Chapter 8.5

35 2 10
                                    

Maxene's POV

Kinabukasan, andito na ako ngayon na nagsusulat ng news about sa kaso na hinaharap ni Nurse Christine.

Eto, puyat after a week. Isang linggo lang yan ha! Pero etong katawan ko, gusto nang bumigay!

"Girl... ang harsh mo ngayon. Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ni Kimberly saakin.

"Mukha ba akong nakatulog ng maayos sa hitsura kong yan?! Diba hindi?!" Pagbara ko kay Kimberly.

"Hindi ka nga nakatulog." Natatawang sambit niya.

"Pero regarding sa case na hinaharap ni Nurse Christine... may napansin ako."

"Ano nanaman yan?! Make sure na may sense yan ha!" Sambit ko.

Magsasalita na sana si Kimberly nang dumating bigla yung mokong na attorney na yan.

"Good morning Attorney!" Bati ni Kimberly.

"Good morning Kimberly." Bati ng mokong bago umupo sa upuan niya.

"Kumusta ba yung pagpunta mo sa Holy Trinity Girls' School?" Tanong niya.

"As usual. The principal denies na may ginahasa si Mr. Bolotano sa mga estudyante niya. But it's no hindrance, since everything makes sense now." Sambit ni Ysmael na ikinakunot ng noo ko.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Kimberly, remember when you told me na may matalik na kaibigan si Nurse Christine?" Tanong ni Ysmael.

"Yes po. Why?"

"Everything makes sense now. Nurse Christine really did overdose the patient. Since noong 2008, may kaibigan siya na nagahasa dahil kay Mr. Bolotano." Pagpaliwanag niya.

"Kahit kailan talaga no?! Mga tao talaga sa mundo mga demonyo!" Inis na sambit ko.

"Grabe ka naman sa demonyo ha! May mga mababait pa naman dito!" Natatawang sambit ni Kimberly.

"Ano nga bang pangalan ng kaibigan ni Nurse Christine?" Tanong ko.

"Chrisel Tagubadir. Siya ang nanay ni Rico Tagubadir na galing lang sa operasyon." Sambit ni Ysmael na ikinalaki ng mata ko.

"Wait! Yung kausap ni Nurse Amy na bata na may kasamang babae na nag aalaga sakanya?!" Tanong ko na ikinatango niya.

"Oo. Siya si Chrisel Tagubadir, nanay ni Rico Tagubadir." Sagot ni Ysmael bago tumayo at pumunta sa whiteboard.

"So basically, Nurse Christine overdosed Mr. Bolotano to avenge her friend which is si Chrisel Tagubadir, who had a son named Rico Tagubadir. Pinanganak si Rico noong 2008 kung kailan grumaduate si Chrisel Tagubadir." Pagpaliwanag niya habang nagsusulat sa whiteboard.

"Wait! So does this mean...?!" Tanong ni Kimberly having the same thoughts as mine.

"Tama. Tatay ni Nico si Mr. Bolotano." Sagot niya.

"Kahit kailan talaga! Hayop yang Bolotano na yan! Akala mo ba ikinatutuwa ko yung mga kalokohan niya?! Menor de edad! Ginahasa niya ng ganyan ganyan lang!" Inis na sambit ko.

"Wait. I have my thoughts right now. Actually, it's more of a theory." Sambit ni Ysmael bago kami nakinig.

"Kung binalak talaga ni Nurse Christine na patayin si Mr. Bolotano, there are two reasons why. One is to avenge Chrisel, or two, she did that to save Rico. Since parehas nila kailangan ng operation."

Wait! Oo nga no?! Bakit hindi ko yan naisip?!

"So does this mean una dapat magkaka heart transplant si Mr. Bolotano?! Tas susunod si Rico?! Edi ayan ba ang rason kung bakit pinatay ni Nurse Christine si Mr. Bolotano?!" Tanong ko.

"Jusko! Sana naman hindi yan totoo! I mean, sure, si Rico nakuha ng surgery dahil namatay si Mr. Bolotano. Pero kung ganun, edi hindi magma-make sense ang timing. Or maybe it's a coincidence." Sambit ko bago kami tumahimik ni Kimberly at Ysmael.

"Sige. Mauuna na ako. Kailangan kong puntahan si Nurse Christine." Sambit ni Ysmael bago tumayo at umalis.

"Well, he's off. Again." Sambit ni Kimberly.

Hayys! Tahimik na buhay ko ulet!

Ysmael's POV

Dumiretso na ako sa kulungan kung saan kami makikipag meet ni Nurse Christine.

Agad agad na ako pumunta sa waiting area kung saan naghihintay na si Nurse Christine at doon na kami nakipag usap.

"Nurse Christine... I know you might get mad at me for this... pero isn't it strange na you told me na hindi mo sinadya ang pag overdose mo kina Mr. Bolotano?" Tanong ko.

"So pinaparating mo na pinatay ko talaga yung pasyente ko?!" Tanong niya na may halong galit.

"Ganyan ba talaga ang mga attorney?! Nagbibintang talaga sila ng mga kasalanan na hindi ko ginawa?! Alam mo, kung wala ka nang sasabihin, umalis ka na dito!" Sigaw niya bago tumayo at tumalikod.

"Diba gusto mong makipaghiganti para kay Chrisel Tagubadir?" Tanong ko na ikinatigil niya.

Dahan dahan siyang lumingon saakin at nagulat sa narinig ko.

"Huh?"

"Diba ginawa mo yan para paghigantihan si Chrisel? At para mailigtas mo si Rico?" Tanong ko.

Pero hindi siya sumagot at umupo na lang siya sa harapan ko.

"Nurse Christine... anak ni Rico si Mr. Bolotano hindi ba?" Tanong ko. Pero wala pa rin siyang sinasagot.

"So alam mo." Tanong ko bago siya tumango.

"Nurse Christine... gusto mo ba talagang makulong ng habang buhay para lang sa kaibigan mo?" Tanong ko na ikinabuntong hininga niya.

"Tinanong mo kung bakit hindi ako makikipag settle diba?" Tanong niya na ikinatango ko.

"Kasi... ayokong balikan yung nakaraan ko na sumira sa buhay ko." Sambit niya bago ako nakinig.

Kinabukasan naghahanap ako ng mga evidences sa kaso na hinaharap ni Nurse Christine at nag isip kung ano talaga ang pwedeng mangyari.

"Hello?" Pagsagot ni Maxene sa tawag.

"O sige po." Dagdag niya bago mag end call.

"Ysmael, yung korte ang tumawag." Sambit ni Maxene.

"Bakit sila tumawag?" Tanong ko.

"Nagre request ng hearing yung prosecution sa kaso ni Christine Olivares." Sagot niya.

Well, didn't expect this to happen.

"May nagbago ba sa kaso niya?" Tanong ko.

"Oo. Hindi na siya kakasuhan for professional negligence. Kakasuhan siya ng murder."

Murder... seriously?

Accidentally In LoveWhere stories live. Discover now