Limang minuto na ang lumipas. Mukhang tapos ng maligo si Arman dahil hindi ko na naririnig ang tunog ng shower. Kinuha ko ang box ng heels ko.


Umupo ako sa kama ni Arman dahil mas malapit ang vanity mirror sa kama niya. Sa kabilang side pa kasi ang kama ko eh. Doon ko isinuot ang heels kong kulay puti. Nang masuot ko na ang pareho ay sakto naman ang pagbukas ng pinto ng Banyo. Iniluwa ng banyo na iyon si Arman——— half naked ito! Tanging pantalon lamang ang suot at doon ko nakita ng malapitan ang walong pandesal niya na galit na galit. Wth? Anong kinakain ng tao na ito at ganito kaganda ang katawan niya?




"Ano ba Arman! Pwede ka naman mag excuse me diba? Hindi naman pwedeng ibalandra mo palagi yung abs mo sa harap ko! Minsan naman sabihan mo ako!" sabi ko dito tsaka ako kunyaring tumalikod dahil kunyaring nababastos dahil sa nakikita ko.



"Wow?? Ikaw na nga may free view ng abs ko, ikaw pa galit! Tsaka wag ka mag-alala, hindi ako nagsayang ng semilya sa loob! Lumabas lang ako kasi nakalimutan ko yung isang damit ko." sabi nito sabay lapit sa bag niya na nasa likuran ko lang.

Nakailang lunok ako ng laway dahil na-aawkward ako. Ang tagal niyang kunin yung top na hinahanap niya sa bag na nasa likuran ko. Gumagalaw tuloy ang kama dahil parang nasa kasuluk-sulukang bahagi ng bag niya yung hinahanap niya. Hays. Ayoko namang lumipat ng upuan dahil baka anong isipin niya. Ang lamig lamig sa room namin pero bakit parang pinagpapawisan ang kili-kili ko. Juskooo naman.

Pumikit ako at nag-isip ng gagawin.


Gia!! Mag-isip ka! Wag kang gaga.


"Arman! Anong oras na ! Ano? Extend pa one hour??" mataray na sabi ko dito habang inaayos ang heels ko.




"Mauna ka na kaya? Parang mas excited ka pa sa ikakasal!" sagot nito bago muling pumasok sa banyo. Inis kong sinundan ng tingin si Arman bago nawala sa paningin ko. Doon lang ako nakahinga ng maayos..














Nauna na akong bumaba pero hindi muna ako dumiretso sa venue ng kasal. Naglakad-lakad muna ako sa likurang bahagi ng hotel kung saan ako nakakita kanina ng tila flower garden. Sa dami ng iba't-ibang klase ng bulaklak ay tila pinamumugaran na rin ito ng mga paru-paro. Kinuha ko ang phone ko para picturan iyon. Napangiti ako ng may dumapong butterfly sa kamay ko. Nakuhaan ko ito ng picture. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko tsaka ako nakakita ng mga batang naglalaro sa playground. Napangiti ako. Ang sarap sarap bumalik sa pagiging bata. Yung wala kang problema. Yung gandang-ganda ka sa lahat ng bagay. Yung iiyak ka lang kasi nagkasugat ka or dahil di napagbigyan ang gusto mo na kumain ng Chicken Joy or Ice cream. Nakakamiss maging bata.












Napalingon ako sa likuran ng marinig ko ang boses ni Arman na tila nag sa-sound check na sa venue. Aba! Nakababa na pala ito. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dahil ang venue ay katabi lamang ng garden kung nasaan ako ay minabuti ko na lamang pumunta na doon. Isang malaking garden ang venue. Napakaganda ng decorations at masasabi mong pinagkagastusan talaga ng millions. Bago ako makapasok sa pinaka venue ay binanggit ko muna ang pangalan ko sa nag checheck ng guest list.




"Gia Guevarra.." nakangiting sabi ko sa babaeng staff. Saglit lang niyang hinanap ang pangalan ko. Kuno't noo itong napatingin sa akin. Hala. Wag niyang sabihin na wala talaga ang name ko sa listahan?? Pucha. Nasaan na ba si Arman.




"Ikaw po ba si Miss Gia? Yung kasama po ni Sir Arman?" tanong ng babae sa akin. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nakangiti akong napatango.





"Hindi po kasi Gia Guevarra ang nasa list. Gia Herrera po. Pero naibilin na po kayo ng asawa niyo kanina. Doon daw po kayo maupo sa left side!" Teka? Anong Asawa? Herrera? Kailan ako naging Herrera?? Nagtataka at naguguluhan man ay naglakad na ako papasok sa loob dahil may mga ilang bisita pa ang nakapila sa likuran ko.


















WANDA For YouOn viuen les histories. Descobreix ara