Kabanata 33

49 2 0
                                    

Deserve.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung sino ang titingnan ko sa kanilang tatlo. Ang mga mata ba ni Vincent na halatang sabik na sabik sa mga bata? Sa mga galit na galit na mata ni Elovie? O kay Elijah na blangko lang na nakatingin sa ama.

Naagaw ng atensyon ko ang papalapit na sina Mama at Eunice. Maging sila ay napahinto sa kinatatayuan. Nakita ko pang kumunot ang noo ni Mama kay Vincent bago inilipat ang tingin kay Elijah.

Hindi na kailangan ng DNA test para lang mapatunayan namin na anak ni Vince ang kambal lalo na si Elijah dahil kuhang-kuha niya ang mukha ng ama.

"Eunice, bumili muna tayo ng paboritong inumin ng mga bata," rinig kong bulong ni Mama.

Ngumiti sila sa akin. Tipid akong ngumiti para maitago ang kabang nararamdaman.

"H-hi..." Sabi ni Vince habang nakatingin sa mga anak ko.

Hindi siya pinansin ni Elovie. Diretso ang lakad ng anak ko papunta sa akin habang si Elijah ay nananatiling nasa kaniya ang tingin.

"Mommy, let's go home!" Malakas na yaya sa akin ni Elovie, hinahatak pa ang kamay ko.

Napayuko ako sa anak. Salubong na salubong ang kilay niya at walang pakialam sa ibang tao na nasa paligid namin.

"I just want s-some talk," marahang sabi ni Vince habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa aming tatlo.

"How dare you to ask that!" Malakas na sigaw ni Elovie sa kaniya bago siya balingan.

"Elovie!" Mariin kong saway.

Ang sabi ko, wala akong balak na ipakilala ang mga anak ko kay Vince pero hindi ganito ang inaasahan ko. As much as I want him out of our lives, tatay pa rin siya ng mga bata.

"How dare you to ask my mother to talk to you after what you did!" Nanggagalaiting sigaw pa ni Elovie, hindi natinag sa saway ko.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin bago bumaling sa ama. Mabilis siyang tumakbo papunta sa gawi ni Vince saka iyon malakas na sinuntok sa hita. Lumuhod pa si Vince para mapantayanan ang paningin ng galit na bata.

"I-I'm sorry," bulong ni Vince, naluluha na.

"I hate you so much! I hope you're not my father but—" Mariin nitong sabi.

"Elovie, stop your words! He's still your father," singhal niya sa akin.

"I don't have a father," mariin niyang sagot habang nakatingin sa mga mata ni Vince.

Tumakbo palayo sa amin si Elovie. I was about to ran after her when I saw her hugged Tita Ricky. Nagulat si Tita Ricky, maging ako ay nagulat sa malakas niyang paghagulgol.

"Let's go home, Tita. I don't want to be here," umiiyak niyang sabi.

"Ellyse?" Tawag sa akin ni Tita Ricky.

Tumango ako sa kaniya. "Sige, Tita, please?"

Umirap muna siya kay Vince bago hawakan ang lumuluhang si Elovie.

"Elijah?" Tawag ni Tita kay Elijah.

Nakatingin lang siya sa ama, hindi gumagalaw. Binalingan niya si Tita Ricky at umiling sa kaniya.

"I'll stay here," malumanay niyang sagot.

"What!" Alma ni Elovie sa kaniya.

"I said I'll stay here, Elovie."

Inirapan siya ng kambal bago naunang maglakad. Halatang galit na galit base sa nagdadabog niyang yabag. Nakita ko pa ang paglingon sa amin ni Tita Ricky bago niya tuluyang sundan ang aking anak.

You Broke Me First (Pontevedra Series #3)Where stories live. Discover now