" Mah, Pah." Tawag ko sa kanila na kinalingin naman.

Nag antay ang dalawa sa sasabihin ko.

" Ahhhhh..G-gusto niyo bang kumain? May alam akong lumihan masarap yon. Gusto niyo?" Lihis ko sa kong ano mana ang aking sasabihin.

Kita pa rin sa kanilang mukha ang pagtataka, napakamot nalang ako sa aking batok.

Bakit kase ganon ang lumabas sa bibig ko? takti naman ohh opportunity na yon eh.

" Sige bilhan ko nalang kayo." Sabi ko nalang sa dalawa  at  mabilis naglakad paalis.

"Ano ba Abby, pinapatagal mo pa ang sitwasyon, lalo mo lang ginagawang kumplikado sasabihin mo lang naman eh, kung magalit sila tanggapin mo kung hindi.......pero magagalit talaga yon"

" Okay ka langba eneng? Pinagtitingin ka pa kanina ng aking customer, nagsasalita ka kase ng mag isa." Don lang ako natauhan ng may magsalita.

Diko alam na nasa tapat na pala ako ng Lumihan, inilibot ko naman ang aking paningin at napayuko nalang ako ng makita ko na sa akin sila nakatingin.

Iisipin tuloy sakin baliw ako.....siguro nasisiraan na ako hayst.

" Anong order mo?" Tanong ng tendera na halatang nagpipigil ng inis."

" Ah dalawang lummi..."

" With egg ba?" putol nito sakin.

Walang manners toh di panga ako tapos magsalita, yon naman talaga ang sasabihin ko inunuhan niya lang. Sabihin ko nalang na wala tuloy...

" Without egg, may egg na si Papa." sabi ko na sa huling salita ay  hininaan ko.

" Ano sabi mo?" taas kilay nitong tanong.

Kung pataas lang ng kilay bhe ako, magpapadaig pa ba ako?

" Bakit nakataas yang kilay mo a...?" I cut her

" Bakit bawal ba? passion din to noh, di mo alam kase wala kang kapasisyon-pasyon." Pagtataray ko dito sabay hablot ng supot sa kamay niya. " Ayan bayad, keep the change." at inikutan ko ito ng mata bago umalis.

"Akala mo ang ganda, eh make-up lang naman ang nagdala..Ayyy kabayo! kuya naman eh."

Ginulat lang naman ako ng aking magaling na Kuya, may patago-tago pang nalalaman.

" Para kang baliw kinakausap mo ang sarili mo, umamin ka nga Abby..." i cut him.

" Ano na naman ang aaminin ko aber?"

" Sinasapian ka ba ng masamang isipirto?"

" Kuya!" Hahampasin ko sana ito ng makailag agad.

" Ito di mabero. Ano yang dala mo?, parang pagkain yan ah." Hahablutin na sana ito sakin ng itago ko ito sa aking likuran.

Iba talaga ang pang-amoy ng isang to.

" Eh ano naman kong pagkain ito, hindi ito para sayo. Aba-aba ang lakas ng purmahan natin ah saan ka punta?" 

"To the moon." Mabilis nitong sagot na kinataas ng kilay ko." Road trip broom-bro..oyy dipa ako tapos! bumalik ka dito!."

" Bahala ka dyan! Bili ka ng kausap mo gaya mo na sira ulo!"

Stress na nga ako don sa tendera kanina dadagdag pa siya. Ang hirap na may kuyang tulad niya kung pwedi lang ipalapa siya sa buaya matagal ko nang ginawa.

Dumiritsyo agad ako sa kusina at kumuha ng dalawang mangkok at kutsyara at isa isa kong isinalin ang dala ko.

Lumabas muna ako ng kusina at iniikot ko ang mata sa kabuuhan ng bahay.

" Asan kaya ang dalawang yon? Mah!,Pah!" sigaw ko.

Sabay namang lumabas ang dalawa  galing sa kanilang kwarto. Ano kaya ang ginawa ng dalawang to? ouhmmm siguro....iba na naman ang tumatakbo sa kukuti ko.

" Bakit ba?, makasigaw ka naman parang nasunugan. Ano ba ang kailangan mo?" tanong ni Mama.

Bad trip yarn?

Uupo na sana si Mama sa may sala ng pigilan ko."  Mah don tayo sa kusina; Diba sabi ko sainyo na bibili ako ng lumi? Andon na sa hapag kainin niyo na habang mainit pa." Nakangiti kong saad at inakay si Mama sa kusina, naramdaman ko namang nakasunod si Papa.

Umupo sila magkabilaan at naupo ako sa  may gitna, nakatingin lang ako sa dalawa habang sumusubo.

" Ano Mah, Pah masarap?" Tumango lang sa akin ang dalawa.

" Ehem! baka gusto niyo ng tubig?"

Kailangan dahan-dahanin muna.

Hindi kuna hinintay pa ang sagot nila, tumayo nalang ako at kumuha ng tubig para sa kanila.

Syempre kapag may sasabihin wag natin biglain baka mahigh blood pa tuloy satin. Dapat sa una maging sweet muna para hindi malintikan mamaya.

" Alam kong may sasabihin ka Abby, sabihin muna. Hindi ka naman magkakaganito kong wala kang kailangan, dinadaan daan mo pa kami sa lumi nato alam mo namang sawa na kami dito." Aniya ni Mama

Nawala sa isip ko  yon, lagi palang dumadala si Ate ng lumi kada uwi nito sa trabaho. Bakit yong ang naisip ko.

" Sabihin muna bunso at makapag pahinga na kami ng Mama mo." Sabi naman ni Papa  na binigyan ko naman ng  ibang malisya.

" Eh kase Mah; Pah....Pero wag kayo magagalit?"

" Na ano?" Sabay pa nilang tanong

" Na ako si Darna."  Napabuntong hininga nalang ang dalawa." Pero ito na talaga... Promise di kayo magagalit sakin ha?" tumango sila habang sumusubo ng lumi." Hihinto na ako sa pag-aaral." Diritsya kong sabi na kinatawa nila.

" Ano yan bunso joke ba yan?" Ani Papa

" Nice joke Nak." Sabi naman ni Mama na sinabayan pa ng palakpak.

" Im not joking! Siryoso titigil na ako sa pag-aaral."

Ni  isa sa kanila walang kumibo,pero dama ko ang pagkadismaya sa mukha nila.

Maya-maya ay tumayo si Papa at umalis.Tumingin ako kay Mama naghahangad na sana maunawaan niya pero hindi pa ako nakapagsalita ay tumayo din ito at iniwan ako  sa kusina na  luhaan.

Ang kina iiyak ko bakit Abby sila ng Abby? Eh ang pangalan ko is Khyanei.

                       

            🍂Ipagpapatuloy ko pa ba?🍂
                


Distance Between UsWhere stories live. Discover now