Chapter 44: Listen

Start from the beginning
                                    

"Hay, wag mo na nga yan isipin pa Shar. Hindi mo dapat prinoproblema ang paghihirap ng iba."

"Kaibigan ko rin naman si Mika."

"Naiintindihan kita, penge pa nga." Sabay abot sa akin ng paper plate niya. Natawa ako dahil kahit na ganito naaangat pa niya ang damdamin ko.

"Ang takaw mo ha!" Inabot ko ito mula sa kanya at sinalinan pa ng laman. "Ito oh." Tinanggap niya ito at saka sumbo agad. Natawa ako sa kanyang mukha na tila gutom na gutom.

"Hindi ko alam na lalake pala si Sharon."

Umapaw ang kaba sa dibdib ko nang makita si Jairus na naka pamulsa at galit na galit na palipat-lipat ang mata sa aming dalaw ni Joaquin.

"Jai—"

"Hindi ko alam kung anong pakulo mo Joaquin pero hinding-hindi kita mapapatawad." Mabilis na nasuntok ni Jairus si Joaquin. Tumilapon ang spaghetti'ng hawak ni Joaquin. Automatikong natumba si Joaquin habang pinupud-pud siya ng suntok ni Jairus sa mukha.

"Jairus!"

Naghalong takot at kaba ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko si Jairus. Puno ng pagkasuklam ang bawat suntok niya at alam ko na ako ang dahilan.          

"Jairus tama na!" Hinawakan ko ang braso ni Jairus para mapigilan siya sa kanyang panununtok ngunit sadyang malakas siya at na tilapon lang ako sa kanyang pagmamatigas. Sa bawat suntok ni Jairus sa kanya alam kong masakit ngunit hindi lumalaban si Joaquin. "Jairus parang awa mo na! Tama na!"

Patuloy ang panununtok ni Jairus kay Joaquin na parang punching bag lang. Hindi ko na siya kilala.

"Hayop kang gago ka! Gagamitin mo pa ang asawa ko! Mag nanakaw ka lang ng pera!" Rinig kong sigaw ni Jairus habang patuloy niyang binubog-bog si Joaquin.

"Jairus parang awa mo na! Tama na Jai! Tama na!"

Naiwan sa ere ang kamao niyang sana'y e susuntok pa niya kay Joaquin, nag pipigil niyang binaba ang kamao niya. Mabilis akong naalerto at pinuntahan si Joaquin ngunit hinablot ako ni Jairus bago pa man ako makalapit sa kanya.

"Joaquin!" Tanging sigaw ko habang tinitignan si Joaquin na nasa lupa pa at hindi na ma itsura ang mukha. Natakot ako na baka patay na siya ngunit narinig ko ang kanyang mahinang pag usal na dulot ng sakit.

"Napaka sinungaling mong babae ka!" Hinatak ako ni Jairus patungong kanyang sasakyan. Gusto kong puntahan si Joaquin dahil nakikita kong nasa lupa pa siya at nakakubol lang na iniinda ang sakit. "Gusto mo talagang ginagago ako!"

"Jairus nagkakamali ka!"

Sapilitan akong pinasakay ni Jairus sa unahang sasakyan habang nagmamadali siyang sumakay sa driver's seat at mabilis itong pinaandar. Nakuha kong silipin sa bintana si Joaquin, hindi pa siya tumatayo mula sa pambubugbog ni Jairus. Nangilid ang luha ko sa takot hindi lang para kay Joaquin, kundi sa aking nasaksihan kay Jairus.

"Jairus wala kaming ginagawang masama ni Joaquin, wala!" Lakas loob kong pagsasalita.

"Niloloko mo ba ako?! Pano ako maniniwala sa'yo? Eh napaka sinungaling mo!"

"Hindi mo naiintindihan Jairus!"

Sa bilis ng pagmamaneho ni Jairus ay nakarating kami agad sa bahay. Lumabas si Jairus ng sasakyan nang makarating kami. Marahas niya akong hinablot at kinaladkad papunta sa loob.

"Nasasaktan ako Jai!" Pabagsak niyang tinanggal ang pagkakapit sa braso ko at galit na tinignan ako.

"Hindi ako makapaniwala na ganito kang babae Sharlene!"

You're Mine (Jailene)Where stories live. Discover now