Kabanata 23

36 3 0
                                    

Red.

"Sorry..." Bulong niya sa akin.

Hindi ako gumalaw o gumawa ng kung ano mang ingay. Pinanindigan ko na natutulog na ako. I don't want him to know that I've been awake for how many hours just to wait for him to go home for me. Nakakatawa nga na mataas pa rin ang pride ko na ipakita sa kaniya na hindi ako naapektuhan kahit sobra-sobra na ang pinaparamdam niya sa akin.

Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa aking noo bago siya tumayo. Sunod kong naramdaman ang pagtayo niya. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng bathroom kaya napadilat ako.

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko habang pinapakinggan ang pagtunog ng shower sa bathroom. Tahimik akong umiiyak habang pinagmamasdan ang nakasaradong pintuan.

Ano bang mayro'n si Gabriella na wala ako?

Iniling ko ang kung ano mang naiisip ko. Tapos na ako sa panahong kinaiinggitan ang maraming tao. Natuto na akong makuntento sa kung ano mang mayro'n ako pero bakit ganito na naman ang naiisip ko ngayon?

Pinalis ko ang luha ko at bumalik sa pagpikit. Ang sabi niya kapag nanganak na si Gabriella, babalik na siya sa akin pero bakit mas lumala ngayon? Ni hindi niya na ako inuuwian. The house feel so empty without him around. Minsan kina Tita Ricky ako natutulog na hindi niya nalalaman dahil hindi naman siya halos umuuwi.

"Ikaw, Ellyse, tapatin mo nga ako..."

Nilingon ko si Tita Ricky nang bigla itong magsalita. Madiin ang tingin niya sa akin habang kunot na kunot ang kaniyang noo.

Tuwing hindi ako makatulog o mapakali sa bahay, sa kaniya ang tumatakbo. Gaya ngayon, naghanda pa siya ng maraming pagkain para sa akin. May iilang beer sa tapat namin na halos hindi ko naman masyadong sinisimsiman dahil hindi ko gusto ang amoy nito.

"May problema ka ba kay Vincent?" Tanong niya.

Mahina akong tumawa at umiling. "Wala, Tita."

"Bobo ka ba? You think I wouldn't know? Public ang pamilya nila at nasa internet ang mga ginagawa nila. I've seen his picture with a girl. He's holding a baby girl. Ano 'yon? Sino 'yon?" Tanong niyang muli.

I couldn't think properly. Ni hindi ko siya maipagtanggol dahil wala akong maisip na irarason para pagtakpan siya. I unconsciously drink the beer. Agad naman akong ngumiwi at inabot ang french fries na nasa tapat.

"Is he the father of that baby?" Tanong niya.

Marahas akong umiling. "Tita, hindi ah!"

"Oh? E bakit gano'n?" Tanong niya. "Wala naman akong pakialam sa mga ginagawa ni Vincent pero anong kagaguhan ang relasyon niyo? He's with someone while you're in his house? Tanga ka ba o ano?" Tanong niyang muli.

"Tita..." Mahinang sabi ko. Sinubo ko ang hawak na fries bago muling bumaling sa kaniya. "I didn't know what to do. I love him so much."

"At ikaw? Mahal ka ba niya?"

Alam ko namang inosenteng tanong iyon pero nasaktan ako. Mahina ko na lang itinawa ang nararamdaman. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ilang taon na kaming magkasama. Ilang taon na kaming nasa ganitong set up pero ni minsan, hindi siya naging vocal sa nararamdaman niya.

It's not true that action speaks louder than words. Action without words are confusing. I always overthink about it pero pinipilit ko na lang alisin sa utak ko dahil ayaw kong magdagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

"You think it's love if you're hurting?" Tanong niya. "Hindi, Ellyse. You'll be pathetic. Ang daming lalaki sa mundo. Maganda ka pero nagtitiis ka sa lalaking ganiyan ka itrato?" Mariin niyang tanong.

You Broke Me First (Pontevedra Series #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu