Chapter 16

26 0 0
                                    

Ysmael's POV

A week past by after the case of Jasper Tuscano, napapatingin na lang ako sa mga papeles ko tungkol sa iba't ibang kaso na nangyayari dito sa Pilipinas.

Nalaman ko lang recently that somewhere in Marikina, may estudyante nanaman na nakidnap and investigations are still ongoing.

"Tandaan mo to Ysmael, with only a few words, you set a murderer free."

Naiintindihan ko naman yung galit ni Ymir saakin dahil isa siya sa mga nag imbestiga sa pagkamatay ni Amanda Joaquin, but if I'm the one who's on the wrong, I will take full responsibility of what I did and learn to do better next time.

But I have to face the consequences of my actions.

"Attorney Ysmael, eto na po yung mga nagawa kong news. Just let me know if this is interesting for you." Sambit ni Yumi bago ako tumingin sa sinulat niyang balita.

Tinignan ko muna ng maigi yung mga sinulat ni Yumi and what made me interested in it is the awareness of two faced people who can possibly be kidnappers or killers.

As I read the news, agad agad naman akong tumango at tumingin kay Yumi.

"You may now post it in the internet." Utos ko bago siya tumango at pumunta sa computer niya.

"Here's the news I've written." Sambit ni Maxene bago iabot yung report saakin at bumalik sa upuan niya.

Tinignan ko muna yung gawa niya and I'm really impressed that she's improving day by day while working here.

Binaba ko muna yung gawa niyang balita at tumingin na lang sakanya ng palihim.

While she's working, eto nanaman ako, tumitingin sakanya ng wala sa oras.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na lang ako at umalis sa opisina ko.

Naglakad ako palabas para kumuha ng fresh air at umupo na lang sa isang bench para mag isip lang.

Maxene's POV

Nang nakalabas na si Ysmael, nag binge watch muna ako ng Confession at pinanood ko muna yung first episode.

While watching, unting unti nanaman akong may naaalala.

"The defendant admits to all crimes and the wrongdoings he committed. Also, he committed the crime under the influence of alcohol which is according to Republic Act No. 10568. So I am requesting leniency on the defendant." Sambit ni Ysmael bago umupo.

"Your honor! Hindi ko po siya pinatay!" Sagot bigla ni Jasper.

"Hindi ko po siya pinatay! Hindi ko siya pinatay!"

As the episode progresses, bumabalik nanaman yung mga alaala ko sa korte.

"Your honor. Inaamin ng defendant na nagnakaw siya, pero hindi niya pinatay si Amanda Joaquin. Nakita lang ng defendant yung wallet ng biktima malapit sa crime scene. Kumuha lang siya ng iilang piso sa wallet ng biktima. Hindi niya rin po nakita yung mga ibang detalye at pinagtripan niya pa yung mga pulis. Pero pinagsisisihan niya po yung mga nagawa niya. Sambit ni Ysmael.

"All of this is completely unrelated, to the indictment issued by the prosecution. They also have not substantiated the allegations against the defendant in regards of this murder case. Therefore, sigurado na po talaga ako na hindi guilty yung defendant."

And is this why nagagalit si Ymir kay Ysmael dahil na claim na hindi guilty si Jasper?

"Lahat ng makakaya mo?! Masasabi mo ba na ginawa mo lahat ng makakaya mo sa harapan ng pamilya ng biktima?! Iniisip mo ba yung mga pamilya na lumuluksa sa pagkamatay ng anak nila?! Do you call this justice Ysmael?!"

"AISHH!!! ERASE!!! ERASE!!! ERASE!!!" Sigaw ko kasabay ng pagbitaw ko sa phone ko at yumuko.

Hindi ko na alam itong nararamdaman ko! Nakaka stress sa totoo lang!

"Anyare sayo?" Tanong ni Yumi na nagtataka.

Pero hindi pa rin ako umiimik.

"Maxene! Okay ka lang?" Tanong niya ulit bago ko iangat yung ulo ko.

"Bakit ka ba napasigaw?"

"Sorry Yumi. It's something personal." Pagpalusot ko.

Pero binigyan niya ako ng seryosong tingin at umupo sa tabi ko.

"Bakit?"

"You're stressed with something Maxene. Nahahalata kita." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko.

"Oo Yumi, there's something stressing me out." Sagot ko.

"Etong pinapanood mo, may naaalala ka." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"Sino ba yun?"

"Si... Ymir." Sagot ko.

"Oh. Anong meron sa kapatid ko?" Tanong niya saakin.

"You might know na nag away sila ni Ysmael dahil sa results ng korte tungkol kay Jasper diba?"

"Maxene, hayaan mo na lang muna sila sa pinag aawayan nila, kasi if there are times you need to jump into the middle of their fights, lalo ka lang magiging stressed." Pagpaliwanag ni Yumi.

"Tsaka, do you see something that you watch happen sakanilang dalawa?" Tanong niya na ikinabuntong hininga ko.

"Oo. Kaya na stress ako." Sagot ko na ikinabuntong hininga niya.

"Ganito. If there are times na naiipit ka sa sitwasyon, try to calm yourself and try to choose kung saan ka magiging komportable." Pagpayo niya.

"Sa buhay kasi, you have to make a choice kahit naghihirapan ka nang pumili. Maiipit at maiipit ka talaga sa sitwasyon, kaya it's up to you kung ano ang gusto mong gawin."

Sa sinabi niya bigla ko na lang naisip kung anong kailangan kong gawin, pero hindi ko muna sasabihin kay Yumi dahil baka kung ano pa ang isipin niya saakin.

Nang nakauwi na ako sa bahay ko, napahiga na lang ako sa kama ko at chineck ko muna yung phone ko at nag isip na lang kung paano ko hindi isipin si Ysmael ng ganito.

Ever since kasi na dumating siya sa buhay ko, di ko alam kung bakit halos parehas sa kaso na dine-defend ni Choi Dohyun yung mga hinaharap ni Ysmael. I just want to work for my future and my family as well, pero bakit?! Bakit ganun yung dumadating saakin pag si Ysmael at Dohyun naiisip ko?!

Maya maya pa, napatingin ako sa friend request ko at nagulat ako nung inadd ako ni Ymir.

Auto accept! Easy!

Ymir: Nakapag pahinga ka na?

Agad agad ko na lang siya rineplyan at nag chat na lang kami.

Maxene: Yep! Ikaw? Natanggal naman stress mo?

Ymir: Andoon pa rin, pero kumalma naman ako kahit papano.

Maxene: Ahh! Goods yan Ymir!

Ymir: Siya nga pala, gusto mo bang sumama saakin sa Sabado? My treat! Don't worry! 😉

Are you for real Ymir?!

Accidentally In LoveWhere stories live. Discover now