Kabanata 7

36 4 0
                                    

Number.

Feeling contented about what we did inside his car, bumalik ako sa loob ng club.

"Anong nangyari, Ellyse? Bakit ka hinatak?" Tanong ni Kuya Robert nang makita akong pumasok. "Kaunti na lang ay magsusumbong na ako kay Ma'am Ricky."

"May kasalanan lang ako, Kuya. Kinausap lang ako," simpleng sagot ko. "Pasok na po ako."

Kinuha ko ang tray sa kaniya saka bumalik sa ginagawa. Kumunot ang noo ni Patricia nang makita ako. Kumindat na lang ako sa kaniya bago sinimulan muli ang trabaho.

"Girl, nadiligan ka ba?" Tanong niya sa akin.

Umirap ako at mahinang humalakhak. Mukhang nakuha niya ang sagot sa tanong niya dahil mahina niya akong hinampas. Nagtawanan kami saglit bago kami dumalo sa mga bagong dating.

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Vince kaya nilingon ko siya. Nakita kong sumisimsim ito sa kaniyang baso habang madilim ang tingin sa akin. Ngumisi na lang ako bago bumalik sa ginagawa.

"At talagang hindi mo tinigilan si Vincent?" Singhal ni Tita Ricky sa akin kinabukasan.

Kinusot ko ang mga mata ko at bumangon. Nakita ko siyang nakahalukipkip sa harap ko at bahagyang nakataas ang isang kilay sa akin.

"Tita Ricky, I know what I'm doing," sagot ko at mahinang humalakhak.

"Haynako! Ewan ko sa'yo. Basta sinabihan na kita, ha?" Sagot niya. "Ano? Masarap ba?" Tanong niya.

Malandi akong tumawa. Nagising ang diwa ko dahil sa tanong niya. Agad siyang lumapit sa akin saka ako gigil na kinurot sa aking tagiliran.

"Kalandian mo, Ellyse! Sabagay. Kung babae rin ako, bibigay ako kay Vincent."

Natawa ako sa sinabi ni Tita Ricky. Closed ang club ngayon kapag ganito ay madalas akong tumatambay sa opisina ni Tita Ricky. Tumatambay rin kasi siya rito at sabi niya, wala siyang ginagawa sa buhay bukod sa pagma-manage nitong club niya.

"Wala ka bang balak na pumasok sa school, Ellyse? Pwede ka namang mag-aral habang nagta-trabaho rito," sabi niya sa akin nang nasa loob na kami ng kaniyang opisina.

Nailapag ko ang kinakaing sitsirya saka bumaling sa kaniya. Nagkibit-balikat ako.

Syempre gusto kong mag-aral 'no! Ang bata ko pa. Mataas ang pangarap ko sa buhay kahit na ganito ako!

"Nasa probinsya po ang papeles ko e," sagot ko.

"Well, we can contact your school to have your papers shipped here. Madali lang 'yon, Ellyse. Mas nakakahinayang kung hindi mo itutuloy. Anong gusto mo ba sa buhay mo? Maging waitress na lang?" Tanong niya sa akin.

"Well, I was planning to make Vince as my sugar daddy," malanding sabi ko.

"Bruha ka! Wala kang aasahan doon. Guys like that only like to fuck around. Wala silang pakialam sa babae. Mabuti nga at dalawang beses kang nilapitan ni Vincent. I heard he doesn't do replays," mahabang sabi niya.

"Baka nasarapan sa akin, Tita. What do you think?" Natatawang tanong ko.

"Baka naisip niya lang na madali kang mauto," pairap niyang sagot. "Maraming modelo at artista ang nali-link sa kaniya noon pa man, Ellyse. Ikaw? Hindi naman sa minamaliit kita pero let's be real here, mahirap ka lang! At sa club pa nagta-trabaho!"

"Exactly, Tita! Hindi ka ba nanonood ng movies? Or nagbabasa ng books? Baka nagustuhan niya ako. Love at first sight?" Tanong ko.

"Ay jusko!" Sinapo niya ang kaniyang noo at umambang ibabato sa akin ang magazine na nasa kaniyang lamesa. "Tigil-tigilan mo 'yang imahinasyon mo, Ellyse. Mabuhay ka sa reyalidad dahil wala ka sa libro o telenovela!"

You Broke Me First (Pontevedra Series #3)Where stories live. Discover now