Wakas

62 3 0
                                    

Wakas.

"Daddy, are you sure that Mommy won't be mad if we follow her?" Tanong sa akin ni Elovie habang inaasikaso ko ang ticket namin palabas ng bansa.

"Mommy will get mad, Daddy," sabi naman ni Elijah sa gilid ko.

Umuwi siya ng Canada at iniwan sa akin ang mga bata. Sabi niya aasikasuhin niya lang ang iiwang negosyo roon at ipapadala rito sa Pilipinas ang mga naiwan nilang gamit saka siya babalik dito. But I don't want to just wait here while she's away. Ilang taon siyang nawala sa akin at hindi ko na kayang madagdagan pa iyon kahit pa araw lang siyang malalayo sa amin.

"Sa akin lang naman siya magagalit. Hindi sa inyo," natatawang sagot ko. "You don't have to worry about it."

"Basta, Daddy, wala kaming alam diyan, ha?" Sabi sa akin ni Elovie.

Natatawa kong binalingan ang anak at tinanguan. Natatakot sila sa kaniyang ina, kahit naman din ako. Ellyse is our boss. Siya ang batas sa aming apat kaya wala kaming magawa kundi sundin siya pero ngayon, gusto ko talagang sumunod. I just want to be around her gaya ng dati.

"Kapag nagalit talaga si Mommy..." Pananakot pa ni Elovie sa akin.

Hinawi niya ang kaniyang buhok bago bumalik sa panonood sa aking cellphone. Hindi ko maiwasang makita sa kaniya si Ellyse. She looks like her Mom. Walang nakuha sa akin bukod sa kaniyang mga mata.

I still remember the first time I saw Ellyse. It was on my colleague's cellphone. Tambay ako sa club nina Ricky pero wala ako sa mood na magclub no'ng gabing tumambay sila roon.

"Dude, there's a new waitress on Ricky's."

I wasn't attentive on them. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng sinend na file sa akin ni Papa para sa kompanya na pwede kong pag-invest-an.

I hate working. Honestly, I don't see myself working kaya inuubos ko ang oras ko sa pag-iinvest. May humahawak naman sa negosyo namin kaya hindi rin ako pinepressure nina Papa. Matanda na raw ako at alam ko na ang ginagawa ko.

"Woah! She's beautiful. Ilang taon na 'yan?" Tanong ni Rainier.

Doon lang ako bumaling. Mapili siya sa mga babae kaya nang marinig iyon sa kaniya, pakiramdam ko magandang babae nga ang tinutukoy ni Martin.

Pasimple kong tiningnan ang cellphone niya. He gave it to me when he noticed my gaze on it. Ayaw kong kuhanin dahil baka malaman niyang curious ako sa sinasabi niya pero hindi ko napigilan ang sarili kong kuhanin iyon.

Para akong bumalik sa pagiging highschool nang tingnan ko ang babae sa larawan. The girl is in a usual club uniform. Maikli ang suot niyang skirt at cropped na button down. Her belly button is showing that made her sexier. Mahaba ang buhok niya na bahagyang naka-kulot. She was smiling sensually on her customer. Litrato lang iyon pero alam kong mas maganda siya sa personal.

"You know that it's rude to take pictures of someone without their consent," malamig kong sabi.

Hindi ko gusto ang ideya na kinuhanan ng litrato ni Martin ang babaeng iyon. Siguro dahil kilala ko rin ang kaibigan ko bilang matinik sa babae.

"Woah! Chill, Vincent. I just mesmerized by her beauty," sagot niya.

Binalik ko sa kaniya ang cellphone niya saka pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko alam ang sumanib sa akin. Dapat ay inaaral ko ang inutos ni Papa pero kinabukasan, natagpuan ko ang sarili ko sa Ricky's kasama ang mga kaibigan ko.

I immediately saw her fixing her tray when she saw us. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok na sumasabay sa galaw niya sa bawat hakbang niya. I noticed her glanced on me, too, that's why I'm a bit proud of myself. Nagpanggap akong busy sa cellphone pero wala talaga akong ginagawa. Kunwari ko lang iyong pinipindot-pindot. Ramdam ko ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko hindi ako ang nasa katawan ko dahil kinakabahan ako sa titig niya.

You Broke Me First (Pontevedra Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon