Napasimangot ang prinsesa dahilan doon subalit naintindihan naman niya kung bakit iyon ginagawa ng kanyang kapatid at natuwa siya dahil natitiyak niyang tila tuluyan na ngang nagbago ang kanyang kapatid.

"Naiintindihan ko subalit Yu gege bibisitahin ko si Yue-jie bukas na bukas mismo kasama si Tarou jiejie isasama ko siya at ang mga concubine mo sa pamilihan at wala kang karapatang tumanggi"

Napailing na lamang si Zhi Cheng sa sinabing iyon ng kapatid isa pa wala naman talaga siyang balak na humindi sapagkat makabubuti para kay Xiaoyue ang masanay sa bagong estado nito bilang Princess Consort. Natuwa rin siya nang malamang pati ang nakatakdang consort ng ika siyam na Prinsipe Li Jiang ay kasundo rin ng nakababatang kapatid. "Hmm gawin mo ang gusto mo subalit hayaan mo munang makpagpahinga ang iyong Yue-jiejie maliwanag ba"

"Masusunod!"

"Ah eh mawalang galang na po mga kamahalan, Prinsipe Yu ipinatawag na po kayo ng mahal na Emperor sa loob"

Anunsiyo ng punong Eunuch kaya naman nagpaalam na si Prinsesa Xiao-Lin at pumasok na siya sa Hall of Imperial Prominace. As he entered the throne hall he can see his father as the ferocious and mighty Emperor that everyone in the country feared off but at the same time respected and loved. Ang kasuotan at ang tronong kinauupuan ay isang bagay na pinag-aagawan nilang magkakapatid ang bawat isa ay handang pumatay o manakit makuha lamang ang inaasam kahit pa kadugo nila ang masaktan at hindi niya itatanggi ba maging siya ay ganoon din lalo na at ipinangako niya noon sa nasirang ina ang bagay na iyon.

"Binabati ng ika limang prinsipe ang mahal na Emperor mapasainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala"

Aniya at nagbigay pugay sa Emperor. Wala na roon ang kanyang mga kapatid lalo na ang ikatlo niyang kapatid na prinsipe.

"Tama na ang pormalidad at makakatayo ka na Cheng'er alam mo naman na siguro ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag na magkakapatid hindi mo naman siguro ako bibiguin hindi ba?"

Base sa tono ng pananalita ng kanyang ama naisip na agad niya ang gusto nitong iparating. Nalalapit na kasi ang kaarawan ng kanilang ama at katulad ng tradisyon nila magtatagisan ng galing sa isang paligsahan ang mga anak nitong prinsipe maging ang mga prinsesa. At kung tama ang pagkakaintindi niya sa lahat ng iniisip ng kanilang ama inaasahan nito na ipakikita na niya rito ang kanyang tunay na kakayahan bagay na hindi niya maaring gawin dahil sa sumpang pumipigil sa pagdaloy ng kanyang natural na ki sa katawan.

Ang paggamit ng sobrang pwersa at hindi makatarungang lakas ay maaring magresulta sa kawalan ng kontrol at tuluyang panghihina. Subalit kung may bagay siyang hindi maintindihan tungkol sa sumpa, iyon ay ang pagiging kalmado nito sa tuwing malapit sa kanya ang kanyang si Chen Yue. Di katulad ngayon kinailangan pa niyang uminom ng gamot na pampakalma bago siya makipag-usap sa kamahalan.

"Fu Huang hindi maunawaan ng inyong anak ang nais ninyong iparating" aniya kahit na alam naman talaga nito ang nais iparating kamahalan sapagkat ang pagpapanggap na walang alam sa harapan nito ay mas mainam kaisa ipaalam dito ang katotohanan.

"Cheng'er higit kanino man sa inyong magkakapatid ikaw ang nagmana ang aking ugali at may talinong kagaya ng sa iyong nasirang ina, mainam kang gawing kandidato bilang susunod na Emperador ng Imperyong ito kung sakali subalit paano ko matitiyak na karapat dapat ka nga kung hindi ko naman makikita ang angking talento mo"

"Paumanhin kamahalan subalit sabihin man natin na tama kayo ay alam ninyo ang tunay na dahilan kung bakit ko ito ginagawa, higit kanino man kayo ang nakakaalam kung bakit kinailangang isakripisyo ang aking kakayahan maging ang aking ina ay naiintindihan rin ang lahat ng iyon"

Napabuntong hininga ang Emperador sa sinabi niyang iyon subalit para sa kanyang pangako sa kanyang ina ay nakahanda ang Prinsipe na gawin ang lahat nakuha lamang ang inaasam...

His Royal Mistress (On Going)Where stories live. Discover now