Chapter 3

53 3 16
                                    

Ysmael's POV

Nakaupo lang ako sa upuan ko kung saan ako mag i-interview ng mga journalist na pwede kong i-hire.

Oo, naghi-hire na ako ng mga journalist na pwedeng gumawa ng mga research about cases that can be happening around the Philippines.

Since madami na rin mga cases na nangyayari ngayon, there's a possibility na mahihirapan ako na i-solve lahat.

Maya maya, may nag chat bigla saakin at binasa ko agad agad.

Ymir: Tol, ibibigay na lang ni Yumi yung resume niya for the next month. Since kinailangan niya pumunta ng ibang bansa for a research task na pinapagawa sakanya."

Isa na si Yumi Corpuz sa mga na-interview ko. And the way she answers my questions regarding about her work could be very handy. Pero kailangan ko na lang sakanya ay yung resume niya para malaman ko yung mga achievements niya.

Agad agad kong kinuha yung mga ibang papeles ko na nasa sofa at linapag ko ito sa ibabaw ng mga ibang papeles ko na nasa lamesa ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas sa office room ko para kumuha ng tubig.

Pagkalabas ko, napatingin ako sa may main entrance at napatigil ako para makita kung sino ang pumasok.

She looks familiar... at some point.

"Anong sorry sorry?!" Pagtapik niya ng kamay ko.

"Nadumihan pa tuloy uniform ko nang dahil sayo!"

That's the girl that I encountered sa sari sari store!

I didn't expect to see her again ah.

And she's looking around at nandoon lang siya nakatalikod saaakin.

Dahan dahan akong naglakad palapit sakanya at umupo nanatili lang sa pwesto ko.

"Di ko aakalain na makikita ulit kita." Sambit ko kaya napahinto siya sa pwesto niya.

Unting unti siyang lumingon sa likuran niya at napansin ko rin yung gulat niya na makita ulit ako.

"Ikaw?!"

"Bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?!"

"Di mo ba alam? This is my office." Sagot ko na ikinalaki ng mata niya.

"Now let me ask you the same question. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Namamasyal! Bakit?!" Singhal niya na ikinatuwa ko.

"Bakit ka naman namamasyal dito? Pwede ka naman pumunta ng dibisorya." Pag asar ko.

"Alam mo, mula nung nakita ko yang pagmumukha mo, lagi na lang umuusok itong tenga ko! Kahit pa naman sa pag apply bilang journalist, kinabwi-bwisitan ko pa!"

Ahhh, so she's looking for a company to apply as a journalist.

This could work.

"You're in one luck, naghahanap pa naman ako ng journalist."

"Mukhang mali po itong napuntahan ko!" Singhal niya na ikinatuwa ko.

"Trust me, you won't regret working with me." Pagpilit ko.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako na maayos kang katrabaho kung ganyan lagi yung trato mo sa mga mag a-apply sa office mong yan?!"

"Sumama ka saakin." Utos ko bago ako dumiretso sa office ko.

Maxene's POV

Kainis ha! Sira nanaman itong araw ko!

And what's worse, yang lalaking yan ang makikita ko?! Yang lawyer na akala mo kung sino?!

Hayyys!!!!! Buhay naman oh!!!

Agad agad akong sumunod sakanya at pumasok na ako sa workplace niya.

Walanjo! Ganung kadami yung mga papeles niya?!

Is this really how lawyers work pagdating sa mga kaso?!

"Umupo ka muna." Utos niya na ikinasunod ko.

"Now. Can you give me your transcript of records, diploma and your resume?" Utos niya bago ko kunin yung bag ko na laman ang mga gamit na kailangan ko. Agad agad kong kinuha yung mga hinihingi niya saakin at binigay ito sakanya.

Tumingin muna siya sa resume ko at ngumiti lang ito habang binabasa niya ito.

Ngiti ngiti ka pang mokong ka! Ako'y nanggigigil na talaga!

"Now... I want to ask you some questions which is already your interview with me." Sambit niya na ikinatango ko.

"Ano yung hobbies mo?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Anak ng... parte ba to ng interview ha?!" Singhal ko sakanya.

"Yes, it's part of your interview miss Maxene Liwanag. Now please answer the questions." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko.

"Manood ng K Drama at magsulat."

"Top 3 K Drama series?"

"Wok Of Love, Confession at Vincenzo."

"Favorite Korean Star?"

"Lee Junho."

"Favorite K-Pop group?"

"2PM."

"Bias?"

"Lee Junho pa rin."

"Okay... good answers." Nakangiting sambit niya.

Ano bang klaseng interview to?! Namemersonal na tong mokong na to eh!

Anong connection doon sa pag apply ko as a journalist?! I expected too much for a lawyer like him! Langya lang talaga!

"Okay... you're hired." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

Wait! Hired agad ako?! Eh hindi naman siya nagtanong about sa pagiging journalist ko eh!

"You can start working by next week. And I'm hoping to see you at work miss Maxene Liwanag." Sambit niya na ikinairap ko.

Agad agad akong lumabas sa office niya at napasapo ako ng wala sa oras.

Anong klaseng interview yan?! Asking unnecessary questions about myself tsaka ako ihi-hire ng biglaan?!

Well, I'm glad na hired ako. Pero this?!

OH MY GOD ATTORNEY DELA PAZ! ANONG KLASENG LAWYER KA?!

"Bwisit naman oh!" Singhal ko bago lumabas sa DP Office ni bwisit sa buhay ko.

Ilang oras na ang lumipas at nakahiga lang ako sa kama ko na naiinis pa rin hanggang ngayon.

"Girl!!" Sulpot bigla ni Kimberly at umupo sa tabi ko.

"How's the interview? May work ka na ba? Are you hired?"

"Don't... ask me that question Kimberly!" Inis na sambit ko.

"Hala! Anong nangyari Maxene?! Hindi ka ba tinanggap sa work na yan?! Hindi ka ba---"

"PWEDE BA?! WAG MO NGA AKONG TANUNGIN TUNGKOL DIYAN! BWISIT KASI YANG DP OFFICE NA YAN EH!" Singhal ko bago umirap.

"What happened ba? You can tell me anything Maxene. Alam mo naman na rant buddy mo ako." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko.

"Yung DP Office na yan... doon ko nakita si Attorney Dela Paz." Pagkwento ko na ikinalaki ng mata niya.

"Ay weh?! Andoon pala si Ysmael Dela Paz?!" Tanong niya.

"Teka! Teka! Teka! DP is Dela Paz?! So does this mean...?!" Pag realize ko bago ako tumingin ng masama kay Kimberly.

"Kimberly?! Sinadya mo ba talaga na magkita kami ng Attorney na yan?!" Tanong ko na naiinis.

Halata ka na Kimberly! Halatang pinagtritripan mo ako ngayon!

"Uhmmm... no?" Pagsinungaling niya kaya napasapo ako.

"Ang panget mong magsinungalung Kimberly, promise."

Accidentally In LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant