Chap 2

20 0 0
                                    


|Yanjeol|

Papauwi na ako nang mapadaan ako sa barbershop at nakita ang sarili ko sa salamin sa loob.

Napaatras ako kasi nakita ko ang itsura ko ngayon.

Namumula ang mukha ko at para akong binugbog. Mahapdi rin at medyo makirot ang pakiramdam kapag hahawakan ko ang pisngi ko.

Grabe yung Amica na yun...

Hindi ko ba pagsisisihan ang ginawa ko kanina?

"Dapat pala nag-background check ako sa kanya. Pano kung katulad rin pala siya ni Ate Kiara? Tapos mapanakit na agad..."

Umiwas na ako ng tingin sa salamin at nagpatuloy nang lumakad pauwi na nag-iisip ng malalim kung itutuloy ko pa ang nasimulan ko nang plano na maging girlfriend ang natatanging babae na maaari kong gamitin para sa ikaliligaya ni mama.

"Anong nangyari sa mukha mo??"

Napansin ng kapatid ko ang itsura ko kaya napatanong agad pagpasok ko palang sa pinto ng bahay namin.

"Si mama??" Tanong ko at tiningnan lang ako ng lalaking ito na napakaseryoso ng mukha.

Halos wala pang ekspresyon ang mga mata niya na tumingin sakin.

"Nakipag-away ka na naman..." Sambit niya pa pero di ko na pinansin at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Nadaanan ko rin si Zhiejao, ang bunso namin, na nakaupo sa sofa at busy sa paglalaro ng Pokemon Unite.

"Oy, Oy. Kanina ka pa ata dyan ah. Kamusta na rank mo?"

Sinilip ko ang phone niya at last 3:17 minutes nalang. Hindi rin ako sinagot ni Zhiejao kaya ginulo ko nalang ng palad ko ang buhok niya at tumuloy nang dumiretso sa kwarto ko.

Pagkaupo ko sa kama, inopen ko ang instagram ko at nagscroll ng mga posts ng pina-follow kong mga profiles.

Tapos pagkahiga ko sa kama naipit ko yung ID na suot ko.

ID ni Amica Rebuela...

"Ano kayang reaksyon niya na nakuha ko ang ID niya?"

Hindi ko napigilang mag-smirk kasi siguradong maiinis at magtataka siya once na malaman niyang wala yung ID niya.

Umayos ako ng higa sa kama at pinagmasdan ang picture sa ID niya.

Amica H. Rebuela....

Bakit nga ba ikaw ang napili ko na ipakilala kina mama soon?

At bakit nga ba kasi sa akin dinala ng hangin yung eroplanong papel na pinalipad mo dun sa tulay noong isang linggo?

Bakit nga ba nagkalakas ako ng loob na hilahin ka kanina para itakas ka sa Jayo na yun? Nagawa pa kitang halikan... Bakit kaya ayaw mo sa kanya??

Narinig kong may kumatok sa pinto at sumilip si XeiJue nang buksan niya ito. Siya yung sumalubong sa akin kanina.

"Mamalengke ka raw ng panghapunan natin tapos sumabay ka na kay papa pauwi."

"May binigay bang pera si mama??"

Inihagis niya yung supot ng plastic na may pera at sinara na ulit ang pinto.

Nagulat nalang ako nang sumilip ulit siya at kalmado yung tingin sa kamay ko.

Hindi ko na tinago at ipinakita sa kanya yung ID na hawak ko pagtayo ko sa kama at saka kumuha ng pampalit na damit at naghilamos at nilagyan ng band-aid ang ilang namumulang parte sa mukha ko.

Nagpalit lang ako ng pangtaas at lumabas na rin kasunod kay Xeijue dala yung supot ng plastic na may pera.

Nadaanan ko pa si Zhiejao na naglalaro pa rin ng PU dun sa pwesto niya kanina.

"Master na ba, so?"

Seryoso yung ngiti niya saka ibinalik yung tingin niya sa phone.

"Ya, Bili ka Tictac!"

Kumaway nalang ako ng kamay at umalis na. Nagmotor ako papuntang palengke at bumili ng panghapunan.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa pinagtatrabahuhan ni papa at naghintay na mag-uwian na sila.

Medyo natagalan pa kaya bumili na muna ako sa Mang Inasal ng halo-halo.

Sakto namang may napansin akong babae na kakalabas lang at nanlaki ang mata ko nang makita siya. Hindi kasi ako makapaniwala na makikita ko siya.

Pinabilisan ko nalang yung order at sinundan yung babae pero hindi ko na siya nakita pa. Nakaabot pa akong kalsada sa kakahanap kung saan siya dumiretso.

Siya nga ba yun??

-/-/-/-

My Not So Perfect Love Partner Where stories live. Discover now