Kabanata Isa

4 6 2
                                    

🍂Mah," tawag ko sa aking ina na abala sa kaniyang kinakain.

Hindi ko alam kung bakit ako  ngayon pa nag-lakas loob na magtapat kung kailnan nasa hapagkainan kami, basta ang nasa isip ko  ay itapat ito sa kanila kase diko na kaya,ang bigat-bigat na sa dibdib.

"Akala ko ba may sasabihin ka?"

" Po?"Sabay baling  dito.

Ang sasabihin ko na sana kanina ay naudlot ng magsalita si Mama. Bigla akong nawalan ng lakas para sabihin kong ano talaga ang sadya ko sa kaniya.

Kanina pa ako subo ng subo ng pagkain pero parang hindi ako nabubusog, isa-isa kong tiningnan ang Ate,Mama at Papa na abala sa kanilang pagkain.

" Mas mabuti pa ikain mo nalang yan Abby, siguro nakulangan kalang kaya iba-iba na yang iniisip mo." Sabi nito habang inaabot ang adobong manok at pinagsandok ako," kaya hindi ka tumataba eh kase ang  unti mong kumain nak." Pagmamaldo nito.

" Siguro Mah diet yan si Abby kase baka meron na." kantyaw ni Ate na  tinawana ni Kuya.

Tiningnan ko naman ng masama si Ate." Porke kunti lang ang kinain diet na agad? di lang pwedi na, wala lang ganang kumain?..."

" Oyy luma-lovelife na ang bunso namin...buti may pumatol sayo." Sabi naman ni Kuya na kinakulo ng loob ko.

" Mama ohhh si Kuya."Sumbong ko

" Tumahimik na kayo,nakakalimutan niyo siguro na nasa hapag kayo. Ikaw Owen at Ashley  alam niyo naman na hindi pa pwedi yan si Abby   boyfriend- boyfriend na yan, itutulad niyo  pa sainyo, kung inatupag niyo ang pag-aaral niyo di sana nakatapos kayo hin...aray!"

Hindi na natapos ni Papa ang sasabihin ng kaltukan ni Mama.

" Ikaw ang tumahimik!"

" Pinagsasabihan ko lang naman sila mahal, kaya ikaw Abby wag ka muna mag jowa magtapos ka ng pag aaral.

Muntik na akong mabilaukan dahil don buti at agad akong dinaluhan ng tubig ni Mama.

" Okay kalang  Nak?" tumango nalang ako bilang tugon.

Paano ko pa masasabi sa kanila kong inuunahan na ako ni Papa.

Naging tahimik ang dalawa kong kapatid ng masermunan ni Papa, at ako pinagpatuloy ko nalamang ang pagkain ko parang bigla akong ginanahan kumain ng sabihin yon sakin ni Papa.

Hindi ako mapakali sa aking kwarto, nagdadalawang isip kung sasabihin ko o hindi. Panay lang ang lakad ko  sa loob nag iisip kong paano ko sisimulan.

"Wohhh!! kaya ko to." at bumontong hininga bago tumayo at maglakad palabas ng kwarto.

Naabutan ko naman si Mama at Papa sa sala habang nanunuod ng palabas sa tv.

Huminga muna ako ng malalim." Mah, asan si Ate at Kuya?" tanong ko ng makaupo ako sa tabi ni Mama.

" Alam mo naman yong dalawang yon, pag wala dito paniguradong adon na naman yon sa magiging asawa nila hayst." Sagot nito habang ang mata nito ay nakatuon sa tv.

" Wala ka bang lakad?, Wala ka bang group project sa school niyo?" Tanong naman ni Papa.

Ito na naman si Papa nagsisimula na naman.

" W-wala po Pah."

Sa katunayan natambakan na ako ng mga gawain sa school, ang kaso hindi ko lang ginagawa. Bakit pa ba ang gagawa? Kahit sinasabihan ako ng mga kaklase ko na papagayahin nalang nila ako sila na lang daw ang gagawa pero ako lang itong tumanggi. Panay din ang chat sa akin ng mga subject teacher ko  kung kailan daw ako mag su-submitte ng projects  pero ni isa sa kanila ay diko nerereplyan .

Distance Between UsWhere stories live. Discover now