxene!" Pagpasok bigla ni Ymir at umupo sa tabi ni Maxene.

"Ymir! Napadaan ka?" Tanong niya.

"Masama ba na dumaan ako dito?" Tanong ni Ymir pabalik.

"Hoy! Hindi ah! Bakit? Namiss mo ba ako?" Tanong niya.

"Charot!"

"Hehe... palabiro ka talaga ano Maxene?"

"Oh! Tama na muna yan! Baka magpalit na kayo ng mukha neto!" Sambit ni Yumi na ikinatuwa nilang tatlo.

Tinignan ko muna yung report na binigay ni Maxene saakin, pero talagang nawawalan ako ng gana magtrabaho ngayon.

Di naman ako ganyan noon, pero bakit bigla na lang ako nawawalan ng gana sa trabaho ko?

Is it really because of Maxene?

Tama na muna Ysmael! Masyado ka nanaman stressed dahil nalaman mo na nagsasama sila ni Ymir.

Pero speaking of Ymir, kumusta na kaya siya? Galit pa ba siya saakin dahil sa ginawa kong pagtanggol ko kay Jasper?

"Good morning po!" Pagpasok ng mga estudyante sa office ko.

"Hi! Kayo ba yung mga students ng CTEU?" Tanong ni Yumi sakanila.

"Kami nga po." Sagot ng isang babae.

"Pasok kayo." Utos ko sakanila bago sila pumasok at sumunod.

"Good morning po Attorney." Bati nila.

"Good morning. Maari ko bang malaman kung ano ang mga pangalan ninyo?" Tanong ko.

"Nyx po."

"Victoria."

"Lily po Attorney Dela Paz."

"Louise po sir."

"Meraki, sir."

"I'm Dalia."

"The name's Damon."

Nung nagpakilala na ang mga estudyante, iniisa isa ko yung paglista ng mga pangalan nila.

"Before I ask you guys anything else, may kilala ba kayong Luscious Agreste?" Tanong ko.

"Opo. Kaklase po namin siya." Sagot ni Victoria.

"May you please tell us every detail kung ano yung nangyari at naisip niyong ireklamo yung CTEU?" Tanong ko.

"Sir, ilang buwan na po namin hinihingi yung transcript of records namin sa CTEU, pero eto pa rin kami. Naghihintay pa rin sa wala." Sambit ni Nyx.

"Opo Attorney, ilang beses na po kami pabalik balik para ihingi yung TOR namin, pero ang laging dahilan nila ay wala pa silang available na records kahit may mga grades na po kami na recorded sa mismong website ng school." Pagpaliwanag ni Meraki.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 17, 2022 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Accidentally In LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora