BOOK 4 > Ch. 5 ~ AND THERE WAS HER ~

Start from the beginning
                                    




Hindi niya kailangang magkaila at magtapang-tapangan sa mga panahon na sobrang nasasaktan na siya. Kung kayat hinayaan niyang tumulo ang luha niyang parang 'di na yata maubos-ubos kahit anong punas niya.




Ang dame-dame niyang tanong. Sa dame di niya alam kung paano uumpisahan.




Pero naisip niya, magkaron man siya ng sampung libong sagot, maitatama pa ba nito ang mga maling naumpisahan? Nakakapagod. Nakakanawa.




" So, may taong ang pangalan ay Taygan Neri na nag-eexist sa buhay mo at ikakasal ka sa kanya in a month or more. Question, bakit ako nandito? Bakit mo ako ininvolve sa sitwasyong ganito? And yes, bakit mo ako pinaniwalang may legal na 'Tayo'?! Mukha ba talaga akong tanga at naisip mong utuin ako ng paulit-ulit?! Paulit-ulit?! "




Muling pinunasan ni Elizabeth ang luha gamit ang kanyang mga kamay. Ang sakit sakit na ng kanyang dib-dib. Parang may literal na sumasaksak sa kanyang puso. Nananakit na rin ang kanyang lalamunan.




" Lizbeth, pwede bang mag-usap muna tayo? Yung maayos? Please! Pakinggan mo muna yung explanation ko! "




At pagkatapos ng nararamdamang awa sa sarili, sumunod ay sobrang galit. Galit sa taong gusto pang magmukhang walang muwang sa sitwasyon kahit na lutang na lutang na ang ginawang kasalanan. Nasampal ni Elizabeth si Lebanon gamit ang kanyang kanang kamay.




" Explanation?! Gusto mong makinig ako sa explanation mo? G*go ka ba?! Kase ako hindi! Gusto mong makinig ako sa mga kasinungalingan mo nung nahuli ka? Pero di mo sinabe sa akin 'yang hayup na explanation na 'yan nung nag-eenjoy tayo sa kama?! Kung hindi ko sinagot yung tawag ni Taygan kanina, I'm sure hanggang ngayon naglalakad pa rin ako na parang walang problema, ka-relasyon ang lalaking ikakasal na pala sa ibang babae! Pakshet talaga. Sobrang nakaka-Pakshet. "




Magsasalita pa sana si Lebanon at makikipag-argue pa ulit. Pero hindi na niya yun pinayagan at tumalikod na siya para umalis. Ayaw na niyang makinig pa sa kung anong sasabihin nito. Ayaw na rin niyang marinig ang mga balikong rason nito kung bakit may relasyon sila, habang may isa pang babae na pakakasalan ito.




At hindi siya iyon.




Hindi siya yung pakakasalan ng taong mahal na mahal na niya.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Where stories live. Discover now