Chapter 9

39 1 10
                                    

Ysmael's POV

Days past by, napapaisip pa rin ako kung bakit nila kakasuhan si Nurse Christine as murder.

That's why kailangan kong puntahan si Chrisel Tagubadir before the trial starts.

Nandito na ako sa ospital kung saan naghihintay si Rico Tagubadir at agad agad ako pumasok sa kwarto niya.

"Attorney!"

"Hi Rico. Para sayo oh." Pag abot ko ng mga prutas sakanya.

"Thank you po Attorney!" Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Anak!" Pagpasok ni Chrisel at nagulat nang makita ako.

"Hi Mommy! Siya nga pala! Si Attorney Ysmael Dela Paz!" Pagpakilala niya saakin.

"Attorney..."

"Nice meeting you po. Ma'am Chrisel." Sambit ko na ikina-ngiti niya ng onti.

"May I have a word?" Tanong ko bago kami lumabas.

Lumabas na kami ni Chrisel at tahimik lang siya nung lumabas kami.

"Wag kang mag alala. Andidito ako para tulungan si Nurse Christine." Pagpaalala ko na ikinabuntong hininga niya.

"Attorney Dela Paz... nagmamakaawa po ako na tulungan mo siya para makalaya siya sa kulungan niya." Sambit niya.

"I'll do everything I can Chrisel." Sagot ko.

"Pero bago ko gawin yan, kailangan ko ang tulong mo."

"Tulong ko? Paano po?" Tanong niya na nagtataka.

"The prosecution decided to reindict Nurse Christine for murder, not professional negligence." Sambit ko na ikinalaki ng mata niya.

"Murder?! Eh hindi naman niya magagawa yan!" Sigaw niya sa sobrang kaba.

"Mukhang nalaman agad ng prosecution yung relasyon nila ni Mr. Bolotano. Tsaka yung relasyon niyo din ni Mr. Bolotano. At para matulungan ko siya, kailangan kong malaman nung nangyari sainyo ni Nurse Christine." Sambit ko bago siya yumuko.

It really is triggering her when it comes to this problem.

"Alam kong mahirap dahil maybe there's some point na ayaw mo siyang maalala, but please tell me."

Napansin ko agad yung mga luha na tumutulo sa mata niya at umiling na lang siya.

"Wala akong masasabi sayo Attorney. Sorry."

Well, looks like it did trigger her trauma. And it's a really sensitive topic to her.

"Ayos lang po. You don't need to tell me if you don't have the courage. At ako dapat ang magso-sorry sayo. Mauuna na ako." Sambit ko bago tumayo at tumalikod.

"Attorney Dela Paz." Pagtawag niya saakin na ikinalingon ko.

"Baka ginawa yan ni Nurse Christine dahil nagui-guilty siya sa nangyari saakin." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Nagui-guilty?"

"Opo." Sagot niya habang hinahayaan ko siya na ilabas lahat ng nararamdaman niya.

"Sige lang po, iiyak niyo lang yan kung gusto mo." Sambit ko which gave her a signal to burst her tears.

"Kasi kung nagui-guilty siya dahil saakin, parang ako pa ang may kasalanan kung bakit yan nangyari kay Christine. Parang pinaparating niya na papatay siya ng tao para saakin." Mangiyak iyak na sambit niya.

"Attorney, ano nang gagawin natin kung ayun talaga ang rason ni Christine?!" Tanong niya na may halong lungkot at kaba.

Maxene's POV

Isang linggo nanaman ang lumipas, hinaharap na namin yung korte kung saan kakasuhan na ng prosecution si Nurse Christine ng murder.

"As the nurse in charge of the victim, defendant Christine Olivares was initially charged with professional negligence according to Republic Act No. 1790 of Section 1. However, we have reasons to believe that the defendant had intentions to kill the victim. Thus, according to Republic Act No. 7659 of Section 6, also known as Article 248, the prosecution would like to indict her for murder." Pagpaliwanag ni Attorney Pazo.

Jusko po! Isa pang Republic Act or Article na yan, sasabog na itong utak ko!

"Defendant." Pagtawag ng judge kay Ysmael.

"Inaamin mo ba yung kaso na nagawa ni Defendant Christine Olivares?" Tanong niya bago tumayo si Ysmael.

"The defendant admits that she's partly at fault for the victim's death, pero hindi po siya sumasangayon na binalak niya talaga patayin yung biktima." Sambit ni Ysmael bago umupo.

"Very well... prosecution, you may now ask the defendant the questions." Utos ng judge bago tumayo si Nurse Christine at pumunta sa witness stand.

Jusko po! Ano kayang mangyayari pag magtatanong si Attorney Pazo?!

"Defendant, magkaparehas kayo ng school ni Chrisel Tagubadir hindi ba? Magkaibigan ba kayo?" Tanong niya kay Nurse Christine.

"Opo."

"So totoo ba na ginahasa si Chrisel Tagubadir sa biktima na si Mr. Bolotano noong high school?" Tanong niya ulit.

Talagang iniipit niya si Nurse Christine dito!

Jusko! Cobra nga itong Attorney Pazo na to!

"Defendant, you had another motive for murder. Anak ni Chrisel Tagubadir, na si Rico Tagubadir."

Wait! Am I thinking what I'm thinking?!

My mind is saying na whats happening right now is familiar.

Pero saan?

"Totoo ba na nakatanggap siya ng heart transplant at naospital sa Healthcare Hospital University?" Tanong niya habang tinataas yung tono ng boses niya.

"Defendant! Yung heart transplant na natanggap ni Rico Tagubadir at dapat sa biktima. Tama ba?"

Talagang cino-corner niya si Nurse Christine! Naiirita ako!

"Objection, your honor. Nagtatanong yung prosecution ng mga tanong na hindi relevant sa kaso na hinaharap ni Nurse Christine" Pag object ni Ysmael.

"Nagtatanong lang ako kung ano ang relasyon niya sa biktima." Pagsabat ni Attorney Pazo kay Ysmael habang tumitingin sila ng masama sa isa't isa.

"Overruled." Sambit ng judge bago umupo si Ysmael.

"Defendant. Naiintindihan namin kung ayaw mong sagutin yung mga tanong, pero pinapaalala kita na this will be a disadvantage for you." Pagpaalala ng Judge kay Nurse Christine.

"Prosecution, you may continue." Utos ng judge.

"Defendant, tinatanong kita kung yung heart transplant na tinanggap ni Rico Tagubadir na dapat sa biktima na si Mr. Bolotano." Sambit ni Attorney Pazo kay Nurse Christine.

"Padaliin natin yung tanong. Defendant, pinatay mo ba yung biktima para iligtas mo si Rico Tagubadir, dahil yung biktima ang nasa unahan ng waiting list for the heart transplant?"

Madami na ang mga nagsasalita na mga tao sa loob ng korte tungkol sa pangyayari na ito, pero eto pa rin ako.

Iniisip kung saan ko nakita itong pangyayari na ito.

Ivana Alawi as Chrisel Tagubadir


Accidentally In LoveWhere stories live. Discover now