Kabanata 19

32 3 0
                                    

Home.

"Oh? Bakit badtrip ka na naman?" Tanong ni Asher nang makita akong nakabusangot na inilapag ang tray sa counter.

Pinanood ko kung paano niyang paghalu-haluin ang tatlong inumin na talagang nakakapagpabilib sa akin. Kahit kay Zion ay mangha ako tuwing ginagawa iyon noon. Nakasalumbaba ako nanonood sa kaniya. Nawalan ako ng gana na daluhan ang mga customer dito. Mas agresibo pa sila kapag hinihindian. Hindi pa makaintindi ng hindi!

"Ilang beses ko na kasing sinabing hindi ako entertainer!" Singhal ko sa kaniya. "Nagpupumilit pa rin. I mean, oo mukha akong malandi pero isang lalaki lang ang nilandi ko buong buhay ko!" Giit ko.

Napatigil siya sa paghahalo ng inumin. Bumaling siya sa akin at bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Napairap tuloy ako dahil tumigil siya sa paghahalong ginagawa.

"Sino? Sabihin natin kay Ma'am Ricky," sabi niya. "Baka mamaya mapano ka na naman niyan, Ellyse."

Umirap ako at umiling. "Hindi na. Nagkagulo na nga no'ng nakaraan dahil sa akin. Uulitin mo pa."

Natawa siya sa sinabi ko kaya napangiti na lang ako. No'ng nakaraan ay may pinaban si Tita Ricky sa loob ng club. Pinagpipilitan kasi akong isama sa kaniya kahit na malinaw kong sinabi na hindi ako kasama sa mga entertainer pero pinipilit ako. Nagalit si Tita Ricky roon at talagang nagkagulo rito kaya ayaw ko nang maulit pa iyon. Medyo bago pa lang ang negosyo niya rito. Oo, at nakilala agad dahil maraming kilalang tao ang dumadayo rito pero bago pa rin ito kaya ayaw ko talaga kapag nagkakagugulo.

It's been three months since we left Manila. Ayos lang naman ang buhay ko rito sa Cebu. Gaya lang din no'ng nasa Manila ako, iyon nga lang may inuuwian na kaming bahay ni Tita Ricky. It's her family's old house. Isang palapag. Tatlong kwarto. Malaki iyon kahit na isang palapag lang. Ang sabi niya, balak niya iyong pataasan kapag nakaipon siya. Sinabi kong tutulungan ko siya pero inirapan niya lang ako.

Hinawi ko ang aking mahabang buhok bago ngumiti kay Asher. Kinuha ko ang tray at nagsimula muling bumalik sa trabaho. Nakita ko pa si Sophie, katrabaho ko, na may kahalikan sa isang table kaya mahina na lang akong natawa. It was a normal view anyway.

"Good evening, Sir. May I take your order?" Bati ko habang sinusulat ang date sa maliit na notebook na dala ko.

"Ellyse..."

Huminto ang mundo ko nang marinig ang boses niya. Humigpit ang hawak ko sa dalang notebook bago siya nilingon. Nakita ko kung paanong dumaan ang pagsusumamo sa mata niya. The look from his eyes looks like he missed me a lot.

Pinilig ko ang ulo ko bago ngumiti sa kaniya at mahinang tumawa. "Vince..." Mahina akong tumawa. "It's nice to see you again."

"Pwede ba kitang ilabas?" Tanong niya sa akin.

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa tanong niya. I will lie to myself kung sasabihin kong hindi ko in-imagine ang eksenang ito... Na magpupunta rito si Vince at yayayain akong lumabas tapos, tatanggihan ko siya—pero ngayon na nasa ganito akong sitwasyon...

Bakit parang mahirap na tanggihan siya?

I missed him. I missed us. I missed our memories together.

"Hindi ko alam e," mahina at natatawang sagot ko.

"Where's Ricky? Magpapaalam ako," sabi niya.

Parang hipnotismo ang pagtayo niya dahil otomatiko kong naituro kung saan ang opisina ni Tita Ricky. Tumango siya at sinenyasan akong maunang maglakad. Hindi ko alam ang pumasok sa utak ko at talagang napasunod niya ako. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na kakalimutan ko na ang lahat pero ngayong nandito siya, para akong bumalik sa umpisa. Parang nawala ang pinaghirapan kong mga araw na pilit siyang inaalis sa isipan ko.

You Broke Me First (Pontevedra Series #3)Where stories live. Discover now